Part Twenty-Four

11K 137 3
                                    

Part Twenty-Four

(Baliw Sa Kanya)

--

Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni April kanina.Si Luis? Si Luis ang ini-imagine niyang Makita? Si Luis na ang gusto niya? Syete! Hindi pwede ‘yon! Hindi siya pwedeng magkagusto kay Luis kasi…boyfriend ko si Luis at kaibigan ko siya! Tumingin ako sa pwesto ni April, ganoon pa rin siya nakatulala habang ngiting-ngiti.

Ganyan ba kalakas ang tama niya kay Luis? I thought pagkatapos niyang maka-alis sa amin mawawala na ‘yon.Mali yata ako, Dustin is her long time crush.Mag-iisang taon na yata niya itong crush eh.Pero ilang beses niya lang nakita si Luis, maari bang ganoon kadali ma-convert ang isang taon na gusto niya kay Dustin dito? Tsk..

*beep*beep*

Tumunog ang cellphone ko ibig sabihin may text.Tiningnan ko kung sino ang nagtext, sino pa ba? Edi ang gwapo kong boyfriend na sa subrang gwapo pati bestfriend ko magiging ka-agaw ko ata sa kanya.

“Nandito ako sa labas ng school niyo..”

Bigla kumabog ang puso ko.Halong excitement na Makita siya at halong kaba dahil baka Makita siya ni April.Ayaw ko naman ipagdamot na Makita niya si Luis, ang ayaw ko lang Makita niyang magkasama kami!

This is all your fault Sabrina! Sana una palang sinabi mo na sa kanya.Para hindi ka na nahihirapan ng ganito.I want to talk to April, pero hindi ko alam kong paano.Hindi ako handa sa magiging reaksyon niya…ang tanga ko kasi!

Nakita ko siyang may kausap na kaklase namin.Mukhang aliw na aliw pa siya sa kausap kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas.Bahala na kong anong Magiging rason ko bukas kong bakit nauna akong umuwi sa kanya.

*boggsssh*

Kung minamalas ka nga naman oh! Hindi pa ako nakakalayo sa room naming ng makabunguan ko si Khen.Yeah right sa lahat ng tao siya pa na iniiwasan ko.

“I’m sorry..” we said in chorused.

Sabay din kaming umiwas ng tingin sa isa’t-isa. “Sige mauuna na ako, sorry ulit..” nagmamadali na talaga ako.Pero bago pa ako maka-alis tuluyan naramdaman ko na ang malamabot niyang palad sa braso ko.Lumingon ulit ako sa kanya, seryoso ang mga titig niya sa akin.Pilit kong binabawi ang braso ko, ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit niya dito.

“Sa’yo ‘to hindi ba?” sabi niya.Napatingin ako sa hawak niya, ang paborito kong panyo na bigay niya noon sa ‘akin! Naalala ko pa noon, second year high school kami.Hindi kasi ako mahilig magdala ng panyo kaya sa mga practice namin noon palagi akong walang pamahid sa luha ko kapag may eksenang iiyak ako.

I remember what exactly he said that day. “You know Sab, your very beautiful when you cry or not.Kaya ka paboritong gawing bida ni Miss Mai eh, kahit anong ekspresyon ng mukha mo hindi nababawasan ang ganda mo.Just like now, umiiyak ka pero hindi pa rin mapagkaka-ilang napaganda mo.” Nabigla ako sinabi niya, namula ako. “Kaya lang kahit ang ganda mong umiyak, nahihirapan pa rin akong tingnan ka ng ganyan.Your so helpless  and fragile na kailangan palagi ng savior, kaya ito oh.Dalhin mo ‘yan every na may scene tayong papaiyakin ka nila.Sense I’m your leading man gawin mo na rin akong savior mo, pwede ba ‘yon?” he winkat me ang give me his hankerchief.

Hindi ko sinasadyang napapangiti na pala ako.Tumaas ang isang kilay niya, ganyan siya kapag may hindi maintindihang bagay eh. “Excuse  me? May nakakatawa bas a mukha ko?” he asked.Umiling-iling ako habang nakangiti pa rin.Tinanggap ko ang panyo.

“Wala naman..there’s nothing wrong on your face.May naalala lang ako, naalala ko ‘yong savior na nagbigay sa ‘akin nito.” I said.

“Right, that savior…na parating nanjan kapag umiiyak ang leading lady niya.Too bad, wala siya noong nahulog ang puso ng leading lady niya hindi tuloy siya ang nakasalo ng puso nito..” a sad smile form into his face.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon