"Forget me.. Like how I forgot you." after I said that, I walked away.
Parang may magnet sa paa ko na hindi makaalis. Hindi ako makahinga at nanlalabo ang paningin ko. Tama ba itong ginawa ko? I let her slip away. Sinabi niyang di ako pabigat sa kanya pero alam kong nahihirapan siya kung ano ang pipiliin niya, ako ba o ang pagpunta niya ng France.
Nasabi din kasi saakin ng dad niya na si Mr. Dy na proud na proud siya sa anak niya. Masayang masaya siya para dito at nakikita ko naman iyon. Pangarap daw din kasi ng anak niya na maging isang tanyag na chef.
At ayokong ako ang maging dahilan para hindi mangyari iyon. Ayokong maging pabigat. Hindi lang naman ako makaalala, wala akong cancer o kung anoman para manatili pa siya sa tabi ko at alagaan ako. Kaya ko ang sarili ko. Pero mas hindi ko kaya kung isasakripisyo niya ang pangarap niya saakin.
Ganun niya ba ako talaga kamahal? Well, I can see it through her eyes. Na ako ang mundo niya. Ako kaya? Ano ba ang pinapakita kong affection sa babaeng ito? Gaano ko ba siya kamahal?
Sabi niya nga sa kwento niya. Niregaluhan ko siya ng library, wow, ganun nga siguro ako kayaman. Ang hirap ng ganito. Na parang bago na ang buhay mo. Na hindi ako makaalala. Lalong lalo na kapag nakikita kong nasasaktang ang 'girlfriend' ko.
I'm sure, kahit di ko siya maalala.. She's everything to me.
When she's with me, I feel like I regain my energy. I'm safe when I'm with her and I feel complete. Of course, I loved her, kahit na alam na nating di ko siya maalala, may sumisigaw sa puso ko na nagsasabing "hoy! Mahal mo yan!"
Pero, kahit na ganun, I still have to do that. I'm sure she'll understand it. 18 pa lang siya, bata pa lang siya at marami pang matututunan. I'm not saying that I'm old enough, pero.. There will come a time na maiintindihan niya ito. Imagine kung andito lang siya sa tabi ko, anong mangyayari? Kapag nagmature siya, sasabihin niya. 'bakit di ko nga ba sinunod ang pangarap ko.'
Nakakaalala na ako ng konti, pero ang una una kong naalala na ang sabi ko din sa sarili ko na gusto ko ding maging chef... CHEF.. Eh ano ako ngayon? isang CEO? walang kinalaman sa pagluluto.
Kaya gusto kong.. Sundin niya ang pangarap niya. Dahil isang maling pagkakamali ang tanggihan ang oppurtunity.
Si Left her there, standing and crying alone. Pero.. Hindi ko namalayan na ako din pala ay umiiyak. How gay..
Sumakay ako sa kotse ko. Her voice keep on echoing in my head. Her cry and her sobs. Ayokong makita siyang umiiyak. Pero.. Mas okay na ito. Pero. Damn it. It hurt a lot. Ang sakit sa puso ko. Hindi ako makahinga na parang may bumabara.
"Blissy." Nasabi ko na lang sa sarili ko.
I want to clear my mind and I just turn on the radio while driving.. But there's something in the song na... Parang..
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Sumasakit nanaman ang ulo ko.. Good thing at malapit na ako sa parking ng condo ko. I hurriedly walk to the elevator at nanghihina ako. Flashbacks keep entering on my mind. Hindi ko maintindihan. Ang sakit sakit.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at pagkahiga na pagkahiga ko sa kama.. Everything went black..
--
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Asan na ba ako? Andito lang ako sa condo ko pero parang iba.. I feel a stung in my head.
Then.. Naalala ko na.. Nasa condo ako..
Pero.. Hindi lang iyon ang naalala ko.. Naalala ko na ang lahat. From childhood to present.
And.. Ang mga.. ginawa ko.. Oh my god! what time is it? sobra bang haba ng tulog ko? sobra bang..
Kahit hindi ba ako nagbibihis at hindi pa nagtotooth brush. Tumakbo na agad ako sa parking lot at nagdrive papunta sa Airport. Kailangan ko siyang maabutan. Hindi ko siya pipigilan na umalis pero sasabihan ko lang naman siya na wag na akong kalimutan. I remembered her. Mahal na mahal ko ang babaeng iyon.
Kamalas malasan at traffic pa. Habang binubusina ko ang kotse.. Sabay din sa pagtulo ng luha ko. How can I say something like that to her? ano bang iniisip ko? Paano kung pagbalik niya dito sa Pilipinas, may iba na siya.. Or worse.. Kasal at may anak na.. I can't stand the thoughts of it.
Pagkadating na pagkadating ko sa airport. Nakita ko na lang si Mr. Dy and her wife wiping their own tears.
"Where's Bliss?" tanong ko na may pagkapaos pa ang boses.
"She. Just left.." sabi ni Anvien. Napaluhod naman ako at umiyak.
"I'm sorry Mr. Dy if I make your daughter cry.. I'm so sorry.." sabi ko sa kanila. Pinatayo lang ako ni Mr. Dy.
"I know you're doing it just for her. I know you love her that much.." napatitig naman ako kay Mr. Dy. Thank god he can understand.
"I want to marry you daugher, Mr. Dy, as soon as she comes back. I'm gonna make her my wife." Mr. Dy taps my shoulder..
"That's what I'm waiting for."
------
** Ammp. Ang lame ata? :( Pero.. sige, ito na talaga ang mga nangyari nung nakaalala na si Ace. :))
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...