Chapter 59
Birthday na ni Dad! Andito ako ngayon sa kotse ni Ace, bumili pa kasi ako ng regalo ni dad at siya din. Nakatuwa nga dahil parang ang confident ko ng lumabas kasama siya. Kayang kaya ko nang makipag holding hands sa kanya ng di alanganin di tulad noon na natatakot ako dahil baka makita kami ng kakilala ni dad tapos isumbong ako pero ngayon, eto hawak hawak ko ang kamay niya, at ayaw ko na iyong bitawan pa.
Hinalikan ni Ace ang kamay ko nung tumigil kami sa bahay at nagpark siya. Napangiti ako dahil doon. Hindi naman sa PDA kami pero iba pa rin talaga pag pinanlalandakan mo sa buong mundo na mahal niyo ang isa't-isa. Noong una, ayoko ng may makakita saaming ganito pero parang ngayon wala na akong pakialam. Eh sa masaya ako eh.
Magkaholding hands pa din kami papasok ng bahay, habang dala ko ang regalo ni dad, Halatang nagulat ang mga guest dahil doon. Andun kasi ng secretary ni dad at ni Ace, ang president, coo at head ng mga departments, andun din yung choreographer naming bakla dun sa debut ko na employee nila at syempre ang matakaw na kaibigan ko, si Anvien at Lunan, ako ang nagpapunta sa kanila dito.
Pero sa lahat ng shock, si Mom iyon. Hindi ko alam kung bibitawan ko ba ang kamay ni Ace or what. Pero itong isa, pinisil na lang ang kamay ko at nagpatuloy kaming pumasok sa bahay. Alam na ni mom na may boyfriend ako at si Ace iyon pero bakas sa mukha niyang di pa siya sanay na ang kaisa-isang anak niya ay dating may hawak ng libro, ngayon ay hawak na ng iba.
“B-bliss.” Sabi ni mom. Parang lahat ata ng naandito, nakatingin saamin.
“Hi tita.” Sabi ni Ace at kiniss si mom. Nagyaya si mom na kumain muna si Ace samantalang ako eh pumunta kanila Anvien at Lunan. Ang mga kaibigan kong matatakaw.
“Wow teh! Lahat ng bisita nakatingin sa inyo kanina. Paano ba naman, ang anak ng VP, boyfriend pala ang CEO!” Sabi ni Anvien. Napasubo tuloy ako ng cake. Lahat ba nakatingin saamin kanina? Shocks. Nakakahiya. Oo nga pala, nakalimutan kong ang CEO nga pala ang boyfriend ko.
“Pero, nakakakilig lang. Kasi bagay na bagay kayo at yung mga mata niya parang hugis puso na sa sobrang in love.” Sabi ni Lunan. Ang OA talaga nitong mga kaibigan ko magdescribe. Napailing na lang ako habang ngiting ngiti. Hindi ko alam kung tatawa ba ako don kasi di ko alam kung compliment yung sinabi ni Lunan.
“bagay? Bakit naman kami bagay?” Tanong ko. Binatukan naman ako ni Anvien. Ganyan yan kapag pinapababa ko nanaman ang self esteem ko, ayaw niyang ganyan ako eh. Kaya nauuwi tuloy lahat sa batok. Buti hindi naalog utak ko.
“hello! Maganda ka, gwapo siya. End of story!” Sabi niya sabay balik sa kinakain niyang spaghetti. Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Anvien at tumawa lang si Lunan.
“Oo nga pala Bliss! This week na malalaman kung sino yung students na pupunta ng France!” Sabi niya. Oo nga pala. Yun Yung project namin na kelangan ng presentation at yung sarili mong recipe ang kailangan. Yung judge pa nga si Ace don. Ilang months bago malaman kung sino kasi pinipili ang deserving na students, tapos this feb na malalaman at lilipad na ng france sa April! Wohoo. Kinakabahan nga kami ni Lunan eh. Paano kung kami iyon. Naalala kong nilagay ni Ace na perfect ang score namin doon.
“Naamoy ko na ang France” Sabi ni Lunan.
“Iiwan niyo akong dalawa?” tanong ni Anvien.
“Nu ka ba! Di pa nga alam eh tsaka anjan naman si Clyde.” Tinataas baba ko ang kilay ko sa kanya. Umirap lang siya.
“Di ko feel si Clyde. Iba aura niya saakin.” Sabi ni Lunan. Tumango naman si Anvien.
“ha? What do you mean?” sabi ko.
“Feel ko may gusto siya sayo eh.” Napakakunot naman ang noo ko dahil doon. Ako? Magugustuhan ni Clyde?
“Kaibigan ko siya noon pa no.” Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...