Part Sixteen

13.4K 140 7
                                    

Part Sixteen

(Baliw Sa Kanya)

Kasama ko si April ngayon.Nandito kami naglu-lunch sa isang karinderya sa labas ng school.Dito talaga kami usually kumakain sa kadahilanang ang mamahal ng ulam sa canteen ng school! Isama pa ‘yung di sila nagbebenta ng softdrinks sa loob, puros juice lang lahat.Bawal daw kasi.

“Ahm.Kainis na Jenivive na ‘yun.Pagkatapos malamang may anak na si Vince at Colline.Si Khen na naman ang nilalandi niya ngayon! Bwesit..akala mo kung sinong maganda.Kung hindi lang siya talaga in-born ng malandi walang papatol sa kanya no!” himutok ni April bago sinubo ang pagkain niya.

Kanina kasi nakita naman si Khen kalampungan si Jenivive sa loob ng classroom.Ayaw kong i-discribe sa inyo si Jenivive.Kayo nalang humuspa basi sa sinasabi ni April.

“Hindi ba niya alam na sa iyo lang si Khen.Kaya kahit anong kalantari niya doon, ikaw pa rin ang gusto ni Khen.First year pa lang tayo eh patay na patay na ‘yun sayo eh!” muntik na akong mabilaukan sa sinasabi nya.

Ano daw? Sa Akin si Khen? My Goodness! Kailanman ay hindi ko inangkin si Khen.Dahil noon pa man iisang lalaki lang ang gusto kong angkinin.At ngayon..naangkin ko na ng tuluyan.

“April..ano ka hindi akin si Khen.Kaya hayaan mo sila ni Jenivive..wala tayong pakialam kong maglandian sila buong maghapon sa classroom.” Simpleng sabi ko.

“Ano Sabrina Alonzo?! Hahayaan mo lang maglandian sila ng ganoong ng walag ginagawa? Oh My God! May karapatan ka kasi ikaw ang gusto ni Khen at hindi siya!” halos tumirik ang mata niya sa inis.

“Pero hindi ko naman siya gusto..” nakita kong bigla kumunot ang noo niya.Binitiwan niya ang hawak na kutsara at tinidor.Tiningnan niya ako na para bang wala ng bukas.

“Ikaw Sabrina ah, dalawang beses ko na sayong naririnig ‘yan sayo.Kung noong una hindi ako naniniwala, kasi My God bukod kay Khen sino pa ba ang pwede mong magustuhan? May iba bang gwapo at yumming umaaligid sayo?! Aminin mo nga may iba ba kaya ayaw mo na kay Khen?” halos sigaw na ‘yung ginawa niya.Tinakpan ko tuloy ang bibig, ang lakas ng boses nakakahiya sa mga ibang kumakain dito.

“Oo nga sabi.May iba akong gusto..at hindi si Khen ‘yun.”

“Edi sino ang iba na ‘yun?”

Ilang minute akong tumahimik.Tama bang sabihin ko na ‘yun sa kanya?She’s my bestfriend afterall bukod kay Colline.Karapatan niya naman sigurong malaman ‘yun diba?

“Si Luis kapit-bahay naman.Siya ang boyfriend ko at gusto ko..” hindi ako bumitaw sa titigan naming.Gusto kong Makita ang reason niya.

Hindi nga ako nainip dahil ilang sandal lang sabay nanlaki ang mata, ilong at bibig nya. “Whaaaaaat?! May boyfriend ka na?” Shit! Kailangan talaga isigaw ‘yun?!

“Shhhh! Shut up April.Bakit ba napaka-big deal  nong sinabi ko basis a reaksyon mo? Seriously? Kailangan mo talagang isigaw para malaman ng lahat tapos mabalita kay Khen para matigil na ‘yang chismis sa aming dalawa?” Hindi ko napigilan, I rolled my eyes on her.

“Big deal siya sa akin Sabrina! I’m your bestfriend for Christ sake! Ano ba naman ‘yung sabihin mo sa akin kung anong nangyayari sa buhay mo at hindi ‘yung masa-shock nalang ako dahil may boyfriend ka ng hindi ko man lang nakikilala! Shit lang huh! May itinatago ka pa ba sa akin?”

“Wala na, wala na akong sekreto sa’yo ‘yun lang.” amin ko.

“Sure ka?” tumago ako. “Okay, tell me about that boyfriend of yours.Ano kasing HOT and GWAPO ba siya ni Khen?” nakangiting tumango ako. “Fine kung ganoon, pero hindi pa rin magbabago ang gusto ko.Si Papa Khen pa rin ang gusto ko for you..”

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon