Chapter 54
Nagising ako ng may tunog na mahina sa tabi ko. Parang nahihirapan siyang ewan. Kaya nilingon ko iyon. Si Ace, tulog pa rin siya pero namumulang namumutla. Gusto ko sanang gisingin dahil baka nanaginip pero nang hinawakan ko siya.
Mainit.. May lagnat ata siya!
“tsk. Sabi ko na nga ba. Magkakalagnat ka.” Sabay sapo ng noo niya. Pumunta naman agad akong kusina para paglutuan siya ng soup ng mapagpawisan at gumaling kahit papaano. Buti na lang talaga at kumpleto sa gamit itong lalaking ito, sino kaya naggro-grocery sa kanya at laging puno ang ref niya?
“Bliss. Baby.” Sigaw niya, pero sa tono pa lang ng boses niya. Alam kong hirap na hirap siya. Parang hinang ewan, Agad kong pinatay ang niluto ko, luto na din naman iyon at nilagay sa bowl at dumeretso sa kwarto niya.
“Akala ko iniwan mo na ako.” Sabi niya nung nakita ako at umupo sa pagkakahiga niya pero, hirap siya. Kawawa naman talaga si Acey ko! Ganito pala itsura niya kapag may lagnat. Pero kahit may lagnat siya, gwapo pa din!
“Nako! Ikaw talaga. Tignan mo! May lagnat ka. Sabi ko na nga ba!” Sabi ko habang nilalatag ang pagkain sa table niya sa tabi ng kama.
“Meron kang girlfriend instinct.” Sabi niya at ngumiti pa. Pero, sobrang chapped at dry ng lips niya kaya for sure, nasaktan siya sa pagngiti niya dahil hinawakan niya iyon at kumunot ang noo.
“May nalalaman ka pang ganyan ganyan may lagnat ka na lahat lahat! Oh, kain ka na!” Sabi ko at pinasubo sa kanya ang soup, syempre, hinipan ko muna iyon.
“Dabest ka talaga magluto.” At nagthumbs up pa siya. WARNING! WAG IPALAGNAT SI ACE, MAS NAGIGING ISIP BATA.
Pinaubos ko sa kanya ang soup. Tinignan ko ang temperature at 38 point something iyon. Tss. Kasi naman nagpaulan. Mahina pala resistensya nitong CEO na ito eh. Ang laks ng loob magpaulan pero sakitin naman pala.
Ibabalik ko na sana ang bowl sa kusina at huhugasan pero itong mokong, hinila ako sa kama.
“oi. Ano ka ba.” Kinuha niya ang bowl at nilagay sa tabi. Hinila niya ulit ako papunta sa kanya. Ngayon yakap yakap niya na ako at nasa ibabaw niya. Wag kayong magiisip ng kung anu-ano basta nakahiga lang ako sa mga dibdib niya.
“uy! Ano ka ba! Mabigat ako baka di mo kayanin. May lagnat ka!” Kinurot ko ang tagiliran niya pero lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. Hinayaan ko na lang siya. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at narinig ko ang pagtibok ng puso niya. Hindi ko alam kung saakin ba iyong malakas, o sa kanya iyon. Pero mabilis ang tibok ng puso niya. Well, siguro dahil may lagnat siya.
“Naririnig mo ba ang pangalan mo?” sabi nya at narinig ang pagngisi niya. Hindi ko siya sinagot. Ang sarap kasi ng feeling eh. Parang iisa ang tibok ng puso naming dalawa. Chos, saan ko nakuha ang linyang iyon.
“sayang.. Di tayo makakapagdate ngayon.” Sabi niya at sinusuklay suklay pa ang buhok ko gamit ang daliri niya. Bigla kong naalala, araw nga pala ng mga puso ngayon.
“Valentines nga pala no.” Sabi ko.
“Sayang talga.” Kahit ako naman ay nasasayangan. Sayang naman ang date namin.
“Sus. Parang valentines lang eh. May bukas pa.”
"Pero sabagay, we have next year. Promise! Engrande na iyon. Sayang naman ang unang valentines day natin eh. Kainis naman kasi ang lagnat na ito.”
“Kasi ikaw eh. Pero, hayaan mo na, Atleast magkasama naman tayo.” Sabi ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Kahit may lagnat, ang bango bango pa din niya.
“Oo nga. Di naman talaga kailangan ng date para maging special. Basta andito ka sa tabi baby.. Kuntento na ako.”
Napangiti naman ako dahil doon. Akalain mo kahit isip bata siya at lahat pero may nalalaman siyang ganitong sweet words? Na kahit, minsan di siya seryoso, pero pagdating sa mga ganito. Damang dama ko. Na seryoso siya saakin.
“I love you Ace.” Nasabi ko na lang bigla. Pero syempre. Di ako nagsisisi doon. Pinanlalandakan ko na nga eh.
“anong sabi mo?” Sabi ni Ace. Tumingin ako sa mga mata niya.
“Ang sabi ko! I love you.” At inirapan siya. Kinalas ko ang yakap at humiga sa kama. Ang init niya kasi eh. Tsaka baka nahihirapan na siya sa bigat ko.
“Hindi ko marinig.” Sabi niya at ngumisi. Ano nanaman ang pakulo nito? Nilagnat lang siya tapos nagiging bingi na? may ganun ba?
“I love youuuuuuu!” Sabi ko na naiinis na.
“Ha?” Tumagilid siya at humarap saakin. Nakasandal pa ang ulo niya sa kamay niya.
“I love you nga eh.”
“ano?”
“I LOVE YOU ACE BUENAVENTURAAAAA!!” Tumawa siya at niyakap ako ulit. Ng mahigpit na mahigpit.
“ano? Di ko talaga maintindihan!?” huminga ako ng malalim..
“I LOVE YOU SO MUUUUUUCH ACE BUENAVENTURAAAA!!!!!! TOO THE MAX! INFINITE! TIMES 10 TO THE INFINITE POWER!!” Sinigaw ko sa tenga niya wala akong pake kung mabingi siya at least yun yung last words na narinig niya. Nahiya naman ang infinite sa sinabi ko.
“Alam mo, I want to kiss you right now. Kaso, baka mahawa ka sa lagnat ko, and look at my lips, wala siya sa good condition.” Sabi niya. Niyakap ko na lang siya. Kahit wlang kiss, ayos lang naman saakin. Basta ganito lang ako kalapit sa kanya.
“oh. Iinom ka papala ng gamot!” Sabi ko at aakmang tatayo na pero. Piniglan niya nanaman ako. Bakit ba kahit may lagnat siya, ang lakas niya pa din?Although nahihirapan siya kaninang iupo ang sarili niya.
“Di ko na kaylangan ng gamot. Yung i love you mo na saakin, sapat na iyon.” Sabi niya at kinurot ang ilong ko.
“Ewan ko sayo! Inumin mo nayung gamot mo! May nalalaman kapang pick up line eh ang taas na ng lagnat mo. Pano kung mamatay ka, mabubuhay ka ba ng I love you ko?” Sabi ko sa kanya. Tinigan niya lang ako ng malalim.
“As long as you’re here. Then, I won’t die. You’re my energy. You’re my life. Bliss.” Nahiya naman daw ang asukal sa pagiging sweet netong lalakeng ito. Niyakap nanaman ako. Grabe, kissing monster na, ginagawa pa akong unan kung makayakap. Pero hayaan mo na. Masaya naman ang feeling ng ganito eh. Hahaha.
“You never failed to make me kilig, Ace. Never.” I said
“I won’t stop making you kilig then.” Tumawa ako at tumayo na talaga. Kumuha na lang ako ng biogesic sa mga gamot niya dito at pinainom sa kanya.
“ikaw na tukmol ka, Future chef ako, hindi ako future nurse.”
“Di bale, ikaw naman ang future wife ko.” Tumawa siya. Itong lalaking ito talaga. Sobra sobra na talaga ang pagpakilig niya saakin. Na-o-overdose na ako eh.
“Happy Valentine’s day Ace!” Sabi ko at niyakap siya.
“Anong regalo mo saakin?” Ngumiti lang ako sa kanya. Honestly, wala talaga akong maisip na regalo sa kanya eh. Pero may binili ako, personalized iyon.
“Secret.” Sabi ko at ginaya ang tono niya kapag sinasabi niya yung secret. Kinurot niya na lang ang pisngi ko.
“Magpahinga ka na nga diyan. Kung ano ano ang sinasabi eh. Magpagaling ka.” Sabi ko at ngumiti naman siya pero sinunod ako. Pumikit siya at parang matutulog na. Good boy haha. Ang hirap neto, di ko alam kung boyfriend ko ba ito o ewan eh.
Pinanood ko na lang siyang matulog. Nakakatuwa pala ito.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...