Matuling lumipas ang araw.Magdadalawang linggo ko ng di nakikita si Luis.Kasabay nun ang hindi masyadong pagpapansinan ni Ate.Sa tuwing lalapit sya sa akin wala sa sariling lumalayo ako.Kapag oras ng pagtulog hindi na ako tumatabi sa kanya.Doon ako natutulog sa katabing kama.
Alam kung napapansin nya ang paglayo at pag-iwas ko sa kanya.Gustuhin man nyang magtanong hindi na nalang nya tinutuloy.Hinahayaan nya nalang akong magsalita kung kailan ko na gusto.
"Patingin nga ng grades mo Sabrina." sabay hablot ni April sa class card na hawak ko.
"Hala! Ba't bumababa ang mga grades mo?" tsk.. yun ang problema ko ngayon halos lahat ng grades ko sa mga subject bumababa.For sure mawawala ako sa top 10 dahil dito!
Nakakainis kasi eh! Masyado akong distructed sa mga nangyayari sa buhay ko... pati pag-aaral ko naapektuhan.Palagi akong puyat sa kakaisip sa kanya.Hindi ko magawang mag-focus sa pinag-aaralan ko dahil palagi syang sumusulpot sa isipan ko.Miss na miss ko na sya.
"Ewan ko, hindi ko alam..." sabi ko nalang para wag na syang mag-usisa pa.
"Anong hindi mo alam? Ikaw ha, nakakapagtaka ka na.Noong isang linggo may sinabi ka sa aking hinxi ko maintindihan.Tapos minsan palagi kitang nakikitang tulala at maraming iniisip...tapos ngayon halos lahat ng grades mo bumababa! Ano ba talaga ang problema mo bestfriend! Pressure ka ba dahil malapit na ang entrance natin sa USEP?!" ang haba ng sinabi ni April.Pero isa lang natandaan ko sa mga sinabi nyang yun.Hindi pwedeng maging ganito palagi...baka hindi ko mapasa ang entrance exam sa university na gusto kong pasukan.
Sinubukan kong pumikit.Gusto ko munang mag-isip at kahit ilang minuto mawala sa isip ko si Luis.Fail...pagkapikit na pagkapikit ko palang sya na agad ang rumihestro sa isip ko.Yung mukha nya ng huli ko syang nakita...wet look.Looking sexy as ever...
Pagkatapos ng klase ko umuwi ako agad.Kahit may natanggap akong text na galing kay ate na sabay saw kaming umuwi dahil wala silang Prof sa last subject hindi ko nalang pinansin.
Pagdating ko sa bahay walang tao.Alas tres palang ng hapon, asan kaya si Mama?Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagbihis.Gusto kong lumabas ngayon.Gustong kumain ng ice cream at wag hayaan ang sarili kong magmukmok dito.
Pagkatapos kung magbihis sumakay ako ng trycicle papunta sa pinakamalapit na convinience store dito sa amin.
"Sabrina!" lumingon ako.Nakita ko si Colline, kababata ko at pinsang-buo ni Luis.
"Colline ikaw pala..." sabi ko ng makalapit sa kanya.Ilang buwan na rin ng huli kaming nagkita ni Colline.Ang huling pagkikita namin noong sinabi nya sa aking di na sya makakapag-fourth year dahil nabuntis sya ni Vince boyfriend nya. "Anong ginagawa mo dito akala ko hindi ka pinapayagan ng Mama mong lumabas ng bahay?" napansin ko na-flat na ang tiyan nya,malamang nakapangak na sya.
"Hindi nga! Pero inutusan kasi ako ni Ante Lily na dalhin ang mga ito sa bahay ni kuya Luis eh.Since wala naman si Mama dito pumayag na rin ako! Sayang din yung perang ibinigay ni Auntie pandagdag na rin yun sa gastusin ni VJ..."
Luis...narinig ko naman ang pangalan nya.
"Hmmm...Colline ngayon mo ihahatid ang mga yan?" tukoy ko doon sa grocery na bitbit-bitbit nya.
"Oo ngayon na, wala kasing pasok ngayon si Kuya Luis malamang mag-isa lang yun doon sa bahay nya.Isa pa baka wala ng makain yun bukas kung hindi ko ito ihahatid ngayon..." sabay tawa ni Colline.Tumawa din ako ng pilit, may ideyang lumilitaw sa isip ko...
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomantikHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)