Prologue

22.2K 295 3
                                    

Summer at monday ngayon. Wala naman akong ibang alam gawin kundi ang magbasa ngayon. Pasalamat nga ako at summer ngayon dahil kapiling ko ang kaibigang kong libro. Nakadalawa na ata akong novels ngayon dahil sa sobrang boring. Pero honestly, mas gusto ko itong walang pasok, malayo sa mga bullies. 

Kakagraduate ko lang ng highschool at masaya ako dahil may mabubuksan nanamang bagong chapter sa buhay ko which is college. Sana lang talaga ay walang magbubully saakin. Yes, ako ay bully-prone area. Nyek. Lagi naman ganun di ba? Kapag may salamin, ibubully ka. 

Sino ba nagpatupad ng ganung batas? Na kapag nerd, may karapatan nang ibully at pagtawanan. Kainis. Buti na lang at wala nang pasok ngayon kung hindi baka hanggang ngayon eh ginagawa pa din akong laughing stuff. 

Pero teka, itong kwentong ito ay hindi dahil sa binubully ako. Hala, nagiging MMK na ata ito. Sorry naman. Shina-share ko lang naman sa inyo ang experience ko na iyon, pero. Past is past. Let bygones be bygones ikanga. Ayoko ng pagusapan iyon..

Bumalik na lang ako sa aking pagbabasa ng libro. Yes, passion ko talaga ang pagbabasa kanina ko pa sinasabi. Ito na ang naging kaibigan ko simula't sapul. Mabibigyan ka na ng information, tataba pa ang utak mo. 

I was about to turn the next page of the book when I hear a sound of my dad's car. Andito na si dad! Dahil wala akong ginagawa, bumaba ako para buksan ang gate namin. Nakita ako ni dad bago siya lumabas ng car at sana ay siya ang magbubukas, good thing. Andito ako para pagbuksan siya. 

Nagsalute ako sa kanya. Feeling guard lang. Then he park the car at lumabas siya ng car at binuksan niya yung isa pang pintuan at may kinuhang paper bags. Base sa mga paper bag na iyon. Halatang namili si dad. 

"hey dad.. Woooooahh. Andami mo namang pinamili today.." Nasabi ko kay dad ngayon at may dalang mga grocery stuffs. Actually, First time ko siyang makitang may dalang grocery at lagi si mom ang naggro-grocery saamin. Pero, this day is new. Si dad ata ang naggrocery? Kaya pala medyo late ang uwi niya. Ngayon ko lang napansin. 

"why? masama bang mamili at magtreat kapag promoted ka?" sabi niya.

"Hindi nam-- Wait what? YOU GOT PROMOTED?" Nashock ako at biglang napayakap kay Dad dahil sa good news after all these years eh ngayon pa nangyari to and I'm very happy.. Akalain mo yun? Akala ko di na siya mapro-promote. Pero, a miracle happened and I guess ito na yon. 

"I cant wait to see how your mom will react" Sabay kiss niya sa noo ko. Sinarado ko ang pinto at kinuha ang mga ibang pinamili ni dad. Pumunta siya sa kitchen dahil andun si Mom, she's cooking for our dinner kasi. He hugged mom at the back, Seeing your parents doing this is not a big deal at all. Proud ka pa kasi love nila ang isa't-isa. 

I saw mom hugged dad too with a surprise on his face. Tamo, kahit si mom ganun din ang ni-react. After how many years of us praying and praying that Dad must be promoted, eto na. We're not desperate naman na maging promoted siya, pero ang tanda na ni dad para maging isang manager lang ng isang department. 

"So what position ka na ngayon dad?" tanong ko sa kanya.. Haha oo. Di papala namin natatanong ni mom kung anong position niya na sa company nila kasi naman yung word palang na 'promote' nagdiwang na agad kami.. Pero dahil dati manager lang siya ng isang department. Anong next na position doon? 

"You cant believe this but.. I'm now the vice president of the company and I'll be working with the CEO from now on"

At dito nagbago at nagsimula ang bagong yugto ng buhay ko. 

Ako si Bliss Dy. Nagiisang anak ng bagong vice president ng Richville Inc.  Incoming first year college and I exist for 17 years in this world.

 

At nainlove ako boss sa ni Dad.  

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon