Chapter 40: He's my boyfriend.

6.7K 93 1
                                    

Chapter 40

Nilibot ko ang buong library ko. Haha. Medyo awkward pa rin talaga na sa akin itong library na ‘to. Hindi parin ako makapaniwala. Para tuloy akong si Belle dun sa beauty and the beast, di ba binigyan siya dun ng library. I feel like a princess tuloy.

Habang nililibot ko ng tingin ang kapaligiran, I saw a familiar paper bag sa may couch. Kinuha ko yun at binuksan. And Oh my god! Sabi ko na nga ba at ito iyon. I can’t believe it.

“You have this?” I asked him. Kala ko ba wala na 'to?

“uh. Yes. Haha.” Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

“Hindi ko pa ‘to nababasa.” Sabi ko, habang kinukuha ang libro.

“Ako nabasa ko na. Wahaha.” Sabi niya na may matching palakpak pa habang tumatawa. Baliw lang? Kaya siguro hindi niya ito binalik saakin noon ng panahong hinahanap ko ito.

“Kaya pala di mo binalik. Kasi binasa mo.” I said. Yes, ito yung librong hinahanap ko sa kanya noon, yung librong naiwan sa sasakyan niya. Sabi niya di niya nahanap tsk. Kung nabasa niya edi alam niya na na ito yung librong gusto kong basahin?! Shocks. Nakakahiya. Napa-face palm na lang ako.

“50 shades eh? Sa bagay, 18 ka na, pwede mo na yang basahin.” Lalo tuloy ako nahiya. Oo, '50 shades of Grey' nga yung libro na yun. Kaya ko hinahanap yun dati kasi nakakahiya kapag nakita niya. Explicit daw kasi ang librong yun. Alam ko naman yun, pero di dahil dun kung bakit gusto ko yung basahin. Best seller kasi at sabi ng iba eh nakakakilig daw. Curious lang ako, yun lang.

“Bakit di mo sinabing na sayo pala? Ha?” Sabi ko. Pinagliitan ko siya ng mata. Medyo sinungaling din siya a.

“Wala lang. Eh binabasa ko pa siya noon. Grabe. Parehas pa kaming CEO. Minsan kaya gawin ko yun.” Dahil di ko pa nababasa yung libro. Hindi ko siya gets. Tsaka na ako magrereact kung bakit niya sinabi yun. Ayokong ispoik ang sarili ko.

“Okay my little girlfriend.” Inakbayan niya and I blushed. Oo nga pala. Boyfriend ko na nga pala itong lalakeng ‘to. Di pa rin ako makapaniwala. Isang tanungan niya lang. Napasagot niya na ako. Ang landi ko na nakakainis.

“B-bakit?” Sabi ko.

“Pumili ka na ng gusto mong basahin. Kasi aalis na tayo. Magdadate pa tayo.” Sabi niya. Aww. Aalis na kami? Parang gusto ko tuloy na dito na lang tumira.

"O gusto mo dito na lang tayo matulog?" sabi niya habang tinataas taas pa ang dalawa niyang kamay. Kinurot ko ang tagiliran niya. Dinampot ko na lang paperbag na dapat ay saakin talaga noon pa.

“eto na lang muna babasahin ko?” Sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang 50 shades.

“Talagang gusto mong basahin yan ah~”sabi niya at kinurot ang ilong ko. Inirapan ko naman siya.

“curious lang ako.” Sagot ko.

“Okay. HAHA. Let’s go babe! May pasok ka pa bukas at may date pa tayo.” Babe? Babe daw? Feeling ko umakyat yung dugo papunta sa mukha ko. Sheet na malagkit nga naman oh.

“Saan naman tayo pupunta? Ano? Surprise nanaman ba?” Sabi ko nung nasa sasakyan na kami.

“Basta.” Hindi na lang ako kumibo habang nagdri-drive kami kung saan. Gabi na rin pala ngayon ko lang napansin. Ganun pala talaga kabilis ang oras kapag kasama mo ang taong mahal mo no? Mabilis ang oras lalo na kung nageenjoy ka. Napakadamot nga naman talaga ng oras. 

Napangiti naman ako. Ano bang araw ngayon? Shocks. October 18.. I have a boyfriend now. Di pa nagiinit ang pagiging 18 ko pero nagkaboyfriend na ako. Parang nung isang araw lang, nagkita kami sa elevator. Nagkausap at nagkakahiyaan pa. Pero ngayon, eto na. Kami na. I can’t believe it. Crush ko lang siya noon pero akalain mo. Sorry naman kung ganito ang pinagsasabi ko. Di kasi talaga ako makapaniwala. Kami na. He’s my boyfriend na.

“Anong ngini-ngiti mo jan?” halos mapatalon naman ako. Potek. Oo na! Magugulatin na ako. Kasi naman, ang lalim ng iniisip ko, antahimik ng sasakyan tapos biglang may magsasalita.

“W-wala ah.” Yun na lang ang sabi ko.

“Psh. Ako lang naman ang iniisip mo eh.” Sabi niya. Aba! Ang yabang! Pero tama siya dun. Siya lang naman kasi ang iniisip ko. Pero ang yabang niya pa din.

“asa.” Pagkunwari ko.

“Pero. Seryoso ako. Kanina nung kinakanta ko yung passenger seat. Ikaw yung nasa isip ko. Tagos hanggang puso yung lyrics.” Sabi niya, I knew it! Ako naman talaga! Damang dama ko na para saakin talaga iyon. Ang haba ng hair ko.

“Andito na tayo!” Sabi niya at bumaba na, tinanggal ko naman ang seatbelt at bumaba na din, pero, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Shocks, first time ‘to ah. Yeah, Ace is not gentleman. Isip bata yan eh. Pero ngayon, wow. May ganito din pala siyang pagkatao.

“Thanks.” Sabi ko. He hold my hand. Hindi lang basta-basta hawak. He interwined it. And I feel the botanic garden again. Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam ng paghawak niya. Bigla niya naman niyang hinigpitan ang paghawak.

“I have a hand and you have another... put them together... and we have each other..” He said. Habang naglalakad pa din kami. Nahalata niya bang kanina pa ako nakatingin sa kamay namin? Pero bigla akong napatawa.

“Ang galing mo talaga!” Sabi ko. He laughed and pinch my nose.

“Ganyan talaga nagagawa ng inlove..” I still can't believe kung bakit ko nagawang mainlove saakin si Ace. Hindi talaga padin ako makapaniwala.

Pumasok naman kami sa restaurant.. Isang first class restaurant. Napasinghap ako dahil nakakahiya itong suot ko. Nakatokong, t-shirt at sapatos ako. Samantalang ang suot ng iba.... Basta.. Parang di ako belong dito dahil sa suot ko.

“Wag kang magalala. Ikaw naman ang pinakamaganda dito.” He said. Hindi ko alam kung para saan iyong sinabi niya pero dahil doon, I blushed again. I'm so luck to have him as my boyfriend.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon