Part Five

15.7K 147 3
                                        

Habang nakahiga ako sa kama, katabi si Ate na tulog na tulog.Pinag-iisipan ko ‘yung sinabi ni Ate, kaya ko kaya ‘yun? I mean…alam ko sarili kong hindi ko magagawa ‘yun.Pero may isang boses sa kabila na nagsasabing dapat kong gawin ‘yun kahit iniisip kong ‘di ko kakayanin.

Lumingon ako kay Ate, himbing na himbing na ito sa pagtulog.Kumuha ako ng isang unan, parang gusto ko syang ang mukha nya ng unan hanggang sa hindi na sya makahinga.Bakit kasi nya sinabi ‘yun napaisip tuloy ako…Kainis!

*Buzzzz! Buzzzz!*

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa uluhan ko lang.Kinuha ko ito at tiningnan kong sinong kingkanto nag nagtext na gaya ko gising pa hanggang ngayun.Unknown number ang nakalagay…

“Good evening Sabrina si Luis ito…” bumilis ang tibok ng bata kong puso pagkabasa ko ng text.Saan kaya nya nakuha ang number ko? Anong kailangan nya sa’kin.

Ganyan ang mga tumatakbo sa isip ko habang nakatulala sa text nya.Hindi tuloy ako nakapag-replay, nakatanggap tuloy ako ng isa pang text mula pa rin sa kanya.

“Gising ka pa ba, gusto sana kitang maka-usap eh.”He wants to talk to me?

Dali-dali akong nag-replay, nangingig pa ‘yung kamay ko sa kaba at excitement.Bakit ba nagkakaganito  ako sa kanya? “Yes, I’m still awake.Anong gusto mong sabihin kuya Luis?At saan mo nakuha ang number ko?” Napa-english tuloy ako ng wala sa oras…

“Mabuti naman at gising ka pa.Ibinigay ng Ate mo sa’kin kanina, nasira daw kasi ang cellphone nya kaya ikaw nalang daw ang e-text ko kapag may sasabihin ako sa kanya.” Sira ang cellphone ni Ate? Tumingin ako sa sidetabe kung nasaan ang cellphone nya.Buo naman ahh? Si Ate talaga oo!

“Ahh ganon ba…” sabi ko nalang.

“Oo ganon na nga, ano pwede ba kitang maka-usap?”

“Eh nag-uusap na nga tayo eh sa text nga lang..hihi” ako

“Sabi ko nga eh.”sya

“So, ano nga ‘yung sasabihin mo at nagtext ka pa ng ganitong oras?” Hindi man halata pero naiinis ako sa kanya, higit sa sarili ko.Ako man ang ka-text nya, si Ate pa rin ang dahilan kung bakit nangyari ito.Si Ate Sav pa rin ang dahilan kung bakit may number sya sakin nayon.Minsan masaklap din ang buhay eh…

“Ay sorry nadisturbo ba kita?”

“Hindi! I mean..may ginagawa pa naman ako eh kaya gising pa ako.Hindi mo ako nadidisturbo..” Sinungaling…oo ako na ang sinungaling dahil ayaw kong malaman nyang excited akong ka-text sya.That I’m so thankful that we’re texting right now kahit si Ate ang dahilan kung bakit ka-text ko sya.

“Ahh okay! Tungkol doon sa sasabihin ko…gusto ko lang sana humingin ng pabor.Pwede bang ilakad mo ako kay Savannah?” nabitawan ko bigla ang cellphone…’yun lang pala ‘yun? Gusto lang nyang ilakad ko sya kay Ate?

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang cellphone nabitawan ko.Muling nanginig ang mga daliri ko habang nagta-type. “Oo naman…’yun lang pala eh.” Hindi ko alam kung bakit ‘yun ang sinabi ko.

Bigla nalang kasing nag-pop out sa isip ko ang sinabi ng kapatid ko.Ang akitin ang taong hindi naman ako gusto? Akitin si Luis…we’ll hindi ko na kailangan pa syang kausapin.Dahil sya na mismo ang gumagawa ng pabor para magawa ang plano kung ‘yun…

---

Pagkatapos ng exam naming umuwi na ako agad.Hindi ako sumama sa lakad nila para e-celebrate ang katapusan ng huling exam.Pagod ako, inaantok ako…ikaw ba naman ang walang tulog buong magdamag?

Pagbaba ko ng kanto naglakad nalang ako.Ayaw kong sumakay ng trycicle eh, gusto kong ipunin ang pera ko para bukas.Lumiko ako sa kanan, akala ko puro batang naglalaro ang makikita ko pero hindi…si Ate Candice at Kuya Farnan.Naghahalikan sila, habang ang kamay ni Kuya nasa loob ng blouse ni Ate Candice.

Hindi man lang sa natinag pagdaan ko.Kinandatan pa ako ni Ate Candice ng Makita nya ako.Umiwas lang ako ng tingin…sanay na ako makakakita ng ganyan dahil dito ang lumaki.Dito sa squater na halos lahat ng tao ay walang pakialam sa ginagawa ng bawat isa.Basta nagagawa lang nila ang tingin nila ay nagpapasya sa kanila.

Nang medyo makalampas ako sa kanila doon ko namalayan na kahit pala sanay na ako sa ganyan.Hindi pa rin ko pa rin mapigilang maasiwa sa eksenang nakita…bakit ba kasi dito sa kal—

“Sabrina!”

“Huh!” Nagulat ako ng may bigla humawak sa balikat ko at tumawag sa pangalan ko.Lumingon ako, nakita ko si Luis hawak nya at balikat ko habang nagtatakang nakatingin sa akin.

“Anong nangyari sayo, bakit para ka nakakita ng multo?” tanong nya.

Umiling ako, unti-unting bumalik ang mata ko sa direksyon nila Ate Candice at Kuya Fernan.Sinundan nya ang tingin ko…at bigla syang sumigaw. “Hoy Fernan bawal sa dito sa kanto ‘yang ginagawa nyo.Magsiuwi kayo sa mga bahay nyo at doon nyo ituloy ‘yan!” Napatigil ang dalawa sa ginagawa.

“Kuya Luis naman eh, alam mo namang bawal ako sa bahay nila Candice eh..” sabi ni Kuya Luis.

“Eh dalhin mo sa bahay mo…mga pasaway kayo.Hindi nyo ba iniisip na ang daming inosenteng tao ang pwedeng makakita sa inyo.Hala alis!” Wala silang nagawa kundi umalis…hay mabuti naman.

Naiwan nalang kaming dalawa. “Kailan mo sisimulan ang paglakad mo sa’kin sa Ate mo?” nakita ko ang ningning sa mga mata nya habang magkaharap kami.Mukhang may gusto nga sya sa Ate ko…halatang-halata sa kios nya.

“Bukas…bukas punta ka sa bahay naming.Doon ko sasabihin kong no ang gagawin mo para mapalapit sa Ate ko.” ‘yun na ang sinabi ko.

“Ho thank you!” sigaw nya. Naramdaman ko nalang ang matitikas nyang braso sa katawan ko.Mahigpit nap ala nya akong yakap, at nasa balikat ko ng mukha nya.

Dahil sa subrang dikit ng katawan namin, langhap na langhap ko ang amoy nya.His scent is heaven for me…nakaka-adik dito.

Maya-maya pa ay kusang pumalibot ang mga braso ko upang yakapin din sya.I laid my head through his masculine chest and enjoy the feeling of being in his arm.Ilang sigundo kaming ganoon ng biglang matauhan dahil sa sipol ng mga dumadaan.

“Uy kuya Luis ano ‘yan?” sabi ng isa sa mga dumadaan.

Mabilis kaming bumitaw, parang nakuryente sa bilis. “Sorry..” napakamot sya ako naman ay hindi makatingin.

I cleared my throat to say something. “O-okay lang sige…una na ako…” at saka ako tumakbo ng mabilis, hawak-hawak ko ang dibdib ko.

---

hahaha !! Waley klasing chapter po...pagtygaan nyu nalang kasi subrang busy ko this past few weeks!!! 

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon