Araw ng sabado ngayun at walang pasok syempre.Pero pupunta pa rin ako ng school.Sa kadahilanang may theater practice kami.’yun kasi ang kinabibilangan kung club sa school.
Wala naman talaga akong hilig sa pag-arte.Ang besfriend ko lang na si April ang pursigidong pumasok dito, at pinilit nya lang ako para daw may kasama sya palagi.
Hindi ko nga alam kung bakit simula ng pumasok ako sa theater club.Ako na palagi ang binibigyan ni Miss Mai ng lead role.Ang sabi ni April sadyang magaling lang daw akong umarte kaya ganoon.
“Sab saan ang punta mo? Gusto mo hatid na kta?” –si Alex, isa sa dating manliligaw ni Ate Sav.
“Ahh ‘wag na Kuya Lex baka maabala pa kita eh…” pagtanggi ko.Ayaw ko talaga kasing maging malapit kahit na sinong lalaki eh.Bukod sa kan—I mean bukod sa Papa ko.
“Sus ito naman napakamahiyain mo talaga kahit kailan.Sige hated na kita, total may dala naman akong motorsiklo.Madali lang kitang maiihatid kung saan ka man pupunta…” nakangising wika nya.
Umiling-iling lang ako.Nakakahiya kasi, isa pa kilala ko sya.Isa sya sa mga kabataang lalaki sa amin na nasasangkot dahil sa paggamit ng illegal na gamut.
“Salamat nalang kuya pero…malapit lang naman ang sakayan ng jeep dito eh.Doon nalang ako sasakay..”
“Bakit ka naman magji-jeep, andito naman ako para ihatid ka.Kung sasakay ka sa akin, mas madali kang makakarating kung saan ka man pupunta.Wala ka pang gastos sa pamasahe…” pilit nya sa akin.
Kinakabutan akong bigla sa uri ng ngising sumisilay sa mga labi nya.Ayaw kung mag-isip ng masama sa intension nya, pero hindi ko mapigilan.Ang alam ko may kunting galit sya sa ate ko dahil benasted sya nito.
“Wag nalang talaga kuya, okay lang naman ako eh.Binigyan naman ako ni Mama ng perang pamasahe eh..”
“Per—“
“Nang gugulo ka na naman ba ng mga babe dito huh Cordova?!” Si Luis!
“Hindi…hindi Kuya Luis! Hindi ko naman ginugulo si Sabrina eh.Tinatanong ko lang kung gusto nyang magpahatid..” dama ko ang takot sa boses ni Kuya Alex.
Sinu ba naman kasi ang hindi matatakot sa kanya? Isa sya sa mga siga na nagtatanggol ng mga napapahamak na babae dito sa amin.Si Chief Antonia Dela Merced ang Papa nya, ay ang chief of Police dito sa amin.
“At bakit mo naman gusting ihatid si Sabrina, nanliligaw ka bas a kanya?”
Nabigla ako sa direktang tanong ni Luis.Nanliligaw? Hindi ko maimagine ang sarili kong mapapaligaw kay kuya Alex.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina