Part Twenty-Seven

10.3K 144 21
                                    

Part Twenty-Seven

A/N: Wow this is it nasa chapter 27 na tayo it means mga thirteen chaps nalang matatapos na ‘tong storya na ‘toh! Hahaha…Kailangan ko na itong tapusin para masimulan ko na ang iba pang stories ko.I tired of writing this sa totoo lang.Kaso pinipilit ko kasi may nagtatyagang magbasa, mag-votes and mag-comments ang thank you so much for that!

--

“Hindi na talaga ako natutuwa Sab, I’m hurting.” Isang araw kinausap ako ni April.Akala ko makikipag-ayos na siya pero iba sa inaasahan ko ang sasabihin niya sa’kin.

“What are you trying to say April?” tanong ko.Seryoso ang mata niyanh hindi man lang nakatingin sa’kin.Nasa malawak na field kami ng school. Dito daw niya gustong makipag-usap eh.Wala masyadong tao ngayon kasi walang practice game ang mga athlete.

“Sab, I saw you everyday sinusundo ka niya at hinatid sa school.Hindi ko alam kung saan kayo pumupunta kapag sinusundo ka niya..hindi ko rin alam kung anong ginagawa niyo kapag kayo lang dalawa.But Sab…nasasaktan ako kapag na-iisip ‘yon…” Unti-unting may tumutulong luha sa mga mata niya, nasasaktan rin ako sa kanya.Pero kahit nag anon mas malaki ang galit ko sa kanya.

“April magkaibigan tayo diba bakit mo ako sinisiraan kay Luis?” Natigilan siya, tumingin siya sa’kin.Kimirot ang puso ko ng Makita ang kabuuan ng mukha niya, nakaka-awa kasi siyang tingnan.May mga luha pang bumabagsak sa mukha niya eh.

“Sinabi niya pala ‘yon sa’yo..” I heard her chuckled. “Nakakatawa no, sinaraan na kita sa kanya pero hindi man lang siya nagalit sa’yo.Ano pa kaya kapag sinubukan ko siyang agawin sa’yo? Maa-agaw ko kaya si Luis sa’yo?” tanong niya.

“Hindi kita papayagan..”

“Alam ko ‘yon, sino ba kasing tangang girlfriend na hahayaang ma-agaw sa kanya ang boyfriend niya lalo pa’t ilang taon niya itong pinapangarap diba?” She smirked at me…habang nakatingin ako sa kanya ngayon isa lang hindi ko nakikita sa kanya.Yong April na kaibigan ko na walang kasing bait, at hindi mo aakaling makakapagsalita ng ganito. “Pero iba ka Sab kilala kita may lahi kang tanga.Kaya naisip kong mas madali ang pakiusapan diba?”

“H-how dare you..” I want to slap her, pero hindi ko magawa.Parang mas gusto kong umiyak sa harap niya ngayon para bawiin niya ang sinabi niya.

“Desperada na kung desperado Sab, pero minsan lang ako magmahal.Malas mo lang boyfriend mo minahal ko…” sabi niya. “Pero kaibigan pa rin kita Sab, kaya bibigyan kita ng choice.Papakawalan mo si Luis para manatili ang pagkakaibigan natin o…sasabihin ko sa magulang mo ang relasyon niyo.For sure, sila mismo ang maglalayo sa inyong dalawa.”

--

“Sab, paano ‘yong reporting natin diba bukas na ‘yon?” untag ng isa kong kaklase sa’kin habang nag-aayos ako ng gamit pauwi na.

“Hindi ba’t binigay ko na inyo ang kanya-kanya nyong topic? Kayo na ang bahalang mag-research noon, I’m sure kaya naman nyo ‘yon since madali lang e-explain ‘yon eh.” Sabi ko.

“Pero dapat pa rin tayong mag-meeting about sa report, bukas na kaya ipe-present ‘yon.Tapos hindi pa tayo nakagawa ng powerpoint..”

“Saan ba ang mga ka-gropumates natin?”

“Nandoon sila oh, kanina ka pa naming hinihintay eh..” Napakamot ako ng ulo, naman eh nasa labas na si Luis at naghihintay.Pinuntahan naming ang mga ka-groupmates namin na busing-busy sa chikahan.Medyo paspasan ang ginawa naming meeting since ako ang leader ako ang nasusunod dito.Napagpasyahan namin na ako na ang gagawa ng powerpoitn tapos i-email nalang nila sa’kin ‘yong mga research nila.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon