Part Twenty-Five
(Baliw Sa Kanya)
“Napakasinungaling mong kaibigan Sabrina!” salubong ni April sa ‘aki pagpasok ko ng umagang ‘yon.Galit na galit siya, nakakuyom ang dalawang palad niya sa gilid.
“Anong pinagsasabi mo diyan April?” nagtatakang tanong ko.
“Nakita ko kayo kahapon Sabrina! Kaya ‘wag ka ng magka-ila! Akala ko kaibigan kita, akala ko tapat ka pero hindi pala! Pinag-mukha mo akong tanga, siguro kapag mag-isa ka lang pinagtatawanan mo ako dahil sa katangahan ko o kaya naman gusto mo lang akong paasahin dahil sa huli nasa ‘iyo pa rin siya!” sabi niya.
“April pwede bang paki-explain sa ‘akin kung anong pinagpuputok ng butshi mo diyan.Bcoz’ honestly, hindi kita maintindihan..hindi ko ma-gets kong bakit mo ako pinagbibintangan ng ganya.” Malumanay kong sabi.
Ayaw kong manghula, pero may kung ano sa isip ko na may ideya na ako sa kinakagagalit niya.Tinawag niya akong sinungaling at hindi tapat na kaibigan.That’s the worst thing na masasabi mo sa isang kaibigan.It will definitely can break a heart gaya ng unti-unti kong nararamdaman ngayon.
“Ikaw ang tinutukoy mong girlfriend ni Luis diba?” she said it finally.My heart skip a bit, may lamig sa boses niya habang sinasabi ‘yon.Ang lami ni April, hindi ko maramdaman ang April na ilang taon kung naging kaibigan. “I saw you yesterday Sab! Nakita ko kayong nag-usap dahil sinundan kita hanggang sa makarating ka sa kabilang kanto.Sumakay ka sa motor niya then…he kiss you!” akusa niya.
“April please hayaan mo akong ipaliwanag kung bakit di ko sinabi sayo ang lahat..” I try to hold her hand, pero pumiksi siya. “Plano ko naman talagang sabihin sa’yo na siya ang boyfriend ko pero hindi ba? Noong una mo siyang nakita nagkagusto ka agad sa kanya..”
Mas lalo ata siyang nainis doon. “Pero kahit na! Bestfriend mo ako Sabrina, dapat kahit nagkaroon ako agad ng gusto sa kanya dapat sinabi mo pa rin.Nang sa ganoon hindi lumalala ‘tong pagkakagusto ko sa kanya.This is all your fault Sabrina, napakasinungaling mo kasi eh!”
“Hindi ako sinungaling April alam mo ‘yan…nag-alinlangan lang ako.I know my kasalanan ako pero wala kang karapatang sabihing sinungaling ako at pinagmukha kitang tanga.Hinding-hindi ko ‘yon magagawa April…” Ani ko.
“Nag-alinlangan man o hindi parehas lang ‘yon Sab.Itinago mo pa rin sa ‘akin,hindi mo pa rin sinabi agad.Araw-araw kong sinasabi ko sa’yo kung paano ako unti-unting nagkakagusto sa kanya.Araw-araw mong naririnig kong paano ko siya gustong-gustong Makita…hindi mo ba naisip sa mga araw na lumilipas maaring ma-inlove na ako sa kanya?”
Parang nawalan ako ng hiniga.Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Inlove na siya kay Luis? “April..” bigkas ko.
“Oo Sab, inlove na ako kay Luis…inlove na ako sa boyfriend mo.” Ilang minute kaming nagkatitigan walang ni isa sa aming gustong bumitaw sa titig.Kitang-kita ko sa mga mata niya na walang halong kasungalingan ang lahat ng inamin niya.

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina