Chapter 38
Monday ng hapon. Bumalik na ako sa apartment ko. Bigla naman akong kinabahan dahil nakita kong nakapark yung kotse ni kuya Ace sa labas. Ibig sabihin andito siya? Kasi naman eh. Kaya nga ako hapon pumunta dito para di ko siya maabutan eh tapos andito pala siya. Hindi naman sa nilalayuan ko siya pero hindi ko alam, parang nahihiya akong ewan.
Kahapon lang, umamin siya saakin na gusto niya ako. We kissed. Nahihiya talaga ako pagnaalala ko yun. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil ang landi ko.. Halik? Agad agad? Ano ‘to?
Dahil antagal kong tumayo doon. Naabutan ko tuloy siyang lumabas. Bigla akong napaiwas ng tingin. At dali-daling pumasok sa apartment ko. Leche naman eh... Power of mind nga naman talaga oh.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko.
..Ace calling..
Shocks? Sasagutin ko ba ito? Siguro naman kapag importante pupunta na lang siya dito diba? Andiyan lang naman siya sa labas siguro. Pwede naman niya akong katukin dito. Kunwari busy ako.
..Ace calling..
Waaaa! Tumawag ulit?! Anong gagawin ko!? Anong gagawin ko? Bakit ba kasi may patawag tawag pang nalalaman eh. Yung puso ko grabe na kaba! Parang anytime, mailuluwa ko na lang eh. Wew!
..Ace calling..
F*ck! Bakit siya tumatawag? Jusko. First time kong magcurse dahil lang dito sa tawag na ‘to. Kinakabahan ako habang sasagutin ko na. Nanginginig pa ang kamay ko eh.
“H-hello?” Sagot ko habang dahan dahang tinitignan ang labas baka kasi andun parin siya. At naandon nga siya.
“Iniiwasan mo ba ako?” sabi niya with a lonely tone. Ha? Iwas? Ah.. Eh.. Ihhhh.
“Hin-hi-hindi ah.” Napasapok naman ako sa ulo ko. Bakit ko nga ba siya iniiwasan?
“Bakit ka biglang pumasok sa loob?”
“.....” Wala akong maisagot.
“Bakit di mo sinasagot tawag ko..” Tanong niya ulit. Waaaaa. Yung puso ko. Daig pa ang recetation namin dito ah.
“Ah.. Hehe..” Shocks! Wala akong maisip na paraan! Napapikit na lang ako sa ginagawa ko. Mukha naman akong tanga eh. Then I heard some knock on my door. Halos mahulog yung cellphone ko dahil sa gulat.
“Then kung di mo ako iniiwasan. Buksan mo ‘to.” Sabi ng nasa labas hindi na sa phone. And alam kong si kuya Ace yun. Huminga muna ako ng malalim bago buksan. This is really weird. Nagbilang pa ako ng one to five para kunware wala ako sa tabi ng pintuan.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...