Part Twenty-Six

10.1K 145 8
                                    

Part Twenty-Six

(Baliw Sa Kanya)

Luis P.O.V.

“Luis, aalis ka na?”

Alas-diyes na ng gabi na ng nagpaalam ako kina Kuya Harold.Sila nandoon pa rin, hindi daw sila uuwi hanggang hindi nauubos ang lahat ng biniling alak ni Kuya.Nagpasya akong umuwi dahil may maaga kaming operasyon bukas.Pero bago ako umuwi, nagpasya akong puntahan muna si Sabrina.Hindi ‘ata ako makakatulog kung hindi ko man lang siya masulyapan ngayon.

Lumingon ako, hindi ko namalayang nakasunod pala siya sa akin.Simpleng tumango ako, at ngumiti ng mapakla. “Teka sure ka bang kaya mo na? Baka ma-desgrasya ka dahil naka-inom ka..” may himig ng pag-alala sa boses niya.

Napa-smirked ako. “Nah, nahimasmasan na ako kanina kaya okay na ako.” Sumakay ako sa motor ko, pina-andar ko ang gasoline.

Kamuntik na akong mapa-piksi ng maramdaman ko ang mainit na palad ni April sa isang braso ko. “Luis okay naman tayo hindi ba? Hindi ka naman siguro naiinis o naiirita sa presensya ko diba? Gusto mo naman siguro akong kaibigan diba?” Aniya.

Kumunot ang noo ko. “Oo naman mukhang mabait ka naman, kaya okay na okay tayo..” nakita kung ngumiti siya. “Bakit mo naman naitanong?”

Napa-buntong hininga siya at biglang lumingkot ang mukha niya. “Si Sabrina kasi..” kinabahan akong bigla.Bumilis ang tibok ng ltse kung puso ng marinig ko ang pangalan ng taong gustong-gusto ko ng Makita ngayon.

“A-anong si Sabrina?” nauutal kong sabi.

Tumingin muna siya sa mga mata ko bago nagsalitang muli. “Nalaman ko kasing mag-boyfriend kayo.Na-shock nga ako eh kasi di ko akalain na may boyfriend na pala siya.Naalala mo noong unang beses tayong nag-usap sa tindahan nila Ate Mimi? Hindi ba’t nakita niya tayo doon? “ napatango ako. “Pagkatapos nating mag-usap noon pakiramdaman ko lumamig ang turing niya sa’kin kaya kinausap ko siya kung anong problema.Ang sabi niya, wag na wag na daw akong lalapit sa’yo o makikipag-usap sa’yo.Ano bang problema niya Luis?Ganoon ba siya ka-selfish?Hindi naman kita aagawin sa kanya ah..”

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-awang ng labi ko.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni April.O hindi ako makapaniwala na kayang magsabi ng ganoon ni Sabrina.

Pagkatapos noon unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.Nabigla man ako, mas matindi ang pagkamangha ko at kasiyahan.Feeling ko, lumulundag sa saya ang puso ko.Hindi ko mawari kung bakit nasiyahan pa ako imbes na magalit kay Sabrina.

“Hey, wala ka ba man lang sasabihin? Hindi mo ba man lang sasawayin ang girlfriend mo?” mas lalong lumapad ang ngiti ko.

“Sige April, una na ako sa’yo pupuntahan ko pa kasi si Sabrina eh..” paalaman ko at tuluyan ko ng pinarorot ang motorsiklo ko.

--

Sabrina’s POV

Pabaling-baling ako ng hinga sa kama ako.Alas-onse ng ng gabi pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.Habang si Ate ang lakas na ng hilik sa kabilang kama! Kainis! Hindi mawala-wala sa isip ko ang pag-uusap namin noong isang araw ni April.

Dalawang-araw na niya akong di pinapansin mabuti naman ‘yon kasi hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Seriously, hindi ako malditang tao at hate na hate ko ang makipag-away pero masasabunutan ko talaga siya kung gagawin niya ang banta niya!

Bumangon ako at lumabas ng kwarto.Nagtimpla ako ng gatas sa kusina, baka makatulong ‘to para makatulog na ako.Habang naka-upo ako at nakatunganga sa kawalan hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano.Para akong baliw na ngingiti at tatawa dahil muling nagfa-flashback sa sarili ko ang mga nangyari noon sa amin ni Luis.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon