Party Twenty-Two
(Baliw Sa Kanya)
Habang kumakain kami ni Luis hindi mawala-wala ang inis ko sa mga babaeng nakatingin sa kanya.Parang isang sikat na artista ang boyfriend, bawat galaw at kilos niya binabantayan nila.
“Tapos ka na?” tanong nya.Binitiwan ko na kasi ang kubyertos na gamit ko then I crossed my arms! Sarap sabunutan nitong boyfriend ko, napaka-manhid! “Hindi pa nangangalahati ang pagkain mo ah!”
“Diet ako eh..” simpleng sabi ko.Nagkibit-balikat nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Thirty minutes din ang ginugol naming sa pagkain bago kami lumabas ng restaurant na ‘yon.Pagkalabas na pagkalabas naming humawak agad ako sa braso niya.Hindi ko na nagawang lumingon pa para alamin kong anong naging reaksyon ng babae doon.
Nabibigla talaga ako sa mga kilos at nararamdaman ko.Bago saakin ang lahat ng ito, pati ang wagas na pagseselos sa lahat ng babaeng lalapit o magkakagusto sa kanya.Ayaw kong magpahalata sa totoong lang, ayaw ko ulit magka-tampuhan kami dahil sa selos na ‘yan.Kaya pinipilit kong intindihin na lang, siguro nga ganito ako dahil masyado akong insecure sa agwat ng edad namin.
Five years, limang taon ang agwat namin sa isa’t-isa! Alam kong pwedeng-pwede niya akong palitan ng mag mature at mas magandang babae.Yon ang kinatatakutan ko, ang ma-realize nya na marami pang options for him.Na hindi niya kailangang ma-stock sa isang batang gaya ko.
Sinusumpa ko ang araw na mangyari ‘yon.Iniisip ko pa lang pinipiga na ang puso ko sa sakit! I don’t think I can afford to lose him lalo na ngayong mas mahal ko na siya kesa noon.
“Babe, may problema ba?” Napakurap ako, hindi ko namalayan hawak-hawak nap ala niya ‘yong mukha ko dahil sa lalim ng inabot ng pag-iisip ko.Subrang lapit ng mukha niya saakin, seryoso din ang mata niyang nakatingin lamang saakin.
Ngumiti ako. “Wala no! Tara nga may bibilhin pa akong damit para sa graduation naming eh..” I bit my lips, saka hinila siya papunta sa isang dress shop.
“Teka, malapit na ba ang graduation mo?” napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.May pagtataka sa mga mata niya, oo nga pala Febuary pa lang ngayon at first week of April pa ang graduation ko.
“Hindi pa, pero gusto ko ng pumili ng damit para toga nalang ang kailangan kong problemahin.” Sagot ko.
Nakita kong ngumiti siya. “So, ibig sabihin malapit ka ng mag-kolehiyo?”

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina