Part Forty-Five
(Baliw Sa Kanya)
--
Sabrina’s POV
Tahimik kong pinupunasan ang buong katawan ni Luis.Hinubad ko ang saplot niya sa katawan, mula sa pang-itaas kasama na ang maong niyang ‘di ko alam kung pinapalitan pa ba niya.I was crying the whole time, his lose so much weight. Kitang-kita ‘yon sa mukha pa lang niya kahit natatakpan ito ng kunting balbas.
Halatang pagod at puyat siya, malalim rin ang eye bags niya.Pinahiran ko ang luha ko at nagpatuloy sa paglilinis sa katawan niya.I miss him, I miss his face, his touch, his kiss…pati na rin ‘yong mga gabing palagi naming pinagsasaluhan.Hindi ko tuloy mapigilang sisihin ang sarili ko.Kung hindi sana ako masyadong nagtiwala ‘kay Race—hindi sana nangyari ‘to.
“Hmm..” umungol siya kaya natigilan ako sa ginagawa.I waited baka tuluyan na siyang magising.Ni-ready ko na rin ang ngiti ko at mahabang paliwanag ko. “Hmmm…Sabrina..” kinabahan ako ng marinig kong tinawag niya ang pangaln ko.Pati pala ‘yon na-miss ko…
Pero nabigo lang ako kasi bumalik ulit siya sa mahimbing niyang pagtulog.I think his dreaming of me.Napangiti ako doon kasabay ng muling pagbagsak ng masaganang luha sa mata ko. “Luis…miss na miss kita…gumising ka na please, gusto ko ng magpaliwanag sa’yo..” marahan kong hinaplos ang mukha niya.Ang gwapo talaga niya, walang pinagbago mula sa Luis na kinabaliwan ko noon.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa katawan niya, lalong lalo na sa dibdib niya.Matipunong dibdib niya…napalunok ako at umiwas ng tingin.Sh*t! Ibang klaseng epekto talaga ng isang Luis Antonio Ramirez sa buong sistema ko.
Pagkatapos ko siyang palitan ng damit sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Savannah.Karga-karga pa niya sa mga bisig niya si baby LJ na ngayon ay himbing na himbing gaya ng ama.
“Hindi pa ba ‘yan nagigising?” tanong niya.
Umiiling-iling ako pagkatapos kung kunin sa kanya si LJ.Tapos ko ng naipaliwag sa kanilang lahat ang nangyari.At lahat sila galit nag alit ‘kay Race, especially ang Mama ni Luis.Hindi na raw siya nagtaka na magagawa ito ni Race. Just like his mother na pilit inaagaw ang Papa ni Luis mula sa Mama ni Luis.Hindi naman nila kayang paalisin sa buhay nila ang mga ito.Parti na rin kasi ito ng buhay nila, at malulungkot ang Papa ni Luis kaya nawala ito sa kanya.
Si Harry naman pinapahanap na sa mga kasamahan niya si Race.Nagkaliwanagan na rin kami, napasalamatan ko na rin siya sa ginawa niyang pagligtas sa’min ni Baby LJ.Sabi niya, oblogasyon niya ‘yon bilang best buddy and partner ni Luis.
“Hindi pa nga eh, tulog mantika.Napunasan at nabihisan ko na lahat, pero ayaw pa ring magising.” Sabi ko sabay sulyap sa natutulog na si Luis.
Tumabi sa’kin si Ate at hinawakan ang braso ko.Sabay naming tinitigan si Luis. “Alam mo bunso, noong nawala ka halos mabaliw ‘yan sa kakahanap sa’yo.Buong araw hinahanap kayo at sa gabi naman naglalasing.Hindi nga namin maiwan dito dahil baka magpatiwakal dahil hindi ka mahanap eh.” Tumawa pa si Ate. “Kaya karapatan niyang magpahinga ngayon.Nakaka-awa kasi mukhang sumusuko na ‘yong buong katawan niya pero ang puso’t isip niya ayaw pa rin…Ganoon ka niya kamahal..”
Pagkatapos ng ilang saglit ay umalis rin si Ate.Kaya muli akong naiwan kasama ng tulog na tulog kong mag-ama.Tama nga ako, hindi siya tumigil sa paghahanap sa’kin.Yun nga lang si Harry ang nakahanap sa’min.Mas Masaya sana ‘yon kong siya, pero ganoon pa man nagpapasalamat pa rin akong nahanap kami at naibalik sa totoong nangmamay-ari sa’min.
“Hmmm..” mula siyang umungol kasabay ng pagbukas ng mga mata niya sa wakas!
Nagmata ang mga mata namin, gulat agad ang rumihestro sa kanya.His lips parted, gusto kong matawa sa reaksyon niya.Pero mas nanaig ang ka-gustuhan kong mayakap siya at mahalikan siya ulit.He looks so damn hot with his lips apart!
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)