Pag-uwi ko ng bahay ang pilyang ngiti ni Ate Sav ang sumalubong sa akin.Hindi ko sya maintindihan, kinakabahan tuloy ako.Gusto ko sanang magtanong kung anong meron, pero hindi ko na nagawa.Lumabas na kasi sya agad at hinayaan akong pumasok sa loob.
“Ma, andito na po ako…” tuloy-tuloy akong pumasok sa loob, hindi ko man lang napansin ang lalaking nakatalikod paharap kay Mama.Nagmano ako saka sinulyapan ang kausap nya.
“K-kuya L-luis…anong ginagawa mo dito?” Oo sya nga, wala ng iba!
“Ah anak, binibisita ni Luis ang Ate mo.” Masayang pahayag ni Mama. “Hindi mo ba nakasalubong ang Ate mo sa labas? Inutusan ko syang bumili ng meryanda para may makain itong si Luis eh.”
“Sabi ko naman pong ‘wag na kayong mag-abala pa tita Linda.Busog pa naman ako eh, nagmeryenda na ako sa presinto bago ako pumunta dito. Musta na Sabriba, hindi ka na ba ginugulo ng gagong Alex na ‘yun?”
“B-ba kit m-mo binibisita ang Ate ko?” bago ko mapigilan lumabas na sa bibig ko ang mga ‘yun.Medyo nasaktan kasi ako eh, si Ate ang binibisita nya.Malamang manliligaw na sya sa Ate ko.
Nawala ang ngiti nya, napalitan ng pagtataka.
“Halika nga dito Sabrina umupo ka.Andito si Luis kasi magkaibigan sila ng Ate Savannah mo.Dinadalaw lang nya ito, ano ka ba? Bakit ka nagtatanong ng ganyan…” sabat naman ni Mama.Pero hindi ako naniniwala na dinadalaw nya ito dahil magkaibigan lang sila.
Nakatingin lang ako kay Luis habang salita ng salita si Mama.Sya rin nakatingin lang sa mga mata ko.Hindi ko alam kung halata ba nya o hindi.Pero alam ko sa mga oras na ito, I am hurting.Bakas ‘yun sa makha ko.
“Asan na ba ‘yung Ate mo at hindi pa nakakabalik.Baka mainip na ‘tong si Luis sa kakaintay sa kanya oh.Teka lang huh, susundan ko lang.Dito ka muna Sabrina huh? Kausapin mo muna ‘yang si Luis…okay lang ba Luis?”
Ngumiti sya ulit kay Mama at tumango.Umalis si Mama. Ibig sabihin dalawa nalang kaming naiwan.Ang awkward tuloy…anu bang sasabihin ko sa kanya?
Ramdam din siguro nya ang sitwasyon.Kaya sinubukan nyang gumawa ng conversation. “Sab, hindi mo kasi sinagot ang tanong ko kanina eh.Bigla ka nalang umalis…” pagsisimula nya.
“A-anong t-tanong?” Syete ! Ayan ka na naman Sabrina…nauutal ka na naman sa harap nya.Anu ba !
“Kung saan ka pupunta kanina..”
“Ah ‘yun ba…pupunta kasi akong school may theater rehersal kami.Bakit mo tinatanong?”
“Wala naman…”
Pagkatapos noon hindi na kami muling nag-usap pa.Gusto ko sanang pumunta ng kwarto, umalis sa harapan nya.Pero naalala ko ang sabi ni Mama ‘wag ko daw syang iwan.Kaya kahit gustuhin ko mang umalis hindi ko magawa.
Maya-maya pa dumating na sina Mama pero hindi nya pa rin kasama si Ate.Mukhang tuluyan na atang tinakasan ni Ate ang bisita nya.I want to laugh, pero ngumiti nalang ako ng lihim para ‘di obvious na Masaya ako.
Hindi nagtagal umalis na rin si Lui.Mukhang disappointed ang mukha.Biruin nyo naman kasi tinakasan ni Ate.I don’t want to be mean, pero nagiging mean ako basta tungkol sa kanya.
Buong gabing pinagalitan si Ate Sav nina Mama at Papa.Malaki kasi ang utang na loob naming hindi lang kay Luis kundi sa Papa nya.Kaya siguro napakalaking kahihiyain ang ginawa ni Ate para sa kanila.
Nakasimangot si Ate ng pumasok sa kwarto naming.Pabagsak syang umupo sa kama.
“Ate, bakit ka hindi na bumalik kanina?” mahinang taong ko.Ingat na inga akong magsalita, badtrip ngayun si Ate.At kilalang-kilala ko sya kapag wala sa mood…Hindi sya nangangagat pero, panggigilan ka nya.
Lumingon sya sa direksyon ko at muling sumimangot. “Kasi naman eh! Sinabi kong ‘wag nya akong dalawin…pero dumalaw pa rin sya.Kahit ilang beses ko ng sinabi na may boyfriend na ako, sige pa rin sya sa panliligaw.’Yan tuloy nag-walk out ako ng walang paalam!” asar na sabi nya.
“May boyfriend ka na Ate?!” Shucks ! Bakit hindi ko ito alam? Bakit nya hindi sinabi sa aking may boyfriend na pala sya…
“Oo, pero ‘wag mong sabihin kina Mama huh? Hindi naman officially kami, pero parang ganoon na rin ‘yun.” Nalilito ako sa sinabi nya, sila ba o hindi..ano ba talaga? “Hoy mag-promise ka sa akin bunso hindi mo sasabihin kina Mama na may boyfriend na ako?” tumango nalang ako…kahit ang pina-ayaw ko ‘yung nagsisinungaling sa magulang.
“Nanliligaw na pala sya sayo…” parang wala sa sariling sambit ko.Napakagat-labi pa ako, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.
Alam ko namang nanliligaw sya eh, pero masakit pa rin pala na sabihin sa iyo ng direkta no?
“Oo eh, sorry bunso huh.Alam kong masasakatan ka kapag sinabi ko agad sayo.Pero don’t worry I don’t feel anything about him.Kaya sayong-sayo na sya, promise!”
“Sa akin talaga?! Hindi ko naman sya ganoon kagusto noh, isa pa ang layo ng agwat ng edad namin sa isa’tisa..”
“Weehh? Hindi ako naniniwala sa’yo.Ang sabi mo ten years old ka palang may gusto ka na sa kanya.Kitang-kita nga sa mukha na nsakta ka ng sinabi kong…nanliligaw sya sa akin eh!”
“Hindi kaya!” tanggi ko, tumalikod ako kay Ate para itago ang mamumula ng mukha ko.Ganoon ba ako ka-obvious? Urghh!
“Oo kaya! Hoy, ‘wag mo nga akong talikuran…halika ka dito.May sasabihin ako, at mali pala may pag-uusapan tayo.” Lumingon ako sa kanya, nawala ang busangot nyang mukha.Napalitan ng pilyang ngiti, ano na naman ba ang iniisip nitong babaeng ‘toh?
“Anong pag-uusapan natin?”
“Halika muna dito, lapit ka kay Ate.For sure matutuwa ka sa sasabihin ko..”
Wala akong clue sa sasabihin nya, pero mukhang hindi ko na agad ito gusto.Tumayo ako sa tumabi sa kanya sa kama.
“Ano ba ‘yun?” tila naiinip kong tanong.
Huminga muna sya ng malalim…saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.
“Kausapin mo si Luis bukas…sabihin mong tutulungan mo syang mapasagot ako.Nang sa ganoon ay mapalapit sya sa’yo.At malay natin…kapag nagging super close na kayo.Sayo sya mainlove…imbes na sa akin.”
Gusto kong mawalan ng ulirat sa sinabi ng Ate ko.KUmurap-kurap pa ako ng ilang beses para siguraduhin na ang Ate ko ang kaharap ko.Na sya ang nagsasalita ng mga walang kabuluhang bagay na ‘yun…
“Ate nababaliw ka na ba? Gusto mong akitin ko si Luis?!”
“No I’m not crazy bunso, but yes ! I wanto you to seduce that guy to make him fall deeply inlove with you.Para mawala ‘yung pagkakagusto daw nya sa akin…”
“Nababaliw ka na nga, mabuti pang matulog na tayo.Iisipin ko nalang na wala kang sinabi.At wala akong narinig sayo…Goodnight Ate.Sana bukas mahimasmasan ka na.And you realize, na kabaliwan ‘yang mga sinasabi mo sa akin ngayun.”
Humiga na ako sa kama sa tabi nya.At pumikit kahit hindi pa naman ako inaantok.
“Hey, I’m just trying to help you.”
“Thank you but no thanks Ate.Goodnight…itulog mo nalang ‘yan.”
----
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina