Epilogue
(Baliw Sa Kanya)
--
Sabrina’s POV
Isang malakas na ingay ang nagpagising sa mahimbing kong tulog ng umagang ‘yon.Gusto ko pa sanang matulog ulit, pero hindi na ako pinayagan ng kaba na bumalot sa dibdib ko.Iminulat ko ang mata ko at dali-daling tumayo.Maagang umalis kaninang medaling araw si Luis dahil sa emergency operation nila.
Mahirap maging asawa ng isang Police, kabado ka palagi.Hindi ka mapakali dahil alam mong araw-araw nasa kapahamakan ang buhay ng mahal mo.Lalo na nong mas tumaas ang ranggo niya, mas dumami rin ang responsibilidad niya at nabawasan ang oras niya sa’min mag-ina niya.
Pero magkaganoon man, Masaya pa rin ako para sa kanya.Hindi kasi siya nagkukulang sa’min ng anak niya.He makes sure, kahit sa dami ng trabahong naka-atang sa kanya kami pa rin ni LJ ang prayoridad niya.Kaya siguro kahit ilang taon na kaming magkasama.Hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya.His the best father and best husband for me and for our child.
Hindi ako nagsisising siya ang pinili ko at minahal ko.
“James! Louis James Ramirez, where are you?!” mas lalong lumakas ang tunong na ‘yon habang palapit ako ng palapit sa garahe namin.
I was nineteen then ng magpakasal kami.It was a simple wedding, walang masyadong bisita at hindi magarbo ang handaan.Tanging malapit na mga kaibigan at kamag-anak lang ang nandoon.Pero sapat na ‘yo para maging Masaya at kontinto ako sa kasal na ibinigay niya sa’kin.Fairytale wedding na ‘yon para sa’kin dahil alam kong sa dulo ng altar siya ang nandoon.Ang lalaking pinangarap kong makasama hanggang sa bawian ako ng hininga.
“Jame, ‘wag mong hintaying magbilang ako ng tatlo.Patay ka talaga sa’kin kapag nakita kita..” muling sigaw ko.
“Mommy! Mommy!”
Napapikit nalang ako ng sa wakas ay Makita ko na rin siya.Gaya ng inaasahan ko, nanggaling nga sa motorsiklo ng Daddy niya ang ingay na ‘yon—at sakay-sakay siya ng motorsiklo ng Daddy niya! Agad napalitan ng inis ang kaba ko.His five years old now, at kaya-kayang na niyang patakbuhin ng mag-isa ang motorsiklo ng Daddy niya.Maaga kasi siyang tinuruan ni Luis.Pagkatapos niyang matotoong magbisiklita, motor agad ang ina-aral niya.
Lumapit ako sa kanya, inakay ko siya pababa sa motorsiklo na ‘yon.Matangkad na bata si James, sa murang edad niya kayang-kaya na niyang dalhin ang lumang motorsiklo ng Daddy niya.Dalawa kasi ang motorsiklo ni Luis.Ang malaki ay ang gamit-gamit niya, ang maliit naman ay naka-tambak lang sa bahay.Yon ang palaging pinagpa-praktisan ni James.
“Ilang ulit ko bang pinapa-alala sa’yo na hindi mo pwedeng paandarin ang motor ng Daddy mo?! Ang bata-bata mo pa anak! Masyadong pang malaki sa’yon ‘yon, baka madisgrasya ka lang ng dahil sa motor na ‘yon!”

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina