Part Thirty-Three

10.4K 170 29
                                        

Part Thirty-Three

(Baliw Sa Kanya)

-

Nakatatak sa utak ko talaga na maaring siya nga ang lalaking bumuhat sa’kin.Siya yon, si Luis at wala ng iba.Nararamdaman ko kasi, puso ko ang nagdidikta sa’kin na siya ‘yon.

Dahil sa panaginip ko totoong-totoo siya.Hinawakan niya pa nga ako diba? Umiyak pa siya sa harap ko…Ang makitang umiyak sa harap ko sa Luis ay mas lalong nagpadadgdag ng pagmamahal ko sa kanya.Ganito ba ako ka-espesyal  para iyakan ng isang tulad niya?

Sino ba ako? Isang ordinaryong babaeng minahal siya ng lubos at sinaktan din siya ng labis!

“Kung samahan nalang kaya kita apo? H’wag nalang akong maglako ng mga paninda ngayon total naman marami akong benta noong nakaraan.” Araw ng check-up ko ngayon, at magli-limang buwan na rin ang tiyan ko

Excited na sana akong malaman ang kasarian ng baby ko.Gustong sumama nila Lola Melba dahil sa kabilang bayan pa ako magpapacheck-up sa nag-iisang ospital malapit dito sa amin.May dalawang OB-Gyne daw kasi doon na nagbibigay ng libreng kunsulta para sa mga kababaihan dito sa lugar namin.

 “Lola sasamahan naman ako ni Ate Riza para di ako maligaw eh.Hinihintay pa naman ni Aleng Ming ‘yang mga paninda mo.Sige ka, magtatampo ang mga suki mo kapag di ka naglako ngayon!” sabi ko ‘kay Lola.Nag-text ako ‘kay Ate Riz, ang sabi niya paparating na raw siya.

“Hindi naman siguro apo, nag-alala lang kasi ako sa’yo.Baka mapano ka sa byahe, malayo-layo rin ang San Roque..” tinulungan ako ni Lola na tumayo, ang bigat na ng tiyan ko.Pero kayang-kaya ko pa naman, siguro hindi lang ako sanay dahil first time ko itong magbuntis.

“Sus Lola talaga! Isang oras lang byahe namin, hindi naman siguro ako pababayaan ni Ate Riz! Kilala mo naman ‘yon, kasing over-protective mo din yon pagdating sa’kin.” Naka-ngiting sabi ko. “Sige na La, nandito na si Ate Riza balitaan nalang kung anong gender ni Baby.” Tumango siya lahit may pag-alala pa rin sa mukha niya.Maya-maya pa ay dumating na si Ate Riz, agad kaming sumakay ng jeep.

Habang nasa jeep kami, hindi lingid sa’kin ang mga tingin na ibinibigay ng mga tao sa’kin.Unang dumadapo ang mata nila sa mukha ko sunod sa tiyan ko.

Ganyan talaga dito basta bagong salta tiningnan ka nila para bang sinusuri ang kaubuan mo.Idagdag pang buntis ako sa bata kung edad.Pero wala naman akong paki-alam…natutunan ko ng maging proud sa nangyari sa’kin dahil wala naman akong natatapakang tao o puso.

Nagmamahalan kami ni Luis ng mabuo ang dinadala ko.Kapwa gusto namin ang nagyari, hindi ko nga alam ngayon kung kaya pa niya akong tanggapin sa ginawa ko sa kanya.

Tumikhim ako para mawala ang namumu-ong bara sa lalamunan ko.Idinilat ko ng todo ang mga mata ko, ayaw kong umiyak sa ganitong katirik ang araw.

“Naalala mo naman siya no?” biglang nagsilata si Ate Riz sa tabi ko, nakalimutan kong meron pala akong kasama.Nadala ako masyado sa pag-iisip ko sa kanya.Pati tao sa paligid ko na nakakalimutan ko basta siya na ang pumasok sa isip ko.

“Ha? Ahm…hindi talaga siya mawala sa isip ko Ate Eh.Sa limang buwan ko dito walang araw,minutong nawala siya sa isip ko.Lalo na ngayong alam kung alam na niya kung nasaan ako..” mahinang sabi ko, lihim ko pinunasan ang isang luhang pumatak sa mata ko.

“Anong ibig sabihin na alam na niya kung nasaan ka? Sinabi na ba ni Savannah sa kanya na nandito ka?” nakakunot-noong tanong niya.Umiling-iling ako, bukas loob kong ikinwento sa kanya ang mga nangyari noong dalawang buwan pa lang ang tiyan ko.

“Kung ganoon bakit hindi pa ulit siya nagpapakita sa’yo?” tanong niya na kina-kibit balikat ko lang.Bakit nga ba hindi pa ulit? Dapat sumbatan niya ulit ako, para ng sa gayon magkita ulit kami! Miss na miss ko na siya..hindi ko alam kung makakaya ko bang manganak ng wala siya sa tabi ko.Siya kasi ang hinuhugutan ko ng lakas para makayanan ang lahat ng ito.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon