“Savannah bumili ka nga ng isang dalawang coke doon sa tindahan nina Mimi.At may bisita tayo mamaya…”
Narinig kong inuutusan ni Mama si Ate.Andito ako sa may sala naming habang sia naman nasa may kusina.Maliit lang ang bahay naming, kaya rinig na rinig ko sila kahit hindi sumisigaw.
“Ma si Sab nalang kita mo naming may tinatapos ako dito eh..”reklamo ni Ate Sav. Kilalang-kilala ko na si Ate, ayaw na ayaw nyang inuutusan kapag may ginagawa.
“Anu ka ba naman Savannah.Alam mo namang hindi masyadong lumalabas ‘yang si bunso eh.Kaya iwan muna ‘yan…”
Tumayo na ako, ayaw ko mang lumabas ngayun.Lalabas ako para lang Makita sya, nasa labas kasi sya eh.Nakatambay sya sa tindahan ila Ate Mimi.
Isang linggo na rin simula ng tinulungan nya kami.At simula noon hindi ko na sya muling nakikita tuwing dumudungaw ako sa labas.
“Ma ako na po…”mahinang pahayag ko.
“Sure ka ba anak? Hindi ba ayaw n ayaw mong lumalabas lalo na’t ang daming tambay jan?” tumango ako at kinuha ang pera sa kamay ni Mama.
Nagtataka man, hindi na nagtanong si Mama.Hinayaan nya akong lumabas para bumili.
Nakita ko agad sya, kausap nya si manong George ang tatay ni ate Mimi.Halatang nagkakatuwaan silang dalawa, pero kusang tumahimik ng dumating ako.
“Sabrina hija, may bibilhin ka ba?” tanong sa akin ni Mang George.Malamang nasa palengke si Ate Mimi kaya sya ang tumatao ngayun.
Wala akong masyadong kakilala ditto sa amin, kapag may lakad lang kasi ako nakakalabas ng bahay eh.Pero kilala ko ang pamilya nila Ate Mimi, kinakapatid nya kasi ang Ate ko.
“Dalawang litrong coke po..” kulang sa buhay na sabi ko.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya, pero alam kong mataan nya akong tiningnan.Nahihiya kasi ako eh, wala akong lakas ng loob para kausapin sya.Pati ang magpasalamat ay hindi ko magawa…
“Oh ito hija..”

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
Любовные романыHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina