Part Thirteen
(Baliw Sa Kanya)
“OH MY GOD!” Kapwa napabitiw kami sa isa’t-isa ni Luis ng marinig ang malakas na boses ni Colline.
Walang kasing lakas ang tibok ng puso ko habang nakikita siyang tuptop ang bibig at nanlalaki ang mata sa gulat.
“Kuya Luis! Anong ginagawa mo kay Sabrina?!” sabay higit sa akin mula kay Luis.
“Tsk. Ano bas a tingin mo ang ginagawa NAMIN?” He emphasize the word NAMIN.May nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nya habang nakatingin pa rin sa akin.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Colline sa aming dalawa.Gusto kong takpan ang mukha ko sa subrang hiya.Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko…
“Y-you mean…naghalikan talaga kayo as in? Hindi ka nya pinilit Sabrina?”
“Pinilit talaga Colline? Kailan pa ako namilit ng babae.Alam mo noon pang babae ang pumupilit sa akin..” may makahalugang tingin ibinibigay sa akin ni Luis habang sinasabi ‘yun.Umiwas ako ng tingin..
“Alam ko naman ‘yun eh! Pero…kilala ko si Sabrina, magkaibigan kami noon pa.Wala syang gusto sa’yo…hindi ba Sabrina?” OA na hinawakan ni Colline ang mukha ko para humarap sa kanya.
“C-colline..” I bit my lips, yumuko ulit ako I felt guilty.Walang nakaka-alam kung sinu talagang gusto ko.Alam nila noong si Khen ang crush ko pero ang mahal ko.Wala…ako ang isip ko at ang puso ko lang ang nakaka-alam ng sekretong ‘yun.
Sinu ba naman kasi ang mag-lalakas ng loob ng i-broadcasr ‘yun.Si Luis, mas matanda sya sa akin…kilala sya ng lahat.Nirerespeto sya ng lahat…sino ba naman ako para magkagusto sa kanya?
“May gusto ka kay Kuya Luis Sabrina?”
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)