Chapter 48: Warning! Medyo SPG! :D
Malaki ang condo niya at malinis. Hindi ko alam kung bakit pa siya lumipat sa tabi ng apartment ko. Kung ako sa kanya, hindi na ako lilipat. Ang ganda kaya dito. Maganda ang view mula sa bintana dahil nasa 15th floor kami at tanaw na tanaw ko ang city lights.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya na kakabihis lang ng t-shirt at shorts.
“Hindi pa nga eh.” Sabi niya at ngumuso. Eto nanaman ang pagiging childish niya.
“Anong gusto mong kainin?” Sabi ko sa kanya. Nagisip siya ng malalim.
“Gusto ko ng lutong bahay sana kaso.. Wala nga palang laman ang ref ko. Magpadeliver na lang tayo.” Sabi niya at umupo sa couch na kasalukuyang inuupuan ko.
“Sorry Blissy! I love youuu!” Sabi niya habang niyayakap ako na parang bata. Natawa naman ako dahil don. Hala siya. Ang laki laki niya para mag ganun.
“Para kang shunga.” Tapos tinignan ko lang siya at tinignan niya din ako. Aba! Staring contest ba ito? Sure. Bwahaha. Magaling ako dito..
“Yaaa!” Panggulat niya saakin. Kaya tuloy napapikit ako ng mata. Andaya talaga ng taong ito. Alam na alam niyang magugulatin ako.
“Magorder ka na!” sabi ko at kinuha ang remote ng tv niya at nanood ng tv.
“You want pizza, baby?” Tanong niya. Tumango na lang ako. Hindi na kasi ako nakakain ng pizza, bigla tuloy akong natakam.
“Okay. Bihis ka na kaya!” Sabi niya at tumingin ako sa damit ko. Nakapantalon at tee lang ako. Tumayo ako at kumuha ng damit niya, sabi niya kasi dun lang daw ako kumuha sa drawer niya.
Pumasok ako sa kwarto niya at binuksan ang ilaw. Medyo ayaw niya sa sarili niya no? Mayroon kasi siyang isang napakalaking picture niya dito sa medyo banda ng kama. Hindi ba siya nagsawa sa mukha niya?
Hinahanap ko kung nasaan ang mga pambahay niyang damit sa cabinet pero puro tuxedo lang ang naandon, kaya tinignan ko sa drawer, Pagbukas ko ng unang drawer, nakita ay isang picture ng babaeng medyo blur ang mukha pero kitang kita mo ang anyo nito. Maganda ito at halatang ang saya saya ng mukha niya doon dahil nakatakip ang bibig niya ng kanyang kamay na halatang tumatawa. Sino naman kaya ito? Biglang kumirot ang puso ko sa di ko malamang dahilan. Di ko na lang iyon pinansin at binalik ang picture sa drawer. Halata namang tinatago niya na iyon. Bakit ba ako nangangailam.
Kinuha ko na lang sa drawer niya ang isang tshirt at boxer niya. Wala akong choice ayokong matulog ng nakapantalon. Dahil medyo pagod ako sa kakaikot namin ni Anvien sa mall. Humiga muna ako saglit sa kama niya. Mayamaya nakaramdam ako ng may mabigat na sumampa din sa kama. Nagmulat ako ng mata at nanlaki ang mata ko. Ang lapit niya pala sa mukha ko. Di ko man lang naramdaman iyon.
Ngumiti siya at kinurot ang ilong ko. “matutulog ka na agad?” tanong niya.
“Hindi naman. Nagpapahinga lang.” Sabi ko pero nakapikit. Inayos naman niya ang pagkakahiga ko at nilapit ako sa kanya. Natawa naman ako kasi alam ko mabigat ako pero hinila niya ako gamit ang balikat ko. Mahusay ‘to.
“Nagpadeliver ka na?” tanong ko pero this time nakatingin na ako sa kanya.
“Yes Ma’am.” Sabi niya at yumakap saakin. Yumakap din ako sa kanya. Ang sarap ng feeling ng ganito lang. Masaya kayo ng walang dahilan. Nakayakap sa isa’t-isa at damang dama niyo ang love. Sana di na matapos ito.
“Nakausap ko si Mr. Dy kanina.” Napalayo naman agad ako sa kanya.
“Nasabi mo na?” Sabi ko at nanlalaki parin ang mata. Ngumiti lang siya saakin.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...