Chapter Eighteen: Palabok Recipe

6.2K 93 2
                                    

CHAPTER 18

Andito ako ngayon sa kusina ng KAREN Derya, At isa lang masasabi ko, ang linis! Tsaka parang masisipagan kang magluto dito.

“Syempre, alam mo naman siguro ang tawag dito?” Tanong sakin ni Tita Karen habang nakahawak sa isang ingredient ng palabok.

“Bihon po.”

 

“Good. Hihi. Tapos, i-papakulo natin, alam mo naman siguro kung paano magluto ng pansit bihon? Parang ganun din dito.”

 

 

Inilagay ko na yung bihon sa may tubig at pinakuluan.

“tapos, Mag-gisa ka ng bawang, sibuyas, pati din yung giniling.”

At ginawa ko naman ang sinabi niya. Madali lang pala gawin yun eh. Sabagay, pansit kasi siya, madali lang gumawa ng pansit. :D

“Tapos po?” Sabi ko habang ginigisa ang mga ingredients isa isa.


“Ilagay mo mamaya yung tinapa, tapos yung atsuete tapos lagayan mo ng tubig at pakuluan, yun na yun.”

 

“Wow. Ganito lang pala!” sabi ko.

Maya maya eh nilagay ko na yung tinapa, yung annato, tubig tsaka sabi niya, para mas masarap, maglagay daw ako ng chicken broth. Siguro eto yung secret dito. Hahaha. Pero sabi ni Tita, wala naman daw secret dito, yun lang daw talaga yung ingredients.

Tinanggal ko na at dinirain yung bihon at nilagay sa sauce ito. Ang bangoooo! Nakakagutom na agad.

Hinalo halo ko ito para maglapot.

“Ayan, pwede na yan.”  Sabi ni tita Karen.

“mabilis ka palang matuto. Sabagay, marunong ka naman na magluto eh. Next time, iba naman ang ituturo ko sayo.” Dagdag pa niya, Ngayon lang kami nagkakilala pero ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kanya. Pansin niyo din ba? Ang bait bait niya kasi! Tapos palangiti pa.

“Tikman na natin Titaaa!” Excited kong sabi sa kanya.

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon