Chapter 45: Meeting his family

5.4K 73 3
                                    

Chapter 45

Bawat hakbang ko sa bahay nila. Yun din ang bilang ng bilis ng puso ko. Ganito pala talaga ang feeling na ipapakilala ka. Nakailang lunok na ako ng laway ko at parang nanunuyo ang lalamunan ko. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Ace. Somehow, I feel safe with it. Nababawasan ang kaba ko dahil doon.

As we were entering their house. I saw a man in his wheel chair. Ito ba ang tatay niya? He has a blank face while staring at... me?

“G-good afternoon po.” Sabi ko at ngumiti Wew. Nanginginig na ang tuhod ko. Nagbow ako ng onti at medyo napapikit pa dahil sa sobrang  kaba.

“Good afternoon pa.” Sabi ni Ace.

“Good afternoon.” Sabi niya at ngumiti.

“So you’re Bliss?”

“Yes po.” I said with a very shy smile. And he also flashed his smile to me.

Wait? Did he just smiled at me?

NGUMITI? Oh my god! Buti na lang ngumiti siya! Shocks. Nakakakaba kaya ang poker face na itsura niya kanina.

“Tara na! Marami akong hinanda para dito. Dun na tayo sa dining room.” Napahinga ako ng maluwag ng inassist siya ng nurse niya papunta doon. Ngayon ko lang napansin na malaki pala ang bahay nila. Ay di pala to bahay! Mansyon to! Sobrang taas ng ceilings nila at victorian ang design pero may pagkamodern din dahil andaming salamin at hightech na gamit.

“Breathe, Bliss, Breathe.” Sabi ni Ace habang pinapisil pisil ang kamay ko.

“Grabe.” Yun na lang nasabi ko. Tumawa na lang itong katabi ko. Tinignan ko siya ng masama. Pasalamat siya andito ako sa bahay nila kundi kanina ko pa siya kinurot.

Kasalukuyan kaming nasa dining area at kumakain ng dinner. Pero habang nagdidinner kami. Walang kamatayang tanong na ang binato saakin. Ehem. Like, kung saan ako nakatira, nagaaral, ano ang course ko at kung bakit yun ang gusto kong course. Ilan kami magkakapid which is very awkward kasi wala talaga akong kapatid, kung ano trabaho ng tatay ko which is very awkward din kasi yung ang vice president ng company nila, kung paano kami nagkakilala ni Ace at kung paano kami nagkagustuhan sa isa’t isa which is very awkward talaga sa lahat ng awkward.

Hindi ko alam kung ano ba ako dito. Kung nagaapply ba ako or nagpapakilala ako bilang girlfriend niya. Para akong iniinterview ni Boy Abunda at feeling ko Buzz ng bayan. O kaya, interview ito para sa trabaho.

Pero kahit ganun. Mabait naman ang papa niya saakin. Nakikipagjoke din siya at tumatawa din. I had fun. Akala ko hindi niya ako kakausapin at magtitinginan lang kami.

“So.. Kelan ba naging kayo? Ace?” tanong niya.

“Ah. Nung. October 18. Last Monday po.” Sabi ni Ace. Waa! I found him cute when he’s saying po at mukha siyang puppy na napakaamo. Ganito pala siya sa harap ng tatay niya. Ganito siya kadisente at mukhang mature at hindi isip bata. Sarap kurutin ngayon ng cheeks niya eh. 

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon