Chapter 24
"Kumapit ka lang saakin ah! Tsaka sumigaw ka para malabas ang takot mo.” Sabi niya saakin. Andito kami ngayon, nakasakay sa jungle splash, nasa harapan siya at ako naman nasa likod niya, dahil walang sandalan yung upuan niya, nakasandal siya saakin. May hawakan naman dito pero sabi niya, sa kanya daw ako kumapit.
Yii! Bliss! Libreng chansing!!
-_____- Hindi ko yun iniisip ah!
Pataas na kami. Nararamdaman ko na din yung bilis ng puso ko. Unang slide kasi, mababa lang pero shocks yung puso ko! Ehhh.
Humiyaw si kuya Ace at ako naman ay parang kambing or baboy na kinakatay sa sigaw ko.
OMG! Yung feeling parang yung sa viking din, parang naiwan yung kaluluwa ko dun sa taas! Ang sakit sa sikmura.
“Ang saaaya!” sabi niya habang nakataas kamay niya. Enjoy na enjoy, samantalang ako dito parang namumutla.
“Sumigaw ka kasi Bliss!” Sabi niya sabay sandal nanaman saakin.
Oo na! Sisigaw na talaga ako!! Mamaya.
Kaya eto na pataas na kami sa final na slide. Huhu. Yung maliit nga halos mamatay na ako, eto pa kaya? Baka di na tuluyang makabalik yung kaluluwa ko saakin.
OMYGOSH! Eto na! Malapit na!
“aaaaaaaaaa!” Sigaw ko. Mas nakakatakot ito kesa dun sa nauna! Hindi na ako uulit. Bukod sa halos mamatay na ako medyo nabasa pa ako!
“Hahahahahhaahah!” Tawa naman ng tawa itong nasa harap ko. Ako naman, eto nakapikit pa din. Pero, infairness, masaya siya pero dahil first time ko, shocks. Nakakatakot! Ang sakit sa sikmura. Para talagang naiwan yung puso ko sa itaas.
“Bababa na tayo, Bliss. Tama na yakap.” Ha? Yakap?
O.O
Nakayakap pala ako sa kanya.
Mabilis ko naman tinanggal yung pagkaakap ko sa kanya. Sa sobrang pagkatakot ko ata sa pagbaba kanina, napayakap ako. Hindi namalayan yun? Haish. Masyado na talaga akong lumalandi ngayon. Bakit ba ako nagiging ganito. Baliw eh. Baliw baliw baliw.
Umalis kami don ng tahimik lang. May awkwardness na nakaharang saamin. Eh kasi naman ikaw Bliss eh, bigla bigla kang nangyayakap.
“Ehem.” –Kuya Ace.
“S-s-saan na tayo sasakay?”Tanong ko para mawala ang awkwardness.
“Dun na lang tayo doon!” At pumunta na kami doon sa tinuro nya. Pero bago nun, sabi ko, magsnacks muna kami kasi kanina pa ako nagugutom eh. So ayun nga nagsnack kasi tapos sumakay na kami dun sa Dance chuchu na yun.
Halos lahat na ata ng rides dun, sinakyan nanamin. Hilong-hilo parin ako, kasi ba naman yung Frisbee, halos mamatay na ako. Parang pinagsama sama lahat ng sinakyan ko kanina na masakit sa sikmura eh naramdaman ko ng sabay-sabay dun sa ride na yun. Nung bumababa ako pero hindi ako makaaayos ng lakad, para nga akong lasing eh. Umiikot yung paningin ko sa sobrang hilo.
Para mawala ang hilo ko, pumasok ulit kami sa loob at kumain ng dinner, 6:30 na din nung kumain kami. Tapos etong si Kuya Ace, tawa pa din ng tawa. Hindi ko nga alam baka mamaya ihatid ko na to sa mental. Hindi ko alam kung yun ba ang side-effects niya ng pagsakay sa mga rides na to.
Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa horror ek ek. Hindi ako matatakutin sa multo, pero alam niyo ba itong kasama ko? HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAH. Turn ko ng tumawa. Kasi ba naman, mga statwa lang naman yung nanggugulat, kaya medyo corny pero si kuya Ace, takot na takot at nagtatago sa likuran ko. Mung timang. Kaya ngayon tuloy! Tawa ako ng tawa. Now I know kung bakit siya tumatawa saakin kanina. Kahit siguro kalahating oras na simula nung naghorror house kami, natatawa pa din ako.
“Pffft.. Hahahahahha.” Pagtawa ko habang nakaupo kami.
“Hoy! Para kang timang na jan!” sabi niya. Ooopps. Seryoso na yung mukha niya. Ayoko na nga.
“Sorry naman. Eh ikaw din naman, tawa ka ng tawa saakin. Ngayon, ako naman. HAHAHAHA” Sabay tawa ko ulit. Para kasi siyang bakla. Hahaha. Nakakaturn off.
“Haaay. Sige, tawa lang!” Tapos bigla niya akong inakbayan pero, inipit niya yung ulo ko sa kili-kili niya! Hmmm! Ang bango! Este! Ugh! Di ako makahinga!
“Ano!? Tatawa ka pa!? Hahahaha” Patuloy parin siya sa pagipit ng ulo ko.
“h-h-hindi na po! Sorry po!!!” Sabi ko, mabuti naman at tinanggal niya. Isa lang ang nalaman ko, Pikon pala si kuya Ace. Wahahaha.
“Good.”
And then, Silence occur.
“halika! Dun na tayo sa ferris wheel!” At bigla naman niya akong hinigit. Pero, habang hinihigit niya ang kamay ko, napansin kong nakahawak pala siya sa kamay ko.
I smiled. Bakit pagdating kay kuya Ace, I feel safe? Para bang paganjan siya, masaya ako kahit minsan naasar ako sa pagjojoketime niya at sa tawa niya. Pero, i feel incomplete without it? Umiling na lang ako at tinanggal ko ang kamay ko kay kuya Ace, mahirap ng magpalpitate bigla. Baka himatayin ako dito sa sobrang kilig eh.
“Wow!” sabi ko. Gabi na kasi at kitang kita ko na yung lights ng Manila. Pati yung dagat natanaw ko mula dito.
“ang ganda!” Pagtuloy ko pa.
*Flash*
Ha? Ano yun?
“Hahahah!” -__- Ayan nanaman siya sa mga trip niya. Anong ginawa niya? Piniktyuran lang naman ako.
“Bakit mo naman ako pinuktyuran?” Tanong ko habang nakasimangot.
“ang cute mo kasi eh.”
“Ako? *turo sa sarili* cute?”
“Hindi! AKO! Oo nga ikaw! Tss, isa pa nga!” Napairap naman ako.
“1...2...3” Nagpose ako at pinuktyuran niya ulit ako, eh sabi niya isa pa daw. Tsaka baka panget ako dun sa stolen.
Wait? Kelan pa ako naging conscious sa itsura ko?
“Tayo nga dali!” Tapos bigla siyang lumapit saakin at nagpose, Syempre ako din ngumiti na lang sa camera niya. Adik din itong lalaking to. Daig pa ako eh, yung mga pose niya may labas ang dila, may nakapeace, nakapangduling. Selfie kung selfie. Hahahaa. Pero, naenjoy ko naman kasi bukod kay Anvien, si kuya Ace lang din ang isa sa mga nakaganito ko.
“Hahahah. Ang saya dito!” Sabi niya. Pero pansin kong hindi na gumagalaw ang ferris wheel. Luuuh? Nasiraan ba? Patay tayo jan!
*ennnnnnngg! Boogsh*
“Wooooooooooooooooow” Sabay naming sabi ni kuya Ace, may fireworks pala kasi. Buti nalang at andito kami sa may mataas pa ding part kaya ang ganda ng view ng fireworks.
Tinititigan ko lang ang fireworks at pinanood ang magagandang kulay na bumabalot sa langit.
-Ace’ POV-
While Bliss is watching the fireworks, I am secretly looking at her. And I notice that I’m unconsciously smiling. Ewan ko ba. Mukha na nga akong baliw dito eh. Kanina, tawa ako ng tawa sa kanya kasi naman priceless yung itsura niya dun sa mga rides eh. Nakapikit lang siya at di gumagalaw. Mukha tuloy siyang natataeng ewan. Hahaha. Ayan, I can’t help but smile again.
Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinanggal yung flash ng cam, and then I captured her pretty face. Her smiling face. Hindi ko nga alam pero kanina pa ako kumukuha ng picture niya eh. Simula pa to kanina dun sa carousel, habang sumasakay siya doon. Kinuhaan ko siya ng picture. I love to see her smile. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko yun, I feel complete.
Yeah, It sounds weird but, Ganun eh. Oo na, Call me weird.
I took a photo of her again while she’s busy.
.
.
.
.
What an innocent girl..
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
Storie d'amoreHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...