Sorry for the typos and grammars. :(
Chapter 50
Days and months have passed. Sobra 3 months na kami ni Ace and all I can say is.. I have fallen deeply deeply in love with him. He’s sincere with his feelings about me. Although di parin namin inaamin sa magulang ko ang lahat. Sana lang ay di nila malaman bago pa namin sabihin. Plano na nga naming sabihin iyon sa birthday ni dad this February.
Naging maganda naman ang takbo ng relationship namin. As far as I know, wala pa naman kaming naging ayaw na sobrang severe. Meron kaming maliliit na away tulad ng dapat ay kumain ako ng marami na minsan di ko nasusunod depende kasi sa pagkain ako napaparami ng pagkain. Ang pagtulog, minsan pinagaawayan pa namin dahil marami pa siyang gagawin kinabukasan pero gusto niya pang makausap ako. Idagdag mo na din kung sino ang magbababa ng tawag niya at kung anu-ano pa.
Hindi ko nga alam kung sino ang mas matanda saamin dahil napakaisip bata talaga nitong nobyo ko. Mas matanda siya saakin ng 6 years pero ang isip niya ay parang pang six years old. Pero inaamin ko, nac-cute-an ako sa pagiging childish niya minsan. Tsaka, sweet din siya kahit minsan eh nahihiya siya sa pagpapakita. Dinadaan niya na lang sa hug at paglalambing.
Dumaan syempre ang first monthsary namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil first time ko ang ganun. Nagsearch pa ako sa net. Pero nauwi lang din naman sa paggawa ko ng graham sa kanya. Tsk. Favorite niya nga talaga iyon. Hindi kami nagcelebrate ng bongga talaga dahil sabi ko iyon sa kanya. Ayaw ko nung binibilang ang months. Gusto ko years. <3 Which is sinunod niya naman. Although niregaluhan niya ako ng isang ribbon noon na para sa buhok. Na lagi kong sinusuot.
Pasko non, sabi ko sa sarili ko na babaguhin ko na ang sarili ko. Physically. Sinanay ko na ang mata ko sa contact lenses at nilugay ko na ang buhok ko. Pero trip ko pa rin talaga ang maong at t-shirt lang. Nagalit saakin si Ace noon dahil sabi niya baka biglang may mangagaw na lang saakin. Maganda naman daw ako sa paningin niya kahit nakasalamin at may pony ang buhok. Pero in the end, talo siya.
Niregaluhan ko siya ng neck tie. Alam kong marami siya noon pero special iyon dahil may ‘ace’ sa baraha na burda ang neck tie. Which is natatatawa ako dahil yun ang lagi niyang suot. Tatlong kulay naman iyon pero lagi niyang pinapaulit-ulit lahat iyon. Hindi niya na ginamit ang iba pang neck tie niya. Natuwa naman ako dahil don, ang sabi niya kasi saakin, feeling niya kasama niya pa din ako sa office niya kapag yun ang necktie niya. Pinagbigyan ko na lamang siya. Tutal, nakakakilig naman eh.
New year at dun siya nagcelebrate sa bahay namin. Ang dahilan niya ay masarap daw kasi magluto si mom. Pero alam kong dahil saakin yun. Assuming na kung assuming pero, girlfriend niya ako eh. Magkasama kami sa bagong taon at sinabi niya saakin na sana maging maganda ang taon na ito saamin. 2014 na at sabi niya swerte daw siya sa love life. Pero ang tingin ko, ako ang sinuwerte sa kanya. Biruin mo, isang CEO? Mapupunta lang saakin?
He’s the boss in his company. Pero pagdating saakin, gusto niya ako lagi ang masusunod. Feeling ko tuloy naspo-spoiled na ako ng sobra. Hindi pa naman ako pinaspoiled ni mom and dad pero siya, sobra sobra. Hindi ko alam pero nasasanay na nga ako eh. Di ko alam baka mamaya, hahanap-hanapin ko na iyon.
Andito ako ngayon sa library na regalo saakin ni Ace. Nakaupo ako sa duyan dito sa garden. Ang sarap ng ambiance dito, tahimik at ansarap ng simoy ng hangin. Payapa. Malayo sa polusyon ng manila at mga maingay na sasakyan. Nagbabasa ako ng libro nang biglap may nagtakip ng mata ko.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...