Part Twenty-Three

11.4K 127 3
                                    

Part Twenty-Three

(Baliw Sa Kanya)

“Luis? Anong ginagawa ko dito?”

Isang pilyong ngiti ang gumihit sa mga labi niya.Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa mismo harapan ko.Kinuha niya ang kamay ko, pinagsalikop niya ang mga ito sa kamay niya.

“Hoy! Ayaw ko ‘yang ngiti mo ha! Sagutin mo nga ‘yong tanong ko, anong ginagawa ko dito?!” sabi ko.Tumaas ang isang kilay ko, sinusubukan kong ‘wag kiligin sa ginawa niya.

“Akala ko ba mahal mo ako, dapat pati ngiti ko gusto mo.Ayaw mo na ba  sa akin ngayong nakuha mo na ako Sabrina?” husky niyang tanong habang walang kupas ang ngiti sa mga labi niya.Napagat-labi ako, hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag ang kiliti at kilig na nararamdaman ko tinitingnan ko pa lang siya.

“Pwede ba, wag mo akong artehan ng ganyan! Anong nakuha ko na lahat sa’yo?” tanong ko.

“Hindi nga diba, nakuha mo na ang katawan ko pati puso ko na sa’yo na rin?” himgpit ang hawak niya sa kamay ko, kasabay noon ang kakaibang tingin niya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang mamula! “Argh! Wag ka ngang magsalita na parang ikaw ang birhen sa ating dalawa!” I shout.Pilit kong hinihila ang kamay ko mula sa kanya, pero imbes ako ang hinila niya palapit sa katawan niya.Napahawak ako sa dibdib niya, ang tigas lang ‘te! “Ano ba Luis!”

“Ang bango mo..” he lowered his face to my neck pagkatapos sininghot-singhot niya ito. Hinapit niya ako sa bewang, ang lapit na ng katawan naming sa isa’t-isa! Ghad! Ano bang nangyayari sa kanya? “Pinaghalong pawis ang perfume..” sabi pa niya.

“Syempre ang init kaya sa simbahan kanina.Kasalanan ko bang sadyang pawisin ako.” Sabi ko.Napa-igtad ako ng lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko, naramdaman ko ang isang munting halik na iginawad niya dito. “Luis ano ba…amoy pawis nga ako diba?”

“Kaya nga ang sarap amoyin eh, ‘wag ka ngang lumayo na-miss kita eh..” aniya.

“Heh! Ewan ko sa’yo puro ka bola ehh..” humalakhak siya bago ako tuluyang pinakawalan.Dali-dali naman akong lumayo sa kanya, umupo ako sa kama niya ang lambot lang! “Kwarto mo ‘to?” tanong ko habang pinapasadhan ng tingin ang bawat sulok ng kwarto niya.

“Uh-huh.” Pumunta siya sa isang maliit ng ref at kumuha ng malamig na tubig.Inimon niy ito sa mismong harap ko.My lips parted, when he drink the water infront of me.Kitang-kita ko kasi kong paano gumalaw ang adam’s apple niya. “Gusto mo?” sabay lahad ng basong may lamang tubig.Umiling ako sabay iwas ng tingin.

“So, ano nga ang ginagawa ko dito?” tanong ko.

“Pwede na bang sagot ‘yong na-miss kita agad?” narinig ko ang footsteps niya papunta sa akin.Lumundo ang kama sa tabi ko, it means umupo siya doon.

“Baliw! Para namang ang tagal nating di nagkita..” natatawang sabi ko.Bakit ang feeling ko ang init ng paligid? Dumampi ang braso niya sa balat ko, na mas lalong nakadagdag sa init na nararamdman ko ngayon. Hinawakan niya ang braso ko, napatalon ako bigla.

Narinig ko siyang tumawa. “What? Masyado  bang malakas ang presenya ko sayo?” tanong niya.Napapikit ako, humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. “Mas lalo kang gumaganda kapag nakasimangot ka actually..” then he laugh more.

“Tumigil ka nga! Kanina ka pa eh, kanina mo pa ako iniinis!” Amin ko.Napasimangot pa ako ng todo. “At ngayon…binobola mo na naman ako..” mahinang sabi ko, yumuko ako ayaw kong Makita ang gwapong nakangisi niyang mukha!

“Binibiro lang naman kita eh, tanong ka kasi ng tanong kong bakit ka nandito.Simple lang naman ang sagot doon kung gusto mo talagang malaman.Hindi ko kasi kaya na nasa iisang lugar lang tayo tapos hindi ako makalapit sayo.Ang hirap kayo noon! Ang lapit-lapit mo lang hindi man lang kita mahawakan.Kaya gumawa ako ng paraan para ikaw mismo ang lumapit sa akin.”

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon