Chapter 19:
“TULOOOOOOOOOONG!!” Pagkasigaw na pagkasigaw ko, tinakpan nila ang bibig ko. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko ala.ang gagawin. Nagtawanan naman silang lahat. Hindi ko alam kung ilan sila pero mukhang marami sila. Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang hawak nila saakin.
Kahit anong lakas ng sigaw ko, hindi din ako maririnig dahil may nakaharang sa bibig ko, nakatakip saaking panyo at parang nawawalan na ako ng pagasa. wala na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mom! Dad! Sana pala hindi na lang ako umuwi ngayon. O kaya sana naghintay na lang ako ng taxi at hindi naglakad. Edi sana di mangyayari saakin ito. Parang ang saklap naman ng ikamamatay ko.
“tiba tiba tayo dito!” Sabi ng lalake at hinipo niya ang legs ko. Jusko! Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Sinisipa ko sila pero masyado silang malakas. Anong gagawin nila saakin? Bubugbugin? Ayokong ma-vhong navarro! Inosente ako! Kikidnappin ba nila ako? Or worst! Irererape? Hindi ko na talaga alam. Umiyak ako. Asan ba ang mga pulis? Bakit walang gumagalang pulis dito or kahit tanod? Totoo nga talagang mapanganib ang lugar dito.
Inalis nila ang hawak saakin dahil may lalakeng sumuntok sa isa nilang kasama. My hero! Sino siya? Pero, hindi na muna siya kikilananin. Pagkakataon ko ng umalis!
Pero teka?
Sino yung sumuntok? Yung Savior ko?
“Bliss! Tumakbo ka na?!!” Sabi ng lalakeng sumusuntok. Gusto kong gawin ang sinabi niya pero yung paa ko ayaw umalis. Di niya kaya yung mga lalake, iisa lang siya. Anong gagawin ko? Paano kung siya yung mapuruhan! Nakakasuntok din yung mga lalake sa kanya. Isa lang kaya siya!
Pinaulan niya ng suntok at sipa ang mga lalake kaya nagsitakbuhan na sila. Bahagyang di ako makapaniwala sa pangyayaring iyon pero nagpapasalamat na ako dahil di biro iyon.
“Kuya Ace!!!” Tumakbo ako para makalapit sa kanya, may dugo ang ilong niya at may sugat sa bandang kilay. Pero kahit ganun, gwapo pa din siya.
Napailing ako sa aking inisip. Ano ba Bliss, wala ka sa moment para gumanon! Tulungan mo si Kuya Ace.
“Ayos ka lang ba Bliss? Bakit ka kasi naglalakad sa ganitong oras. May pasok ka pa bukas ah. Paano pa kaya kapag wala ako dito? Edi may masamang nangyari na sayo?” Ginulo niya ang buhok ko at umupo siya sa sahig. Ngumiti naman siya saakin. Pero ako, eto. Napaiyak.
“S-s-sa-salamat. K-K-kuya Ace a!” Humagulgol na ako sa pagiyak, dahil saakin, napahamak siya. Ayoko ng may napapahamak dahil saakin. May mga sugat siya! Paano pa kaya kung may dalang mga knife or baril yung mga yun,baka mas worse pa yung nangyari.. Baka mamatay pa siya.
“oh. Parang ewan! Bakit ka iiyak? Halika nga dito!” Tumatawa siya habang hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.
Sa kabila ng pagaalala, Andito nanaman yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Psh. Abnormal!
“May sugat ka.. dahil.. saakin” sabi ko habang nakayakap pa din sakanya. Nakaupo parin kami sa sahig. Sa kalsada, to be exact.
“Hahah! Wala to ano ka ba! Mas mabuti na to kesa naman kapag narape ka ng mga ulol na yun!” Napaiyak ako lalo dahil sa sinabi niya. Concerned ba siya saakin? Oo nga, muntik ng may masamang mangyari saakin!
“Sumama ka muna.... sa bahay... gagamutin ko sugat mo..” Sabi ko sa kalagitnaan ng hikbi ko.
“oh? Kelan ka pa naging nurse? Akala ko chef ka?” hinampas ko ang braso niya ng mahina lang, alam niyo na baka mamaya may pasa pala siya. Kainis din itong lalakeng to ako na nga itong nagaalala para sa kanya tapos ang lakas parin niya sa joke time.
“Ayan! Nakangiti ka na! Hahaha. Tara na nga sa inyo!” Tumayo na kami at inalalayan ko siya sa pagtayo, pero maayos naman ang paglakad niya. At nakaakbay pa siya saakin. Habang tumatagal, parang nakasanayan ko na ang lagi niyang pagakbay saakin, pero ang hindi ko maintindihan ang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing ginagawa niya yun.
Nung andito na kami sa apartment ko, pinaupo ko siya sa couch at ginamot ang mga sugat niya. Meron siya sa lips at sa may kilay na sugat. Tsk. Lesson learned Bliss, kapag sinabing hindi maganda maglakad ng ganun oras, wag talaga. Ayan, muntik ng may masamang nangyari sayo, may sugat pa yung crush mo dahil sayo.
Ay? Crush daw.
PAy basta.
“Salamat ulit Kuya Ace.” Sabi ko habang nilalagyan ng band aid yung kilay niya. Eto nanaman yung mga luha ko, nagsisimula nanamang magslide sa mukha ko.
Pero bago mangyari yun eh pinunasan na ni kuya Ace ang luha na yun.
“Ilang beses kong sasabihin na okay lang! Ikaw talaga!” At kinurot niya ang ilong ko.
“Gusto mo bang kumain?” Pagtanong ko kay Kuya Ace, malay mo ginutom siya dun sa battle niya kanina. Battle daw? Pero ayun nga.
“Oo, medyo nagugutom na ako.” Sabi niya at nakahawak pa sa tiyan.
“Okay. Sige, papakainin kita! Wait lang!” Sabi ko at tumakbo sa kusina, wala pa naman akong luto ngayon dahil kanina nasa bahay ako. Chineck ko ang ref kung meron laman na pwedeng lutuin ng mabilisan..
Palabok!
Oo nga pala! Yun luto kong palabok kanina! May natira pa kasi yung luto ko kanina kaya inuwi ko at sabi din ni tita Karen na iuwi ko iyon. Hindi pa naman ito siguro panis kasi wala pang 24 hours at nasa ref naman kaya eto na lang papakain ko kay Kuya Ace. Nakakahiya naman kung wala akong ipapakain sa kanya. Pinainit ko ang palabok sa microwave at nilagay ulit sa panibagong plato.
“Kuya Ace oh, kapalit ng pagligtas mo saakin.” Sabay bigay ko ng plato ng palabok.
“Wow! Palabooook!” Sabi niya habang nagni-ningning ang mata.
Habang kumakain siya, tahimik lang siyang ngumunguya. At ako naman, nakatitig lang sakanya. Kahit may sugat siya, ang cute cute niya pa din. Mas cute siya nung may bandaid yung kilay niya. Mukha siyang bad boy tignan.
“Masarap ba?” Tanong ko, malay mo baka siya tahimik kasi hindi pala siya nasasarapan sa niluto ko. Pero di siya sumagot, mukhang malalim ang iniisip niya.
“Oy Kuya Ace!” Sabi ko habang winawagway ang kamay ko sa harap niya.
“ha?” Sabi niya.
“Sabi ko kung masarap ba?”
Ngumiti siya bago sumagot. “Oo, napakasarap!” tapos ginaya niya yung mga chef na naka-OK sign tapos bigla niya kiniss yung kamay niya. Alam niyo yun? Basta ganun.
“Alam mo, ang galing mo talagang magluto!” Sabi niya saakin nung matapos na akong maghugas ng platong pinagkainan niya.
Sa mga sinabi niyang iyon, di ko maiwasang ma-flattered. Yung puso ko grabe sa tibok.. Pwede ba kuya Ace, kahit isang araw? Wag mo akong pakiligin ng ganito?
Pero di ko din alam kung malas ba ang araw na ito o swerte? Malas, dahil muntikan na ako kaninang mapahamak. Swerte kasi... Sinagip niya ako.
BINABASA MO ANG
I'm In love with My Dad's Boss
RomanceHer name is Bliss Dy, A book lover, an innocent teenager and incoming college student. As the new chapter of her life passes through, she accepted it. and that includes-- falling in love. What if she fall with her dad's boss? He's Ace Buenaventura...