Part Thirty-Four

10.5K 185 24
                                        

Part Thirty-Four

(Baliw Sa Kanya)

-

Nauna siyang bumaba sa’kin sa sasakyan.Napapitlag ako ng pabagsak niyang isinirado ang pinto.Huminga ako ng malalim, pinagmasdan ko muna ang lugar kung nasaan ako ngayon bago tuluyang bumaba sa sasakyan.Saang parte ba ako ng Zamboangga? Hindi ako pamilyar sa lugar, malayo ito sa simpleng pamumuhay na kinatitirahan ko limang buwan ko dito.

Matataas na apartment ang maraming naka-tayo dito.Maraming pampubliko at pribadong bumabyahe sa paligid.At marami-rami din na mga maliliit na negosyong nakatayo sa paligid.

“Luis! Ang tagal mong nawala ahh?” isang maputi at sexy na babae ang sumalubong sa’min ni Luis ng kapwa kami makababa sa sasakyan.Nakaharap kami ngayon sa isang maganda at isa sa mga pinaka-mataas na apartment dito.

“Ikaw pala Jules, marami kasi akong inaasikaso nitong mga nakaraang-araw kaya hindi ako gaano nakaka-uwi dito.” Naka-ngiting sagot ni Luis.Nag-uusap sila na para bang wala ako sa tabi nila, hawak-hawak pa ng babae ang braso ni Luis.

Kung ganoon matagal nap ala siya dito? At may sariling apartment na rin siya! Mas lalong tumaas ang kilay ko ng kagatin ng babae ang ibabang labi niya at malanding tumitig ‘kay Luis.Oh God! Please bear with me, baka makasabunto ulit ako ng mga hipong umaaligid ‘kay Luis!

“Ah ganoon ba…akala ko di ka na uuwi eh, di mo na ako uuwian.Na-miss pa naman kita..” she huskily said.Napakagat-labi ako at napatingala nalang.Kung hindi lang talaga ako limang buwang buntis Jusko!

Narinig kung tumawa si Luis. “Ikaw talaga Jules, mapagbiro ka talaga.Syempre uuwi pa ako dito, hindi pa naman tapos ang trabaho ko dito eh..isa pa hindi ko pa tuluyang nakukuha ang kailangan ko dito.” Tumingin sa’kin si Luis, hindi naman ako nag-iwas ng tingin.I saw him smirked at me kaya inirapan ko siya. “Maybe, nakita ko na siya…pero hanggang wala pa talaga siya mga kamay ko hinding-hindi pa ako uuwi ng tuluyan.”

“Ano ba nga kasi ‘yang hinahanap mo? Grabe ha! Four months ka ng nandito pero hindi ka pa rin tapos diyan! Kaso ba ‘yan?” nalaglag ang panga ko sa sinabi ng babae, four months? Ganoon na siya katagal dito at dalawang beses pa lang siyang nagpapakita sa’kin?! “At sino na naman ‘tong kasama mo? Kapatid mo?” bumaling sa’kin ang babae bago tuluyang bumaba ang tingin sa malaking tiyan ko.

Umiling-iling si Luis pagkatapos hinila ako papalapit sa kanya…and again we are holding each other’s hands! Syete…pati yata paghawak niya sa kamay ko na-miss ko!

“Siya ba?” turo sa’kin ni Luis, pumiyok-piyok ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “Siya ang ina ng anak ko, at itong nasa sinapupunan niya ang magiging panganay na anak ko sa kanya.” Sabi ni Luis na sabay na ikinalaglag ng panga namin ng babae.Proud na proud kasi si Luis habang sinasabi ‘yon.Malaki ang ngiti nito sa labi habang hinihimas-himas ang tiyan ko.

Ako siguro nabigla dahil hindi ko inaasahang ‘yon ang sasabihin niya.At sa babaeng hipon na ‘to, may halong pagkadismaya dahil halata namang may gusto siya ‘kay Luis!

“Sige Jules pasok na kami..”

Malaki at malinis ang loob ng apartment ni Luis.Kumpleto ito sa gamit, katulad na katulad ng bahay niya. “Apat na buwan ka nap ala dito..” sabi ko.

“Oo Sabrina, apat na buwan na akong parang tanggang sinusubaybayan ka at nakikita kang masaya na sa buhay mo dito.Bakit Sabrina, bakit mo kailangan mong uamalis at iwan ako ng walang paalam? Nagkulang b ako sa ibinigay kung pagmamahal sa’yo? Sinuklian ko naman lahat ng nararamdaman mo sa’kin ah! Bakit hindi mo ipinaglaban sa magulang mo? Bakit mo piniling layuan ako at ilihim sa’kin ang pagbubuntis mo?” madiin at galit na sabi ni Luis.Ito na ba talaga ‘to? Ngayon na ba mangyayari ang kinatatkutan kong confrontation naming dalawa?

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon