Part Thirty-Five

11.1K 160 12
                                        

Part Thirty-Five

(Baliw Sa Kanya)

-

This is my eight month pregnancy.Masasabi kong okay naman ang lahat, syempre nasa tabi ko si Luis no! Nandito na ako sa bahay niya nakatira, pero hindi doon sa unang apartment niya kung saan niya ako dinala ng muli kaming magkita.Nakatira kami sa isang maliit at komportableng bahay malapit kina Lola Melba.

Maayos naman ang trabaho niya dito, bilang bagong membro ng Police Team ng baranggay namin.Sinabi niya rin ang totoo, pinilit niya ang Papa niyang i-assign siya dito para masubaybayan ako.Mabuti nalang walang problema sila Lola at mga kapamilya sa kanya.Botong-boto sila ‘kay Luis kahit noong unang pagkikita pa lang nila dito.

Ewan ko ba, parang ayaw ko ng umuwi sa’min.Gusto kong dumito na at dito na palakihin ang anak ko, ang anak namin ni Luis.Iniisip ko na rin na magpatuloy sa pag-aaral kapag makapanganak na ako hindi ko pa nga lang nasasabi ‘kay Luis ang plano ko.Masyado pa akong Masaya at lutang sa nagyayari sa buhay namin ngayon.Tama nga ang sabi nila, Life is perfect when you’re with someone you love the most.

“Teka dahan-dahan lang baka mabinat ka na naman niyan eh.Hindi na naman ako makakapasok sa trabaho..” I rolled my eyes on him.Umagang-umaga ngayon at ini-exercise ko ang sarili ko para paghahanda panganganak ko.At ang asawa—I mean si Luis pa overprotective sa bawat ng kilos ko.Kahit sa pagtayo at pag-upo ko inaalalayan ko.Nakaka-irita kung minsan, pero nakakakilig naman palagi.

“Hindi ka nakakapasok sa trabaho kasi gusto mo talagang di pumasok! H’wag mo ako gawing dahilan diyan..” inis na sabi ko, inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagligpit ng pinggan.

Alas-syete na ng umaga at alas-otso ang pasok niya.Umaga akong gumigising kasi gusto kong pagsilbihan kasi ito lang naman ang gusto kong gawin sa buong araw.Pero dahil masyado siyang protectice, pati ito pinagdadamot pa niya! Hmp!

Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Tama na nga ‘yan baby, ako na ang gagawa niyan.Hindi kita ibinahay para gawing katulong ko o maid ko.You’re here bcoz’ I need you here, bcoz’ I can’t live without you in my life.” Puno ng lambing niyang sabi.Kinuha niya sa’kin ang mga plato siya mismo ang naglagay nito sa lababo bago niya ako hinarap sa kanya.He cupped my chin to face his gazed.

Napakagat-labi ako habang nakatingin derekta sa kanya.Ang gwapo talaga niya at ang bango niya lalo na ngayong bagong ligo siya.Ang sarap-sarap niyang yakapin nalang buong araw at ‘wag ng kumawala sa mga bisig niya!

“A-alam ko naman ‘yon Luis eh, pero gusto kitang pagsilbihan.Ito na nga ang nagagawa ko sa’yo dahlis halos lahat ng Gawain dito sa bahay ikaw na ang gumagawa.Pati paglilinis at paglalaba, hayaan mo naman ako ipagluto ka tuwing umaga at saka tuwing gabi.Para naman akong walang silbi dito kung pati yun ikaw pa ang gagawa.” Sabi ko.

“Alangan naman ikaw ang paglinisin at paglabahan ko eh buntis ka nga?! Nahihirapan ka ngang dalhin ang katawan mo eh.” Hinampas ko siya sa braso.

“Hindi ako mataba, buntis lang ako kaya ganoon!” Ani ko.

“Teka nga lang, may sinabi ba akong mataba ka babe? Ang sexy-sexy mo nga eh, mas sexy ka pa ngayon kesa noon.Buntisin kaya kita kada-taon babe para forever kang sexy?” tumawa siya.

“Eh kung ikaw kaya ang magbuntis Luis ng sa ganoon malaman ko kung ano ang dinadanas kung hirap ngayon?” inis kong sabi.

“Ito naman syempre joke lang, kahit gusto kong gawin hindi naman pwede.Kailangan mo pa rin na mag-aral, hindi ba pangarap mong makapagtapos?” saglit akong natulala sa kanya.Seriously? sa kanya mismo nanggaling na gusto niyang mag-aral ako ulit!

“P-paya kang mag-aral ako ulit?”

“Bakit naman hindi? Bata ka pa babe, alam kung marami ka pang pangarap sa sarili mo at lalo na sa pamilya.At hindi ko hahayaang mawala ang mga pangarap na ‘yon dahil nabuntis ka sa panganay natin.Hindi kita minahal at patuloy na minamahal para lang hadlangan ka sa lahat ng gusto mong gawin.Oo nga you’re trapped with me, but it doesn’t mean you’re not aloud to use your wings to fly.You can use it anytime you want, basta ba pagkatapos ng araw sa’kin at sa’kin ka pa rin uuwi.” Aniya.Gusto ko lang sabihin, I’m so lucky to have him as my guy.Hindi nagkamali ang puso ko ng ibigin ko si Luis, siya na perfect guy na pwedeng hilingin ng lahat.Tao rin siya at walang taong perfect, may mga malirin siya at kapintasan.Pero ang mga mali at kapintasan na ‘yon napupunan ng bawat galaw at sabihin niya na nagpaparamdam sa’kin kung gaano ako ka-espesyal.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon