Chapter 65
3 days have passed. Nakaalis na kaagad si Ace sa hospital at bumalik sa trabaho, pinagaralan niya lang yung mga ginagawa niya noon at mga kailangan niya dapat gawin. Dahil nga diba limot na niya ang mga ginagawa niya, kailangan siyang turuan.
Si dad ang nagtuturo sa kanya at ang sabi saakin ni dad, parang iba na daw si Ace ngayon. Pansin ko din iyon sa kanya. Although masakit dahil ang noong cheerful at palangiti.. Parang cold na. Pero hindi ko muna iyon pinapansin dahil baka dala lang iyon nang pagkalimot niya.
Iniintindi ko siya. kelangan niya iyon.. Mahirap pero ganun talaga. Tatlong araw lang naman ang lumipas. Marami pang bukas at hindi mauubos iyon. Gaya nga ng sabi, habang may buhay, may pagasa.
Pupunta ako ngayon sa company nila dahil ibibigay ko kay Ace ang ginawa kong grahams with love. Ginawaan ko siya nitong grahams dahil baka makatulong ito para bumalik ang memorya niya.
Hindi ako dumaan sa dinaan kung saan naganap ang aksidente. Naiiyak ako at parang hindi ako makahinga kapag makikita ko iyon. Naalala ko yung pangyayari kung saan nawalan ng memorya si Ace. Masakit eh. Siguro nga ay may trauma talaga ako doon.
Kasama ko si Clyde papunta doon dahil inassist niya na siya na daw ang maghahatid saakin. Buti na lang at andiyan ang mga kaibigan kong handang tumulong.
"sige.. hintayin na lang kita dito." sabi ni Clyde. Tumango ako at lumakad papuntang elevator. pinindot konang 30th floor at naalala ko nanaman ang nangyari nang last akong pumunta dito. Huminga ako ng malalim.. Sana, walang ganun ngayon. Tutal, hindi din niya maalala si Jelly di ba? Pero kahit ganun, kinakabahan pa din ako.
Bumukas ang elevator at nakita ko si Ace na nakatulala. Nakita niya ako at napaayos siya ng upo. Ano kaya ang iniisip niya at bakit siya natulala ng ganoon. With matching nganga pa.
"uhh.. Hi?" bati ko sa kanya at ngumiti ako. seryoso lang siya at walang kibo.
"what are you doing here?" sabi niya. Medyo nagulat ako dahil parang iritado ang tono ng boses niya. Kahit kelan ay di ko pa naririnig iyon sa kanya.
"amm. binibisita ka lang.. ammmm. may dala nga pala akong grahams.." binigay ko sa kanya ang paper bag at kinuha niya iyon na parang nagtatanong.
"sabi mo kasi.. paborito mo yan.. Actually, yan yung unang gawa ko na natikman mo." Ginawa ko ang lahat para di magmukhang nakakaawa ang tono ng boses ko at ginagawa kong para masigla.
"ganun ba.. sige thanks.." ngumiti siya pero saglit lang.Dumating ang secretary niya at may sinabi sa kanya. Haaay. Hindi lang ako ang may kailangan kay Ace. Mukang naooccupy ng iba ang dapat na time ko..
Nakatingin lang siya sa papel na parang dinidiscuss ng secretary niya. Siguro kailangan ko na ding umalis. Wala naman kaming paguusapan. Mukhang busy kasi siya.
Hindi na ako nagpaalam dahil mukhang mas seryoso ang pinagtutuunan niya ngayon at bumababa na lang. Napahinga ako ng malalim at kasunod non ang pagpatak ng luha ko. Kasalanan ko din naman kung bakit siya nagkaganito.
Karma ko na to dahil.. hindi ko din alam..
basta feeling ko kasalanan ko din ito. Ako naman kasi ang dahilan kung bakit siya nabangga at nabura ang alaala.
Pinunasan ko ang luha ko at umaktong parang normal lang sa harap ni Clyde. Ngumisi siya saakin.
"t-tara na." ngumiti ako na parang wala lang at pumunta na kami sa parking lot..
Pinaandar niya ang kotse at tuluyang nagdrive.
"Isang linggo at mahigit.. pupunta ka na ng France." Nung sinabi niyang France, gumuho ang mundo ko. Halos hindi ko namalayan ang oras.. ang panahon.. Pupunta nga pala akong France. Paano ko maipapaalala kay Ace lahat ng memories namin kung mawawala din ako?
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomantikHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...