Part Thirty-Two

9.5K 160 25
                                        

Part Thirty-Two

(Baliw Sa Kanya)

-

Pagbaba ko nakita ko sina Ate Savannah at April na naka-upo sa sala habang kausap si Lola.Agad na nag-init ang ulo ko ng Makita ang nakangiting mukha ni April.Kumulo ang dugo ko, isa lang ang gusto kung gawin ang sisihin siya sa lahat ng nagyari sa’min ni Luis.

Pero muli kung pina-alala sa sarili ko, buntis ako.Hindi lang ako ang may-ari ng katawan ko, dalawa na kami.Apektado ang dinadala ko sa lahat ng gagawin ko.

“Sabrina! My God na-miss kita!” una akong nakita ni At Sav, tumakbo siya sa’kin at niyakap ako.Saglit na nawala ang galit ko ng maramdaman ang mahigpit na yakap sa’kin ng kapatid ko.God knows how I miss my sister, siya ang taong pinapangarap ko lagging maka-usp tuwing puno-puno na ng pangungulila ang isip st puso ko.

“Mga apo maiwan ko muna kayo dito.” Paalam ni Lola Mel pagkatapos ng yakapan naming dalawa ni Ate.Tumango kaming dalawa, pati si April ata.

“Sab, na-miss kita..” maluha-luhang sabi ni April.Lumayo ako ‘kay Ate, umupo ako sa upuan na kaharap ‘kay April.Sa mahigit dalawang buwan ko siyang di nakita.Masasabi kung wala pa rin siyang pinagbago, naalala ko pa rin kung paano niya akong pinag-bantaan noon! “Sana mapatawad mo sana ako sa lahat ng kasalan ko sa inyo ni Luis.”

“Madaling magpatawad April, pero mahirap kalimutan ang lahat.Bestfriend kita kaya mas mahirap para sa’kin ‘yun.Hindi ko kasi akalain sa lahat ng tao sa mundo ikaw pa ang gumawa sa’kin nito.Bakit April? Si Luis lang ba ang lalaking pwedeng mahalin mo? Maganda ka April, matalino..hindi ba pwedeng maghanap ka ng mamahalin mo at pabayaab mo ako sa taong mahal ko noon pa man?” puno ng hinanakit ang puso ko.Unti-unti ng tumulo ang luha ko, ang sakit Makita kaming ganito dahil lang sa isang lalaki.

Naramdaman ko ang haplos ni Ate mula sa likod ko. “Sorry Sab, sorry talaga..hindi ko naman sinasadyang isumbong kayong dalawa eh.Nabulag lang talaga ako ng subrang pagmamahal.At ngayon, malinaw na sa’kin ang lahat na ikaw at si Luis talaga ang para sa isa’t-isa.Patawad kasi huli na ng na-realize ko ito…wala na kayo ni Luis.” Tumayo siya at lumuhod sa harap ko.

“Ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari…sinira ko na ang pangako sa kanya.Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya sa’kin ngayon.Kung galit pa ba siya o mahal pa ba niya ako.” Mula sa kawalan nasabi ko nalang ito.

“Mahal ka pa niya Sabrina ‘wag kang magsalita ng ganyan.Alam ko mahal ka pa niya, kasi kung hindi na..hindi ka na niya hahanapin hanggang ngayon.” Napatingin ako ‘kay Ate Savannah na nagsalita sa tabi ko. “Pero ‘wag kang mag-alala bunso, hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kung nasaan ka.” Pagkatapos iniwan niya kaming dalawa ni April at pumasok sa kusina kung nasaan si Lola Melba.

“So, Sab bati na ba tayo?” tanong ni April na nasa harap ko pa pala.Tumaas ang isang kilay ko, naka-ngiti siya sa’kin ngayon.Hindi ko pa rin nakikita ang sensiridad sa mga sinasabi niya.Siguro dahil nabura na at nawala na ang lahat ng tiwalang meron ako pa ra sa kanya.

“No April, hindi mangyayari ‘yon kaya ‘wag kang mag-expect dahil hindi mangyayari ‘yon.Isa lang ang natutunan simula ng umalis ako.Hindi pala lahat ng taong naka-ngiti sa’yo mapagkakatiwalaan mo.Minsan pa nga sila rin ‘yong ta-traydor sa’yo.” Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko. “Oo, napatawad na kita pero patawad rin April hindi na kita matatanggap bilang kaibigan ulit.Hinding-hindi ko makakalimutan na isa ka sa mga napaka-laking dahilan kung bakit nasasaktan kami pareho ni Luis ngayon.Sabihin mo man nakapa-sarado ng isip ko, pero yun ang totoo eh yon ang nararamdaman ko sa’yo.” At tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Akala ko tapos na kaming mag-usap, pero may pahabol pa pala siya. “Ang sarap mong sabunutan ngayon Sabrina kung hindi ko lang alam ng buntis ka.Pero  sige, hindi ko gagawin nakaka-awa ka naman kasi.Dahil sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Luis na nandito ka.Hindi ko hahayaang magiging Masaya ka, kayo…kasama ng magiging anak mo.” Muli akong lumingon, may deminyitang ngiti sa mga labi ko ngayon.Ano ‘yon kanina palabas lang? Pagkatapos kaming iwan ni Ate lalabas ang totoong kulay niya?!

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon