Prologue of Blaze Story

6.3K 57 0
                                    

Hindi to kasama sa story na ito. Ibang genre at ibang iba sa story na ito ang story ni Blaze. Its about mystery and revenge, well, my love story pero hindi focus doon. :)

HERE IT GOEEES!

-----

Nagising ako ng may naramdaman akong nakatingin saakin. Nagulat ako, nasa classroom papala ako. And guess what? ako na lang ang tao. Nalatulog nanaman ako at naiwan. Pero ang weird. Bakit ganun?

I feel like something is looking at me. I took a deep breath and glance at my watch. 7:34 pm? Are you kidding me? 4 hours na akong tulog. Kaya pala ang sakit ng likod ko at batok ko. Hindi man lang ako ginising para sabihin na uwian na? 

Pero sa bagay..  Lagi naman ganito. 

I took my back pack and stood up. Nafeel kong parang lumamig at may something sa tenga ko na parang iba. 

Tumingin ako sa kaliwa ko. And there, I saw her again. 

"hi." she said. It must be normal to greet someone like this pero ito kakaiba. She's not smiling. Nakatingin lang siya sa blackboard, dating gawi. 

"Hindi mo ako ginising." sabi ko sa kanya. 

"I woke you up." Napatungo naman ako, oo nga naman. Ginising na niya na ako sa ganung paraan. Thanks. 

"uwi na ako." sabi ko sakanya. 

"Wag muna." She said at hinawakan ang kamay ko. I felt a shiver down my spine at nanayo lahat ng pwedeng tumayo (na balahibo). 

"S-sorry.. It's just.. It's sad. to be here.. Alone." Lumakas ang tibok ng puso ko. Yumuko siya at naramdaman ko ang lungkot niya. 

"G-gusto mong sumama?" I gulped. Ano ba itong sinabi ko? Bakit ko iyon nasabi? 

"For real?" Nagningning ang mata niya. Pero hindi umabot ang happiness na iyon sa mga mapuputla niyang labi.

"Ammm.. O-oo." Sabi ko at napakamot.

"The last time na sinabi ko iyan saiyo, tumakbo ka.. Kaya di na kita pinuntahan. Pero ngayon, sure ka? sure na sure?" Ferstaym niya atang magsalita ng ganito kadami. Ngumiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko nanaman ang pananayo ng balahibo ko.

"ah.. S-sory.." She said. 

Naglakad ako pauwi at naramdaman ko siyang sumunod saakin. Her hands in her pocket. And parang excited na ewan.

"if.. andun ka sa bahay namin.. Anong gagawin mo?" 

"Let's talk about my revenge.." She said. Napalunok nanaman ako ng laway.

"Bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa naisip mong tumulong?" tanong ko sa kanya. May dumaan na nakasalubong ko at nagbulung-bulungan sa harap ko. Napakamot ako ng ulo. 

"You'll understand it soon." She said. 

-

"I'm home." Sabi ko sa magulang ko na kasalukuyang nanonood ng balita ngayon sa TV. 

"Gabi nanaman uwi mo." sabi ng tatay ko. 

"Buti pa tatay mo, concern sayo no?" sabi ng kasama ko at tumingin ako sa kanya. 

"Sorry pa. May project lang." Sabi ko sa tatay ko.

"Sinungaling." sabi ng kasama ko at muntikan ko ng batukan. Buti na lang talaga di siya narinig ni Papa.

Umakyat na ako sa taas at nakasunod siya. 

"your room is small." Sabi niya. 

"reklamo ka pa jan." sabi ko. 

"soooo. Let's talk about revenge?" sabi niya. Naghubad ako ng polo ko at medyas.

.

.

.

"First things first. Tell me how did you die?" Tanong ko sa kanya. She just let out a small smile at nakaramdam ako ng malakas na hangin sa loob ng kwarto ko.

Ano ba itong pinasok ko? Matatapos ba ito? 

---

UNEDITED! I-eedit ko na yan sa mismong story, sa ngayon, i-tetesting ko lang kung maganda ba at kung medyo cliche. Ano sa tingin niyo? Prologue pa lang naman. Pwede ko pang baguhin doon sa mismong story na ito. Creepy ba? Yes po. Multu-multuhan po iyan hahaha. 

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon