Chapter 52: Clyde

5K 61 7
                                    


Chapter 52

Bliss’ POV

Naawa ako kay Acey ko. :’( Wag kayong magreklamo kung yun ang tawag ko sa kanya. Minsan lang ako ganun, pero wag niyo din ipagsabi sa kanya. Di ko siya tinatawag ng ganun eh, sa isip ko lang. Mahirap na baka pagtawanan ako ng batang nakulong sa loob ng pang 25 years old na katawan.

Pero, seriously, naawa ako sa kanya. Akala ko kasi kaya siya masayahin kasi nasa kanya na ang lahat. Wait? Duma-daniel Padilla ba ako? Hindi po ako kathniel fan. Pero seryoso. Behind those very handsome smile, may tinatago siyang problema. Family problem pa. Wala na nga siyang kapatid, hindi pa ayos ang magulang niya at galit na galit siya ngayon sa tatay niya. Sinabi niya saakin iyon. Nalaman niya na ang lahat lahat. And I hate to see him so sad. Kaya, pinagluto ko na lang siya.

Alam kong kahit ngumingiti siya at pinapakita niya sa harap ko na strong siya, kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Kapag malungkot siya, nakikita agad iyon sa mata niya. 

“Buti andito ka, Bliss. Di ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ito tapos wala akong sandalan.” Yan yung linyang lagi niyang sinasabi saakin. Buti daw andito ako. Buti na lang talaga. At nagpapasalamat naman ako dahil doon. Syempre, dapat lang talaga na damayan ko siya. Ako lang naman ang meron sa buhay niya. 

Pero hindi lang din naman ako ang kasangga niya sa lahat. Andun din ang mama niya. Unti-unti na silang naguusap ng parang mag-ina. Wala na yung bitterness sa puso ni Ace at feel na feel ko ang pagkakamiss ni tita Karen kay Ace. Ay, Mama na nga pala ang tawag ko kay Tita Karen, pinakilala kasi ako ni Ace na girlfriend na niya kaya si ti- I mean Mama Karen ay tuwang tuwa.

Heto ako ngayon sa apartment ko at syempre, as usual, nagbabasa nanaman ng libro. Kung last sem eh, Monday ako walang pasok, ngayon Wednesday na. Dahil masyado na akong nabanot kakabasa ng libro, napagisipan kong pumunta na lang sa mall para magshopping ng damit na isusuot ko sa date namin. Hindi niya pa sinasabi na may date kami pero wala, naghahanda lang ako, knowing Ace. :)

Ang landi lang.

*mall*

Hindi ko alam ang susuotin ko kaya namili na lang ako ng dress, may blouse, pantalon at sandals na din. Kahit naman kasi nerd ako meron din naman akong sense sa mga magaganda bagay. Hindi naman ako losyang manamit eh. Sadyang di ko lang feel noon ang magdamit ng pambabae.

When I was in the middle of my shopping. Someone called me. Akala ko si Ace, pero si Clyde pala.

“Hello?” Sagot ko.

/“Bliss! Amm.. Nasaan ka?”/

“Ha? Nasa mall bakit?”

“Talaga? Saang mall? Hintayin mo ako diyan!” Sabi niya na parang excited ang tono. Aww. Itong kaibigan ko na ‘to talaga.

“Sa ** lang. Sige. Hintayin kita dito sa may fountain.” Sabi ko.

“Okay! Bye!”

“Ingat!”

Bumili muna ako ng bubble tea bago pumunta doon. Nagugutom na ako. Sana kumain kami ni Clyde din dito diba? Pero hinintay ko na lang siya muna sa fountain at nagscroll ng mga messages namin ni Ace. Ang sarap kasi basahin eh, ang lakas makagoodvibes ng mga tinetext niya saakin. Kinikilig pa din ako kahit ilang beses ko ng binabasa.

“Mukhang masaya ata tayo ngayon ah?” Tumingala ako para makita kung sino ang nagsalita, tama nga ako, si Clyde. Ang bilis niya ah.

“Ah.. Haha. Wala.” Sabi ko at tinago ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko.

“Ammm. San tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya.

“Gusto mo kain muna tayo?” Sabi niya. Tumango na lang ako, Nagugutom na din kasi ako. Kahit uminom na ako ng bubble tea.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon