Part Twenty-Nine

9.7K 139 9
                                        

Part Twenty-Nine

(Baliw Sa Kanya)

“Luis..Luis gising! Gising na dali!” niyuyog ko ng niyuyog ang balikat ni Luis pero tulog pa rin siya.Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras, dali-dali kong pinagpupulot ang mga damit ko para magbihis.

Pero sadyang may bagay talagang kahit anong pigil mo mangyayari’t mangyayari.Bumukas ang pinto, iniluwa ang mga gulat na gulat na mukha nila Mama, ate Savannah at Auntir Lorry.

“Sabrina!” si Mama.

“Luis!” si Auntie Lorry.

Sa lakas ng sigaw nilang dalawa tuluyang naalimpungatan si Luis sa tabi ko.Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya at ang unti-unting pag-awang ng labi niya.Yes Luis! We’re busted.Nasapo ko nalang ang mukha ko at hinintay ang sunod na sasabihin nila.

“My, anong ginagawa niyo dito?” ‘yan ang unang tanong niya sa Mommy niya.Nakita kong umiling-iling ito pagktapos tumingin kay Mama na ngayon hindi pa rin naka-recover sa subrang gulat.

Lumapit ako kay Mama. “Ma..” sabi ko.Ngunit isang napakalakas na sampal lang ang iginawad niya sa’kin.

“Hindi ka naming pinag-aral para maglandi lang Sabrina!” singhal niya sa’kin.Napahawak ako sa sinampal niyang pisngi.Alam mo mamaga ito, ang sakit-sakit.Pero mas masakit pa rin ‘yong nakikita kong dismiyadong mukha ni Mama sa’kin. “Isa lang ang paki-usap ko sa’yo noon Sabrina isa lang! Pero mas grabi itong ginawa mo sa’kin, hindi mo lang ako sinuway.Inalis mo pa lahat ng tiwala ko sa’yo!” akmang yayakin ko siya pero muli akong nakatanggap ng isang malakas na sampal kay Mama.

“M-ma sorry..sorry..” humihikbing sabi ko.Naramdaman ko ang bisig ni Luis na yumakap sakin mula sa likod.

“Tama na po ‘Nay nasasaktan na si—“

“At ikaw Luis! Ang laki ng tiwala ko sa’yo, akala ko ba si Savannah ang gusto mi tapos..tapos ano ‘tong kawalahiyaang pinagagawa niyo?” Turo niya sa amin ni Luis. “Ang bata-bata pa ng anak ko Luis! Ang bata-bata pa niya para utu-in mo ng ganito.Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko sa ginawa nyong ito? Kasalan ito sa diyos!” hestirya ni Mama.

“Mahal ko po Sabrina Nay Letty kaya nagawa po naman ito..mahal na mahal po naming ang isa’t-isa..”

“Mahal? Kung mahal mo ang anak ko dapat hindi mo ti-take advante ang kabataan niya.Sana naghintay kang magmature at makapagtapos siya ng pag-aaral!”

“Pananagutan ko naman po—“

“Wala akong paki-alam kung pananagutan mo siya o hindi! Bata pa ang anak ko Luis at dapat sa batang katulad niya ay nag-aaral pa ito hindi nakikipagrelasyon! At higit sa lahat…hindi gumagawa ng mga bagay na gawin lang ng isang mag-asawa!” hinigit niya ako mula sa bisig ni Luis. “Umuwi na tayo Sabrina, alam mo na siguro kung anong kahinatnan mo sa ginawa mong ito.”

“Mare..” tawag ni Auntie Lorry kay Mama. “Pwede naman nating ‘tong pag-usapan diba? Nagmamahalan ang mga bata.”

“Hindi mahal ng anak mo ang anak ko Loreta.Kung mahal niya ito, dapat naghintay siya at ginalang niya kami ni Salvador.” Kinaladkad na ako ni Mama palabas ng bahay. “Tayo na Savannah!” sigaw niya kay Ate.

Nakita ko pa si Luis na nagmamadaling tumakbo sa’min.Nakasuot na siya ng damit, pero itinulak na ako ni Mama papasok ng tricycle.

Pag-uwi namin sa bahay nahahapong umupo si Mama.Lumuhod ako sa harapan niya, pilit kong pinupunasan ang luhang bumabagsak sa mga mata niya. “Ma sorry..” sabi ko.

Lumuluhang hinarap niya ako. Sa mahinang boses nagsalita siya. “Ayaw muna kita Sabrina hanggang hindi nawawala ang galit sa puso ko sayo.” Nabigla ako sa sinabi niya.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon