Part Nine
“Sab, kakain kami at manunod ng movie sa Mall pagkatapos ng practice.Libre ni Khen, since hindi sya nag-imbita kahapon sa birthday nya.So ano sama ka?” nilapitan ako ni April habang nagbi-break kami.
“Birthday nya kahapon?” tanong ko.Tumango si April, tumingin ako sa direksyon ni Khen.Nakita ko syang kausap si Rylie sa baba.Nakahulipkip sya at matamtamang nakikinig dito.
“Oo, hindi mo ba tanda?” umiling-iling ako.Dahil sa okyupado masyado ang isip ni Luis.Pati importanteng buhay sa araw ni Khen nakalimutan ko.Dati naming ako ang una-unang nakaka-alala ng birthday nya dahil isa sya sa mga pinaka-close kong kaibigan.Nagi0guilty tuloy ako.Dapat siguro akong bumawi sa kanya…
“Sure sama ako…” tumango ako.Muli akong tumingin kay Khen.Nakatingin rin sya sa akin.Ngumiti sya kaya nginitian ko rin sya.
After ng practice nagtipon-tipon kami sa gate ng mga kasamahan ko.Hinihintay naming ang van nila Khen na maghahatid sa amin sa Mall.May kaya talaga ang pamilya ni Khen.Isang hapong business ang papa nya at ang mama nya naman ay isang Propesora sa unibersidad malapit sa amin.
Pagkatapos ng ilang minute.Isang putting van ang pumarda sa harap naming.Nagsipasukan na sila lahat. “Tabi tayo April..” sabi ko.
“Ha? Doon ka nalang sa harap katabi ni Khen.Puno na kami dito sa likod oh..” sabi nya.
“Oo nga Sab.Doon ka nalang sa harap tabihan mo si Khen since nag-iisa sya doon oh! Sanay naman kayong magtabi palagi diba?” segunda pa ng isang kasama namin.
Napakamot ako ng ulo.Wala akong nagawa kundi pumunta sa harap.Kumatok ako sa bintana para makuha ang atensyon ni Khen na busy sa pagte-text.
Binuksan naman nya ang pintuan ng sasakyan. “Dito nalang daw ako, wala na kasing bakante sa likod eh.” Nahihiyang sabi ko sa kanya.
Lumiwanag ang mukha nya. “Okay! ‘yun lang pala eh..” umisog sya ng kunti para makaupo ako.
Habang nasa byahe kami ang iingay ng mga kasama namin.Habang kami dalawa ay tahimik lang katulad ng driver nila.Tumikhim ako ng dalawang beses, gusto ko syang batiin. “Belated happy birthday pala..”
“Naalala mo pala na birthday ko..” may saying bigkas nya.
“Ahh hindi---sinabi kasi ni April kanina eh.Sorry, hindi kita nabati kahapon n-nakalimutan ko kasi eh.” Nagkatinginan kami. Kitang-kita kong unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya, nawala ang kislap ng mga mata nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/9856801-288-k201241.jpg)
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina