Pagkatapos kong kumain ay tinawag niya ang nurse. Sabi naman ng nurse ay pwede na daw akong lumabas. Aba dapat lang? ano gagawin ko dito? titira? eh wala naman akong malalang sakit.
"Salamat Ace. Ammm. Bakit nga pala, nakita kita kanina habang naglalakad ako." sabi ko.
"ummm. I don't know.. basta, nagkakitaan lang tayo doon." sabi niya at nagkamot ng ulo.Binalewala ko lang iyon at lumabas na kami sa ospital..
"hatid na kita." nagulat naman ako dahil sa sinabi niya at the same time. Natuwa. Miss na miss ko na ang ganitong moment.
"s-sige." Napangiti ako habang pinatunog niya ang sasakyan niya.
"marunong ka pa din magdrive?" tanong ko sa kanya. May amnesia siya diba? Hindi ba nakakalimutan iyon?
"Hindi ko naman nakalimutan iyon. Kahit nga ABC, memorize ko pa, kaya ko pa ding magbilang ng 1 to 100." Sabi niya. Tumawa naman ako at Sumakay na ako ng kotse niya. Haaay. Nakakamissssss. Miss na miss ko na ang sumakay sa kotse niya.
"Hindi mo din ba tanda kung saan ako nakatira?" tanong ko sa kanya. Nagisip siya ng mabuti pero mukhang hindi naman siguro niya maalala.
"Hindi eh." sabi niya, alam ko naman iyon.
"Tuturo ko na lang sayo." Sabi ko at nagbuntong hininga. Sana isa na lang ako sa mga basics, para naalala mo pa din ako.
"Sabi saakin ng dad mo, Inoccupy ko daw ang katabi ng apartment mo." sabi niya.
"ah. oo." sabi ko. This past few days, hindi na siya natutulog sa tabi ng apartment ko, doon na siya sa condo na malapit sa office nila na dati na din ay sakanya bago pa siya lumipat sa condo niya na malapit dito at bago din lumipat syempre sa apartment na katabi ng saakin.
"Doon muna ako matutulog." sabi niya at pumalakpak ang tenga ko. Doon siya matutulog? Ibig sabihin pwedeng matulog din doon? Wala namang masama dahil matagal na din akong natutulog sa tabi niya.
"Doon na din ako matutulog." sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya.
"tabi tayo?"
"yes, sir. Minsan doon ako natutulog sayo, minsan naman ikaw ang natutulog saakin. Depende sa sitwasyon.." sabi ko. Pampadagdag sa alaala niya.
"Sorry to ask ha, pero... did.. we... ammm.. did we... do that?"
"ha? ano? di ko maintindihan!" anong did we do that? yun alin? yung pagtulog na magkatabi. Ilang beses na syempre.
"Do we.. you know. Have... Aish. Ang hirap sabihin." sabi niya. ano ba kasi ang gusto niyang sabihin?
"ang alin ba? yung matulog ng magkatabi tayo? eh halos gabi gabi ginagawa natin yon." Napatigil kami dahil nagbreak siya. Buti nalang nakaseat belt ako dahil kung hindi baka napatilapon na ako.
"WE DO SEX EVERY NIGHT?" Sabi niya nagulat na gulat. Pero dahil sa sinabi niya, ako din ang nagulat. Napalunok ako at napatingin sa ibang dereksyon.
"A-ANO KA BA! HINDI! ANG IBIG KONG SABIHIN.. MAGKATABI LANG TAYO. NATUTULOG LANG. CUDDLE HERE! CUDDLE THERE! NEVER PA NATING GINAWA 'YON." Sabi ko na parang uncomfortable. Shocks. Yun pala ibig niyang sabihin. Jusko virgin pa ako! Hindi pa namin iyon nagagawa, although muntikan na pero atleast hindi pa din nasusuko.
Pinaandar niya ulit ang kotse niya at napangisi siya.
"I guess I respect you that much." Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko. Nagulat ako dahil ginawa niya iyon. Pati siya nagulat din pero binalik niya ang sarili niya sa pagdrive.
"Sorry." sabi niya.
"no. you don't have to be sorry. Lagi mo iyong ginagawa saakin eh. Nagulat.. lang.. ako." Sabi ko at napangiti. Siguro ay bigla na lang siyang inutusan ng brain niya na gawin iyon. Kahit na nabura siguro ang memories niya, hindi pa din ata nabura ang habit niyang kurutin ang pisngi ko. May ganun ba?
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...