Chapter 26: My driver is sad

6K 102 4
                                    

Typos and wrong grammar everywhere so bewareXD

CHAPTER 26

‘Bliss, andito na ako.’

Alam niyo ba kung kaninong text iyan? Hulaan niyo!! De joke lang. Kay kuya Ace lang naman. Siya na ata etong service ko. Nalaman na kasi ni dad yung about dun sa muntik na akong mapahamak... kasi itong si kuya Ace ay madaldal, nadulas siya kay dad about doon. Kaya tuloy nagalit saakin si Dad, yung una nga sabi niya ililipat niya na lang ako ng school tapos umiyak ako ng umiyak dahil doon. Dahil sabi ni kuya Ace, naawa daw siya saakin, at siya din ang may kasalanan kung bakit nalaman ni dad, nagvolunteer na lang na siya ang susundo at hahatid saakin. Although, lagi niyang ginagawa yun, araw-araw sinusundo niya ako sa school dahil sabi niya gusto niya akong “safe” kaya ganun. Pero ngayon, obligasyon niya na yun kasi ginusto niya ‘to eh.

Kaya eto, higit one week niya na ata akong hinahatid-sundo kaya sanay na sanay na ako. Akalain mo yun, CEO siya pero driver ko lang siya. Hahhaa. Nakakatawa, syempre, alam na din nila Anvien yung about sa driver thingy pero hindi pa nila alam na crush ko si kuya Ace. Ang bad ko bang friend kung di ko sasabihin na crush ko ang pinsan nila?

“Sorry ang tagal ko.” Sabi ko ng nakasakay na ng sasakyan.

Pinaandar niya naman ang kotse at nagsimula ng magdrive. “Ayos lang ma’am..” Umirap lang ako at napatawa. Ma’am na ang tawag niya saakin ngayon. Hahaha. Syempre, kasi driver ko siya. Pero joke joke niya lang iyon.

“Saan tayo ngayon ma’am?” Pabiro niyang tanong. Habang tumatagal nakakasanayan ko na ang pagtawag niya saakin ng ma’am eh. Medyo nakakainis lang minsan. Pero di ko naman feel na feel ang pagtawag niya saakin ng ganun no.

“Ammmmm.. Gutom na ako. May ituturo ako sayong resto, doon tayo kumain! Malapit lang naman tayo don. Pwede ba? Please?” Syempre, hindi naman kasi ako laging nasusunod, hindi ko naman pinanindigan ang pagiging ma’am ko no, nakakahiya kay kuya Ace kaya syempre nagpapaalam pa ako sa kanya.

“Okay, gutom na din ako eh.”

“umuwi na lang pala muna tayo tapos maglakad na lang tayo dun para tipid.” Sabi ko, para hindi na kami kotse ng kotse, nakakahiya na sa kanya no. So we drive papunta doon. Hindi ko pa kasi napapasyal si kuya Ace dun sa resto nila tita Karen. Knowing kuya Ace, hilig niyang kumain kaya for sure magugustuhan niya yung pagkain nila tita Karen.

Masarap sa kanya ang luto ko, paano pa kaya kung kay tita. :) I’m sure, matutuwa siya sa luto non.

Nang makapunta na kami sa apartment, nilagay ko na sa loob yung bag ko at lumabas agad.

Ngumiti ako kay kuya Ace.. Pero nagiwas siya ng tingin at tumalikod. Eh? Anyare doon?

“T-tara na. Saan ba yun?” Sabi niya sabay lakad.

“Deretso lang.” Sabi ko at hinabol ang lakad niya, yung lakad niya ay equivalent ng dalawang hakbang ko kaya para akong nagmamadali tuloy. Ano bang nangyari sa tao ito? Bakit parang ang awkward ng atmosphere natin?

“May problema ba kuya Ace?”

“Uh.. Wala. Hehe. Pasensya na. Medyo pagod lang kasi ako.” Pagod siya? Naku, tapos naglakad pa kami?

Tumigil ako sa paglakad. Nung makita niya ako, tumigil din siya.

“Pagod ka pala? Ako na lang pala pupunta.”

“ah.. hindi. Gutom na din ako eh. Okay lang. Tayong dalawa na lang.”

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang kami sa paglakad. Nagtatanong din ako sa kanya at simple lang ang sagot niya. Parang baliktad na nga ang nangyari saamin. Dati ako yung tahimik lang at ako yung parang iniinterview, tapos siya itong tanong ng tanong. Ngayon naging ganito? Oh well. Pagod nga lang siguro siya.

Bakit naman siya napagod? Aish.. wag na nga puro tanong.

“andito na tayo!” Sabi ko at hinila siya papunta doon.

Nang makapasok kami, nginitian ako ng mga waitress kasi syempre kilala na ako dito.

“Anong sayo?” Tanong ko sa kanya.

“Palabok... Tsaka... Special Gulaman...” Sabi niya..

“Uh.. Wait lang Bliss, nakalimutan ko pala yung wallet ko.”

“Ako na lang magbabayad.” Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko.

Mukhang naulit nanaman ang nangyari, nakalimutan ko din yung wallet ko. Nasa bag ko kasi iyon. Ngumiti ako kay kuya ace na parang sinasabing ‘hindi-ko-pala-dala-wallet-ko’.

“Diyan ka lang! Babalik ako.” Sabi niya sabay takbo. Ang weirdo niya talaga ngayon. Para siyang ewan. Ganun din kaya ako noon?

“Bliss!” Halos mapatalon naman ako sa sobrang gulat sa sigaw ni tita Karen sa pangalan ko.

“P-po?”

 “Anong order mo? May kasama ka daw?” Tumango lang ako at ngumiti.

“dalawang palabok po pala tsaka dalawang special gulaman.” Sabi ko, excited na akong kumain dahil gutom na gutom na ako. Naamoy ko na yung palabok na nilalagay sa plato. Naglalaway na ako.

 “Magkano ba lahat?” Tanong saakin ni Kuya Ace na hingal na hingal pa.

“40 pesos lang. Babayaran kita mamaya paguwi.”

“Wag na. Barya lang naman.” Sabi niya at naglabas ng pera sa wallet niya. Sumenyas naman ako na maghahanap na ako ng upuan. Tumango lang siya.

“Eto po yung...... bayad....” Narinig kong sabi ni kuya Ace. Inabot niya yung bayad niya kay tita Karen. Sa itsura ni kuya Ace, para siyang natigilan at parang naiinis ang itsura niya. Bakit kaya? Ganito ba talaga ang pagod na kuya Ace? Nevermind na nga lang. Papunta na si kuya Ace dito at umupo na agad.

 Nakailang buntong hininga pa siya bago kumain. Problema ba nito?

“Masarap diba?” Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

 “ah.. Oo.” Sabi niya habang ngumunguya.

Tahimik lang kami habang kumakain. Wala na kasi akong matanong sa kanya. Naubusan na ako ng tanong at mukhang medyo wala siya sa mood. Nang matapos naming kumain at pabalik na kami sa kanya-kanya naming apartment at tahimik pa rin kaming dalawa. Buti na lang sanay na ako sa tahimik kundi sasabog siguro ako kung walang naguusap saamin.

“Sige, Kuya Ace. Bukas ulit.” Sabi ko at aakmang buksan na ang gate.

“Wait lang Bliss.” Sabi niya sabay higit saakin.

“Baki-“ hindi pa ako natapos sa sinabi ko ay niyakap niya na ako.

“I just want a hug. A very long hug.” 

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon