Chapter 22: Protect

6.2K 98 0
                                    

CHAPTER 22

Habang nagluluto ako sa klase ko, hindi ako mapakali, hindi ako makaconcentrate, hindi ako makaluto ng maayos, hindi ako makapakinig ng mabuti, hindi ako makabuhay ng matiwasay!

 Kasi..

Kinikilig akooooo!

Oo, alam ko na itong nakalipas na araw ay puro na lang ako kinikilig.. Pero di ko talaga maiwasan. Di ko na alam at baka lalong lumalala na itong feelings ko para sa kanya.

Kaya ito ako ngayong araw na ito. Bangag at parang nakalutang.. Muntik ko na ngang masunog yung piniprito ko eh.

Masyado na akong OA. Hindi ko din alam kung anong nangyari kung bakit sa simpleng salita lang na yun, natulala na ako at mukha na akong timang na ngumingiti na lang kahit walang nakakatawa. Eh yun nga lang kinikilig na ako, paano pa kaya kapag sinabi niyang ‘i love you’. Haayyy nakoo! Masyado akong mababaw. Ang kiri kiri ko naman. Hala.

Nung tapos na yung pagluluto namin nagbreak muna kami, Kasama ko si Lunan na kanina pa ako tinatanong kung bakit ako nagkakaganito, kung may problema ba ako o ano, syempre hindi ko sinabi sa kanyang kinikilig ako dahil iisipin niya malandi ako, at ehem! Pinsan niya si Kuya Ace no, hindi nga alam ni Anvien na may gusto ako doon, paano pa kaya kapag si Lunan pa?

Anyways, andito kami ngayon sa cafeteria, hindi naman ako gutom kasi nga diba nagluto kami, maya maya na lang siguro ako kakain.

“Kanina ka pa mung-tanga Bliss.” Sabi ni Lunan, actually paulit ulit na siya don, tinatawanan ko lang talaga siya at hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako tumatawa.

 “Hindi ko din alam kung bakit eh.”  Sagot ko sa kanya. Binigyan niya naman ako na parang nagtatakang tingin. 

“Baliw.” Sabi niya sabay subo ng pagkain niya.

“EH? Sorry naman.” Sabi ko. Kahit nga ako hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

“HELLO GUUUYTH!” Sabi ni Vien na kakadating lang. Bakit kaya andito to? Hindi kaya kami sabay ng schedule ng break?

“Bakit andito ka?” Tanong ni Lunan.

 “Absent yung prof. namin, Ang saya saya! Bakit? Angal ka? Kung pektusan kaya kita jan! Hmp!” Sabi ng ewang si Anvien at umupo sa tabi ko habang nagbabangayan sila ni Lunan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang lumagpas na hindi sila nagaaway. Sanay na nga ako eh. Memorize ko na din yung mga asaran nila sa isa’t-isa.

 “Hoy! Bliss! Bakit nangiti ka jan?” uh-oh. Napansin na ni Anvien di na ako titigilan nito.

“Wala lang, masaya lang ako!” Palusot ko.

“Kanina pa talaga siya jan, Vien. Mukha siyang tanga.” Sabi ni Lunan, Ang word of the day po ni Lunan=Tanga

“Someone’s not sharing!!” Sigaw ni Anvien. -_______- Kelangan talagang sumigaw? Ayan tuloy, yung mga tao sa paligid namin, nakatingin. Haynako. Scandalosa. 

“Eh?” Yun na lang ang nasabi ko.

“Bakit ka nagkakaganun aber?” Tanong ni Anvien habang tinuturo ako at tumaas taas pa ang kilay.

“W-w-wala! Aish! Para kayong ewan eh. Masama bang maging ganito? Kahit once in a lifetime lang ng buhay niyo, hindi ba kayo nagkaganito?”

 “Hindi.” Sabay nilang sagot.

“Okay.” Sagot ko din.

“Pero bakit nga?” Pangungulit ni Lunan.

“May nabasa lang ako sa wattpad na nakakakilig.” Palusot kong muli. Ayokong malaman nila na may crush ako sa pinsan nila no. Kasi naman bakit ako magkakaroon ng kaibigan na pinsan ng crush ko.

 “At kelan ka pa nagbasa sa wattpad?” –Anvien, ay nako! Bakit ba grabe magtanong itong babaeng ito? Pwede talaga itong maghost na lang eh. 

“N-Nung isang araw lang.”

 “Okay.” Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naniwala sila sa sinabi ko. Wew! Akala ko magtatanong pa eh. 

--

Uwian na!

At alam niyo naman kung anong gagawin ko sa uwian diba? Kyaaa!

 “Bye Blissy! See ya tom!” Sabi nila Anvien at Lunan saakin habang paalis na sila. Kumakaway pa sila na parang ewan. Hay! Magisa nanaman ako.

 Ooooops! Di pala!

 Dahil may natatanaw na akong gwapong nilalang sa may parking lot, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Eto nanaman yung maliliit na ako na tumatalon talon sa puso ko eh. Kelangan talaga kapag andiyan si Kuya Ace, nagiging ganito, abnormal na ang tibok? Pero mas dumoble pa nung bigla siyang tumingin saakin at ngumiti.

“K-k-kanina ka pa d-diyan?” Sabi ko nung lumapit ako sa kanya.

“Hindi naman, medyo lang. Nakakamiss din palang manundo!” Sabi niya sabay akbay saakin. Namiss? Bakit naman niya namiss? Service driver ba siya noon?

“Bakit mo namiss ang manundo?” Tanong ko habang papasok ng sasakyan. Sinarado niya ang pinto at umikot sa sasakyan para umupo sa driver's seat.

“Wala lang. Lagi kong ginagawa to noon kay Blaze eh.” Ahhh. Si Blaze naman pala. Tss. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Aish! Abnormal talaga. Ilang beses ko bang sabihin sa sarili ko na, Ace reminds me as her little sister! LITTLE SISTER! SI BLAZE! Kasi naman..

Umaasa ka kasi..

Hmmm. Umaasa nga ba ako? Ewan? Maybe?

“Bakit mo nga pala ako sinundo?” Tanong ko, eto kasi yung kanina ko pa gustong tanungin sa kanya, bakit niya ba ako susunduin? At ihahatid sa bahay? Psh.

Wala lang, just to sure that you’re safe.” Ayan nanaman siya sa safe-safe na yan eh! Kaya ko naman ang sarili ko.

“Eh? Bakit?” tanong ko. Pinaandar niya na ang kotse at nagsimulang magdrive. Ngumiti lang siya sa kawalan.

“i don’t know. Kasi naman, you’re fragile, And parang may kung ano saakin na gusto kitang protektahan.” Yeah.. Fragile. Whatever. 

Wait? Protektahan?

Protektahan...

“B-b-bakit naman protektahan?” Ginawa ko ang best ko para di magmukhang masayang masaya ang tono ng boses ko.

Huminga siya ng malalim..

“Because....... You’re my little sister, right?”

Hindi ko alam kung bakit nawala ang mumunting ngiti na nasa labi ko dahil doon. Oo nga pala, little sister lang ang peg ko dito. Napailing ako, ano ka ba naman Bliss!

Mas masahol pa ito sa friendzone.....

I'm In love with My Dad's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon