Sampong taong gulang palang ako ng makilala ko sya.Halos lingo-linggo ko syang nakikitang tumatambay sa tindahan malapit kung saan ako nakatira.
Minsan nakikita ko syang naninigarilyo, habang kinakausap si Ate Mimi.O kaya si Ate Zarra, at iba pang mga magagandang babae sa lugar naming.
At kung minsan nakikita ko syang nakikipag-inuman sa mga tambay sa kanto.Naka-pantalon lang sya, walang saplot pang-itaas.
Halos kilala sya ng lahat sa amin.Ang tawag sa kanya ng mga kaedad ko ay Kuya Luis.Matulungin daw sya sa oras ng pangangailangan…pati sa problemang pera maasahan sya.
Sa kanya nga daw nangutang ng pera sina nanay at tatay para masuportahan ang pag-kokoleheyo ni Ate eh.Kaya nakatatak na sa isip at puso ko…isang katulad nya ang gusto ko maging boyfriend baling-araw.
May Kaya, habulin ng mga babae, gwapo at matipuno.Kaya sa limang taong agwat namin…hindi na napigila ng batang puso ko na ma-inlove sa kanya.
Baliw na nga ako sa kanya eh…
***
“Mang alis na po ako…” sigaw ko galling sa labas ng kwarto ni Mama at Papa.Pero parang walang narinig si Mama, kaya kumatok ako ulit at nagpaalam…pero wala pa rin.
Tanghali na kasi akong nagising kaya hindi ko na naabutan si Ate Savannah at Papa.Si Mama naman pagkatpos nya akong gisingin at ipaghanda ng pagkain bumalik sya agad sa kwarto.Nagtataka nga ako kong bakit eh…
“Ma pasok na po ako..” maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto, siguro nakatulog si Mama kaya hindi nya ako sinasagot.
Magsasalita na ulit ako ng bigla kong pinigil ang bibig ko.Syete ! Hindi pa pala nakaka-alis si Papa.Nasa kwarto pa sya, nasa ibabaw sya ng Mama ko to exact !
Kaya walang pagdadalawang-isip.I shut the door again…sabay hawak sa kumakabog kong dibdib.My parents are both naked, at nasa ibabaw ni Mama si Papa.16 years old na ako kaya hindi na ako clueless sa ginagawa nila.
Pumasok ako ng skwela at pilit na bineliwala ang nakita ko kanina.I try to ignore that scene in my mind…normal lang ‘yun bilang mag-asawa sila.At isa pa wala naman akong ibang naramdaman ng Makita ko yun eh.
Kaya natapos ang araw ko na wala na ‘yun sa isip ko.
Sinundo ako ni Ate sa school at sabay na kaming umuwi ng bahay.Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong.
Mas matanda ng dalawang taon si ate sa akin, kaya for sure mas maiintindihan nya ang nakita ko.
“Huwag mo ng intindihin ‘yun bunso.Ilang beses ko na ring nakitang nasa ganoong sitwasyon sina Mama at Papa.At isa normal lang ‘yun sa kanila.Mag-asawa sila eh…ang hindi normal kung mabuntis si Mama sa edad nya ngayon.hahaha!” sabi ni Ate Sav, sabay kaming natawa sa sinabi nya.
Oo nga naman…49 years old na ang Mama ko.Matanda na nga sya para masundan pa ako.
---
Hindi paman kami nakakarating ni Ate Sav sa kanto may namataan na kaming dalawang lalaking hinahabol ng mga baranggay tanod.Kapwa sila may sugat sa mukha, bugbog sarado.
“Tabi nga diyan!” hindi na ako nakailag dahil inulak nya ako agad.
“Ouch! Ang sakit ng puwet ko…” daing ko.
“Tarantado ‘yun ah! Okay ka lang ba bunso, may masakit ba sayo?” tanong ni Ate, pilit nya akong pinapatayo sa pagkaka-upo.
Masyadong malakas ang pagkatulak sa akin.Kaya damang-dama ko kung gaanu kasakit ang pagtama ng puwet ko sa seminto.
“Medyo masakit lang ‘yung bagsak ko ate…”
“Savannah anong nangyari sa kapatid mo?” may pamilyar na bulto ang lumapit sa direksyon namin.Pati boses nya pamilyar din…ito ‘yung boses na pinakikinggan ko.Kapag bumibili ako sa tindahan nila Ate Mimi.
“Natulak kasi sya ng isa sa mga lalaking tumatakbo kanina eh.Medyo malakas ang pagkaka-tumba nya.Hindi ko naman kayang kargahin si Sabrina, pwede bang patulong sa pagkarga sa kanya?” Syete! Ano daw?
“Sure, sige ba…walang problema basta para sayo.” Bago paman ako maka-angal magkalevel na kami, hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya.
Oh right, gwapo nga sya.Maganda ang mga mata nya, matangos ang ilong.At higit sa lahat…his lips is simply kissable.Aish! Ano ba ‘tong sinasabi ko?!
“A-ahm w-wag na Ate…k-kaya ko n-naman eh.” Syete. Halatang-halata sa pananalita ko na naapektuhan ako sa kanya.
“Anong kaya mo? Hindi mo nga kayang tumayong eh!”
“Tama ang Ate ang mo Sabrina.Halika tulungan na kita para maka-uwi na kayo sa inyo.Wag kang matakot sa akin hindi naman ako nangangaga eh..” then he smiled to me.
Bitbit nya ako hanggang sa makarating kami ng bahay.Hindi ko tuloy mapigilang mamula…ito kasi ang unang pagkakataong makalapit ako ng ganito kalapit sa kanya.
Ang bango nya…at ang linis-linis nya kahit simpleng kamisita lang ang suot nya.
“Ilang taon ka na ba Sabrina?”tanong nya.
“Ahm…16 na ako..” nahihiyang sagot ko. Alam kong mas matanda sya sa akin ng limang taon.Kaya siguro kahit may gusto ako sa kanya, pilit binubura.
Mas bagay sya sa ate ko, at halata naman sa kanya na may gusto sya kay Ate.Ewan ko nga lang kung may gusto si Ate Sav sa kanya…
“Malaki ka na pala, hindi kita palaging nakikita sa labas kaya hindi ko namamalayan dalaga ka na pala…”Mas lalo akong namula sa tinuran nya…dalaga na daw ako.Pwede na kaya kami?
“Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay eh.Mas gusto kong nasa loob lang.Nagbabasa ng libro o edi kaya nag-eenternet.” Tumango-tango sya at ngumiti na naman…
“Ang layo ng personality mo sa Ate Savannah mo.Pero mas gusto ko ‘yang mga katulad mo…dapat talaga sa mga babae nasa bahay lang.At hindi nakatambay sa labas na para bang palaging may inaabangan.” Syete! Gusto kong himatayin sa mga bisig nya ngayun din… “Oh andito nap ala tayo, paanu mauna na ako huh?” Pero pinaupo nya muna ako sa silya sa labas naming bago sya tuluyang nagpaalam.
Ngumiti sya muli sa kumindat kay Ate.Medyo nasaktan ako doon, hindi ko nalang pinahalata.Alam ko naman kong saan ako lulugar eh…at isa pa alam ko kung sinung mas babagay sa kanya.
Hindi ko lang talagang maiwasang mabaliw saglit kapag nasa malapit lang sya..
-----

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
Roman d'amourHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina