Part Forty-Two
(Baliw Sa Kanya)
--
Sabrina’s Pov
Malakas kong itinulak si Race at ginawaran ng sampal.Gamit ang braso ko pinahiran ko ang labing hinalikan niya, ang labing sa tingin ko ang dumi-dumi na dahil sa halik niya!
Tiningnan ko siya ng masama at bahagyang inilayo ang sarili ko sa kanya.Sising –sisi ako kung bakit ko siya nagawang pagkatiwalaan.
“W-wala kang karaptan na halikan ako!” sabi ko.
Nakita ko ang bahagyang pagluwag ng kanyang ngiti.Ang saya-saya ng mukha niya na para bang wala siyang ginawang mali sa’kin.Ang bait ng mukha niya.Pero ngayon alam ko sa likod ng mabait ng ngiti na ‘yan.Nagtatago ang isang inggiterong demonyo!
Bahagya siyang yumuko at abutin ang baba ko. “Hindi mo ba ako narinig Sabrina?” sabi niya. “Akin ka na ngayon, akin na kayo ng anak mo kaya magagawa ko na ang gusto kong gawin sayo simula ngayon!” kinalabutan ako bigla.
Umiling ako. “Hindi! Walang nagmamay-ari sa’min ng anak kundi si Luis lang!” sigaw ko rin sa kanya.
“Luis? Yung gagong Luis na naman?! Ano bang meron sa gagong ‘yong kung bakit nasa kanya ang lahat ng gusto ko?! Ha bakit?!” niyugyog niya ang katawan ko. “Mula sa pesteng ama niya na walang ginawa kundi pasakitan ang Mama ko.Hanggang sa punyetang ina niya na ang turing sa’min mag-ina ay basura at hanggang sa pinaglalaking mong Luis na umagaw sa buhay na dapat sa’kin!”
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. “I’m sorry kung ganyan ang buhay mo…pero naniniwala akong di kasalanan ni Luis kung ganyan ka mesirable ang buhay mo.Malas mo lang dahil hindi mo matanggap na unfair ang mundo…hindi lahat ng inaasam mo makukuha mo.” Malamig kong sabi.
Mas lalong dumilim ang mga mata niya. Nag-aapoy ang mga mata niya sa subrang galit.Kaya inihanda ko na ang sarili ko kung sakali mang saktan niya ako.
Pero hindi…kumurap ako ng isang beses at nakita ko na nalang ang pag-iiba ng mode niya.Balik sa dati ang mukha niya, parang sinasapian ni satanas habang ngumingiti.
“Tama ka Sabrina, this world is unfair! Including Him who is unfair for all his creation.Kaya sisiguraduhin kong naging unfair man siya sa’kin.Sa pagbibigay ng buhay ni Luis na dapat sakin.Kukunin ko naman kayo ng anak mo sa kanya para parehas na kami.Patas kami ng nararamdaman sa mundo..”
--
Savannah’s Pov
“Wala pa ba kayong lead kung nasaan na ang pamangkin ko at ang kapatid ko?” tanong ko ‘kay Harry.
Nandito kami sa bahay nila Luis ngayon.Binabantayan namin siya habang pinapatay ang sarili niya sa alak.He looks so hopeless, parang hindi na siya ‘yong Luis na kilala ko.Yung matapang at puno ng buhay na mahal ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
Любовные романыHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina