Chapter 55: The Ex

5.2K 75 3
                                    

Chapter 55

May pasok na kami kinaumagahan at ito namang mga kaibigan ko grabe mangintriga saakin kung ano ang ginawang surprise para saakin ni Ace. May magagawa ba ako? Eh ang chichismoso't chismosa nila pagdating sa akin. 

“Wala. Nagkalagnat siya eh.” Sabi ko at halata sa itsura nilang disappointed. Napangisi tuloy ako. Mas parang binagsakan pa sila ng langit at lupa kesa saakin eh.

“Kayo? Wala kayong date? Lunan?” Tanong ko kay Lunan, si Anvien naman alam kong wala kasi masungit siya pagdating sa love life eh.

“Bakla naman yan si Lunan!” Sabi ni Anvien, Humagalpak naman ako sa tawa. Madami kasing tumingin saamin habang naglalakad kami sa hallway nung sinabi niya iyon. Buti na lang, di kami masyadong kilala dito sa campus baka nagkataong kakalat ito sa buong school kung ganun.

“oi! Tangna mo Angela Vivien!” Sabi ni Lunan may pagturo pa sakanya. Namilipit ang tiyan ko kakatawa.

“oh! Anjan nanaman kayo sa pagiging aso’t-pusa!” Sabi ko sa kanila. Kung wala siguro ako sa gitna ng dalawang iyon, baka nagsabunutan na ito.

“hindi ako bakla no!” Sabi niya at umirap. Pfft. Sa ginawa niyang iyon, parang gusto ko tuloy maniwala kay Anvien. Tawa lang kami ng tawa. May bigla namang sumingit saamin si Clyde.

“Ah. Clyde!” Sabi ko. Naghigh five lang ako sa kanya pati sina Anvien at Lunan.

“Ikaw Clyde? May kadate ka kahapon?” Sabi ni Anvien. Tumawa lang si Clyde, napailing naman ako. Eh lahat pala kami hindi nakapagdate kahapon eh, although, ako lang itong may jowa sa kanila. Pare-parehas kaming tengga lang kahapon. Diba nga? Inalagaan ko si Ace ko kahapon? Buti naman at gumaling na siya bandang hapon, sabi niya gusto niyang magdate na kami kaso sabi ko wag na dahil baka mabinat siya.

Kaya nagpadeliver na lang kami at dun kumain sa apartment niya. Sapat naman kasi saaming dalawa ang magkasama lang kami. Wala naman kaming gagawin sa labas kundi kumain lang din kaya mas okay ng doon sa loob ng bahay na lang.

Nagmovie marathon na lang kami at halos limang movies na ata ang pinanood namin. Doon din ako ulit natulog sa kaniya, request ni master eh. Di naman ako makatanggi dahil gusto ko ding kasama siya kahit sa pagtulog.

Ganito ata talaga kapag na-addict ka na kay Ace. Di mo na kayang di siya makita, kahit anong gawin ko, kahit nga pumikit ako, siya lang ang naiisip ko. Minsan nahuhuli ko na lang ang sariling kong ngumingiti kapag naiisip ko siya. Sa sobrang pagiisip ko sa kanya eh, yung mga desserts na nagagawa ko, sobrang tamis na, pati ang pagluluto ko eh umeepekto na din.

Lahat na. Addiction, Distraction, Inspiration. Lahat na!

Nung uwian, naexcite nanaman akong lumabas ng university at hanapin ang kotse niya. Kitang kita kong nakasandal siya doon at nakatingin sa cellphone niya. Inaabangan niya siguro akong magtext kung andiyan na ba ako, pero syempre, dahil malakas ang instincts niya eh lumingon na agad siya saakin. Eto nanaman ang paghina ng tuhod ko dahil sa mga titig niya. Binilisan ko ang pagpunta doon. Yumakap ako sa kanya at hinalikan niya naman ang noo ko.

“I miss you.” Pambungad niya naman saakin. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

“I miss you too!” Sabi ko sa kanya. Kinurot niya ang pisngi ko. Hinapo ko ang noo at leeg niya para tignan kung may lagnat siya, buti at wala naman. :) Magaling pala ako magalaga ng batang sakatin. Hahaha. 

“Dahil di tayo nakapagdate kahapon, magdadate tayo ngayon!” sabi niya at ngumisi habang pinapaandar ang kotse. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Date? Yiiii.

“bihis muna tayo ah!? Hihintayin kita ng 6:30.” Sabi niya nang makababa na kami ng kotse. Tumango naman ako at sabay kaming nagbukas ng kanya-kanya naming pintuan. Narinig ko din ang pagsigaw niya ng ‘iloveyou’ sa bahay niya. Napatawa naman ako doon.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon