Chapter 31: My long lost friend

5.7K 93 0
                                    

Chapter 31

Inabot niya yung wallet saakin. Pagkaabot niya nun, tinignan ko ang lahat, yung pera, atm, and everything. Malay mo diba, he's playing nice to me pero may dinekwat na pala siya saakin. Sabi kasi ni Anvien, yun daw ang unang gawin. Marami ng taong manloloko ngayon, mas mabuti ng magingat. 

“Wala naman akong ginalaw jan, except dun sa cellphone mo na nagring nung tumawag ka.” Nangamot pa siya ng ulo ng sinabi niya yun. Dahan dahan naman akong tumingin sa kanya at ngumiti na lang sa kanya. Hehe. Nahalata niya ba ako? Masyado ba akong obvious sa ginawa kong iyon? 

“Ah. He-he hindi naman sa ganun. Salamat dahil binalik mo ito. Salamat! Salamat talaga!” Sabi ko with matching bow pa para formal. 

“Wala iyon. Para yun lang eh. Para saan pa ang magkaibigan?” Bigla namang napalaki ang mata ko sa kanya at napaangat ng ulo mula dun sa pagkakabow ko. Magkaibigan? Agad agad? Medyo FC din ito ah. Feeling close. Kung wala siguro siyang itsura baka kanina pa ako umalis. HAHA. Pasalamat siya cute siya. Ay ano daw? Nako! Ang landi ko! 

“Magkaibigan?” Tanong ko.

“Hindi mo na ako maalala?” Biglang mas lumaki ang pagtataka ko? Maalala? Sino ba ito? 

Processing... Processing...

“CLYDE?!” I said with a shock on my face. Am I dreaming? Is this true? Clyde? My long lost friend? Yeah. Siya nga. I can't believe it. He's here? for real?

“yes. It’s me!” After how many years, ngayon ko na lang ulit siya nakita! Clyde! My first bestfriend ever!

“How are you? Di ka pa din nagbabago, parang tumangkad ka lang pero you’re still the Bliss that I know.” Walang pinagbago? Feeling ko nga maraming nagbago saakin ngayon eh.

“Ganun ba?” Yun lang ang nasabi ko sa lahat ng sinabi niya.

“Pero ikaw, ang laki ng pinagbago mo. Di ko akalain ikaw na iyan.” Sabi ko sa kanya. Which is totoo naman. Dati, payatot lang siya, ngayon.. Let’s say.. May something na nagcover sa mga payatot niyang braso kaya parang di na siya mukhang payatot. Muscles? I think? Nag-gygym ba siya? 

“Pasensya ka na kanina dahil nabangga kita ah. Tapos naiwan ko pa yung wallet ko. Nako! Salamat talaga!” Pagdagdag ko ulit. 

We talked all night na parang walang bukas, sa bagay ilang years ba naman kaming hindi nagkita. What do you expect diba? Ilang years nga ba? Hmm. Grade three kami nung mga time na yun eh, siguro mga 9 years kaming di nagkita. Syempre, namiss namin ang isa’t-isa.

--

Natapos ang paguusap namin ng bandang 8:30 na, kung di ko lang siguro tinignan ang oras, malamang baka hanggang ngayon naguusap pa din kami. Grabe, iba pala talaga kaming nameet mo ulit ang iyong long lost friend. :)

We were in his car, Oo, may kotse na siya kasi ang pagkakaalam ko, 18 na siya ngayon or 19. Ahead siya saakin ng one year eh. Sana ako din makapagdrive na. Gusto ko din ng kotse eh. I want to have a roadtrip with my own car. Magdri-drive ako hanggang sa buwan. ;) Pero, ayun nga. Ihahatid niya daw ako sa bahay ko, Nung una ayoko, pero dahil makulit nga pala ito at mapilit, wala na akong magawa. Tsk. He never changed.

“dito na lang.” Sabi ko sabay turo sa gate ng apartment.

“Dito ka nakatira?” Nag nod naman ako.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. “Thank you sa lahat Clyde.” I hugged him.

“Ge. Pasok na malamig! Bye! See you next time!” Tapos ginulo niya ang buhok ko. Which is hindi naman nagugulo dahil nakapony ako. HAHA. 

I smiled and waved when he’s inside his car. Haaaay. Bakit nga ba di ko naalalang may kaibigan nga pala ako dati? Napakasama ko naman. Sabagay, that was years ago.

I giggled. Napapatawa na lang ako kapag naalala ko na lang yung moment namin kanina.

“Wow! May ka-date ka?” Halos mapatalon naman ako doon sa nagsalita. Grabe! Aatakihin ako don! Tumalikod ako para tignan kung sino ang nagsalita, at tama nga ang hinala ko.

“K-kuya Ace?” He smiled at me bitterly.

“Hinihintay kita kanina sa school mo. Yun pala nakikipagdate ka lang. Uso ang magreply.”

Napako naman ako sa kinatayuan ko. Hinihintay? So.. Sinundo niya ako? Hala ka. Ilang oras kaya siya doon naghintay. Argh. Ako na nga tong nagaabala ng tao tapos ganito pa ang ginagawa ko. si kuya Ace na nagvolunteer para idrive home ako ng safe tapos, nakalimutan ko lang siya? 

“S-sorry... It’s not a date. At tsaka.. W-wala yung phone ko kanina saakin.” Nakatungo na ako sa sobrang takot. Ngayon ko lang siya nagalit ng ganito. Argh! Bakit kasi di ko tinignan ang phone ko kung may nagtext.

“Sino ba yung kasama mo? Anong oras na?! Paano kung napahamak ka nanaman?? Antagal ko ng naghintay dito! Nagaalala ako? Baka may mangyari sayo. Baka mapano ka ulit. Baka... DAMN! I don’t know!” Napasabunot siya sa sarili niya. Ugh. This is your fault Bliss. Ang sama mo!

Lumunok ako bago magsalita. “Kuya Ace, I was just with my old friend! Okay? Ang importante naman n-nandito na ako eh! Sorry kung pinaghintay kita! Sorry! Sorry talaga!” Quotang-quota na talaga ako sa pagsosorry ngayong araw na ito. Kanina pa ako sorry ng sorry! Nung una kay Lunan, tapos si Clyde tapos eto ngayon si Kuya Ace? I guess this is a bad day.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

“Sorry na.” I said with a cracked voice.

“shh. Okay! Sorry! Sorry din! Tahan na! Fuck, This is my fault! Ugh! Sorry na. Sige.” And before I realized, He’s hugging me. Bakit nung niyakap ko si Clyde, wala lang pero bakit pag si kuya Ace. Iba ang binibigay saakin. Parang may sariling system ang katawan ko kapag siya ang kasama ko. Parang nagiging abnormal ang lahat. 

Kinawala niya na yung yakap niya saakin but he’s still close to me. And I can still feel his warmth.

“Pumasok ka na.” He said. Not looking at me. I nodded kahit di ko alam kung nakikita niya ba. Pumasok na ako ng bahay at chinarge ang cellphone ko dahil battery empty na. No wonder kaya di ko nahalatang may nagtext.

Then I saw kuya Ace’s text.

“Where are you? It’s already 7.”

“Tapos na ba klase mo?”

“Bliss...”

“Magtext ka naman oh.”

“Nagaalala na ako! ASAN KA NA?”

Marami-rami pang message ang nakuha ko galing sa kanya. Then, a smile unconciously formed on my face. Ngayon ko lang narealized na sobrang nagaalala nga talaga siya saakin. Dahil nagpakabad girl ako ngayon. I text him.

“Sorry for making you worry. What do you want me to do?” I nervously press the send button.

Hinintay ko yung reply niya, nahalos ika-atake ko nung biglang tumunog yung cellphone ko.

“Cook for me then.” O.O Four words lang siya pero nagbigay ng kung anong kilabot saakin.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon