BABALA: This is the SECOND BS scene in the story.Kung ayaw magbasa ng ganoon, pwede-pwedeng lagpasan.
*HAPPY NEW YEAR GUYZ!*
---
Part Eighteen
“Pwede bang…bukas nalang ako umuwi?” nagbabakasakaling tanong ko.Nakita ko ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko.
Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan naming, wala ng kasunod pa noon.Nagbihis na siya agad sa kwarto niya, naka-unifprm pa kasi siya eh.Ako naman naka-upo lang sa isang single couch at tahimik na nag-aantay hanggang matapos siya sa pagbibihis.Ngayon magkatabi na kami sa mahabang sofa.Magkahawak-kamay kaming nakatingin nlang sa television.
“Sabrina…kailangan mong umuwi ngayon.Ihahatid kita mamaya sa inyo.” Sabi niya sa akin.Napasimangot tuloy ako, bakit hindi pwedeng magpabukas dito? Gusto lang naman siyang makasama eh! I know sounded despirate but hey I’m his girlfriend now.Isa pa, may nangyari na kaya sa amin. I pout. “Hahanapin ka sa inyo, isa pa…I don’t want you here…in my house alone..lalo na ngayong tayo na..” nagbuga siya ng malalim na hininga.
“Why?” maikling tanong ko.I don’t get his point, akala ko ba sasaya siya kong nandito ako.
“Aish! Sabrina, lalaki ako at may nangyari na sa atin noon.Mahal kita at higit sa lahat pag-aari na kita ngayon.Hindi mo ba naiisip ma matukso akong galawin ka ulit kapag dito ka nagpalipas ng gabi?” tumayo siya at ginulo ang buhok na para bang hirap na hirap siya.Napaawang ang labi ko, his cute when he does like that. “Napakalaki mong tukso sa akin Sab, kaya pilit kong pinipigilan ang sarili kong ‘wag bumigay.Dahil ayaw ko ng may mangyari sa atin ng hindi ka pa handa.Yun ang pangako ko sa sarili ko simula ng maging tayo.”
Napatango ako. “Okay, uuwi ako ngayon..” tumayo ako at akmang bubuksan ang pinto ng pigilan niya ako.
“Teka lang, ihahatid na kita kukunin ko lang ang susi ng motor ko.” Tumango ako.Tumalikod siya at muling pumasok sa kwarto niya.
Naka-leader black jacket na siya ng muling lumabas.Bagay na bagay ‘yon sa kanya, na pinalooban ng putting kamison.Umiwas ako ng tingin, hindi ko kasi mapigilang mag-kulay green ang utak kong mas matagal ko pa siyang tinitigan eh. “Tara na..” sabay hawak sa isang kamay ko.Siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Inalalayan niya akong makasakay sa motorsiklo bago siya sumakay.Agad naman akong kumapit sa kanya.Ilang sandal pa’t binabagtas na naming ang daan papunta sa amin. “May curfew ka ba?” tanong niya/

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina