Part Six

15.4K 187 9
                                        

*buzz*buzz*

 Nakita kung tumunog ang cellphone, kaya dali-dali ko itong kinuha.May text galling kay Luis, papunta raw ito sa’min gaya ng pinag-usapan namin.Hindi tuloy mapigilan ng puso kong ma-excite—makikita ko na naman sya, magkikita na naman kami.’Yun ang pabalik-balik na rumihestro sa isip ko.

“May sakit ka ba bunso?” tanong ni Ate.Kagagaling nya lang mula sa sala kung nasaan ang b-boyfriend nya.Yun kasi ang pakikilala ng gwapong lalaking naghatid kay kanina eh.Nakaka-gulat nga at hindi binara ng ate ko—ibig sabihin sila nga Ate Sav ko.

“H-huh?Wala..wala akong sakit, bakit mo naman nasabi ‘yun?”

“Ang pula mo kasi eh! Akala ko tuloy nilalaganat ka…teka nga kung wala kang sakit bakit parang kamatis sa pula ‘yang mukha mo huh?” nagdududang taong nya, napalunok tuly ako.Umiwas ako ng tingin, bakit ba hindi marunong magsinungaling ng reaksyon ko?Bakit hindi sya pwedeng itago nalang para ako lang ang makaka-alam. “Sabihin mo nga kinikilig ka noh! Bakit nagtext na ba sayo si Luis?”

“Alam mo Ate nakakainis ka! Bakit mo sinabing nasira ang cellphone, tapos ibinigay mo pa sa kanya ang number ko!” himutok ko…

“Sus! Nakakainis daw, ang sabihin mo Masaya ka dahil sa ginawa ko.Sabi ko naman sayo hindi ba, Luis is not my type.Ikaw ang may gusto sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para mapasayo sya.” Tinalikuran nya ako, uminom sya ang tubig sa ref.Pagkatapos nyang uminom humarap muli sya sakin. “So, nagtext nga si Luis kaya ka nagbu-blush ng bongang-bongga jan!” Ininguso nya ang cellphone na mahigpit kong hawak.

“O-oo…” mahinang sabi ko, bago yumuko.

“Anong sabi?!” She sounds excited than me, deep inside lang kasi ‘yung excitement ko kaya hindi masyadong obvious just like her.

“P-papunta daw sya dito..”

“Bakit sya pupunta dito?” tanong nya ulit.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon