Part Seventeen

13.2K 159 1
                                        

Part Seventeen

Buong gabi akong hindi mapakali.Hanggang ngayon kasi hindi pa sinasagot ni Luis ang tawag ko.Text ako ng text hindi nagre-reply.Nasa kwarto lang ako hawak-hawak ang cellphone at nag-iisip kung anong gagawin ko.

“Hays! Bakit ba kasi nandoon siya kanina?” sisi ko pa sa kanya.Actually, bumabalik pa rin sa isip ko ang itsura ni Luis kanina.Ang GWAPONG galit na itsura niya! “Bakit kasi ako pumayag na yakapin ni Khen?” nababaliw na yata ako sa kaka-isip nito.

I grabbed my cellphone again.I scan all my contacts at naghanap ng pwede kung hingan ng tulong.Baka kasi, kung ilang oras pa akong magiging ganito mababaliw na ako ng tuluyan dito.Wala pa naman si Ate dito.Ayun! Nakita ko ang number ni Colline.Siguro naman pwede niyang akong samahan sa bahay ni Luis o di kaya sa presintong pinagta-trabaho-an niya.Oo, ngayon na ako ngayon na ako kikilos! Bahala ng mapagalitan ni Ate mamaya kapag naabutang wala ako dito.

“Colline!” agad na bati ko kay Collin eng sagutin niya ang tawag ko.

“Sabrina, napatawag ka?” mahinang sagot ni Colline.Hindi mahina, halos pabulong na ‘yung boses niya eh. “May kailangan ka ba?”

“Ahh…kailangan pa talagang bumulong ka?” nagtatakang tanong ko.Alam kong binabawalan siyang lumabas pero hindi naman siguro bawal makipag-usap sa cellphone diba? Ayy shit! Bakit ko ba nakalimutang bawal lumabas si Colline? Ah basta! Hindi naman siguro masamang subukan diba?

“Ako bumubulong? Hindi ah! Ganito lang talaga ang regular na boses ko since nagka-anak ako.Alam mo na, gahaman sa tulog ‘tong Junakis ko.Ma-umaga ma o gabi tulog ng tulog.Nasanay na siguro akong hihinaan ko ang boses para di siya ma-disturbo.” Sabi niya.Napatango nalang ako, iba na talaga kapag may anak ka na.Nagiging responsible ka na sa kaliit-liitan man na bagay.Gusto ko sanang kaawaan si Colline dahil sa pagkaka-buntis niya ng maaga.Pero ngayong mukhang Masaya naman siya, I rather be happy for her too. “So, ano nga ang tinawag mo?”

Tumikhim ako bago magsalita. “Kasi..magpapasama sana ako kay Lui---“

“WHAT?! Anong gagawin nyong dalawa?” halos mabingi ako sa lakas ng boses niya.

“Ano ba Colline! Wala kaming gagawin no…mukha kasing nagalit siya sa akin kanina.Kaya gusto ko sanang maka-usap siya, hindi kasi niya sinasagot ang text at tawag ko eh..”

“Tsk! Friend sabihin mo nga sa akin…kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala eh.Kayo ba talaga ng pinsan kong ‘yun? I mean…gusto mo ba talaga siya?” tanong niya.Napagat-labi ako…bakit kakaiba ang nagiging reaksyon ng mga taong nakapaligid sa amin sa relasyon namin? Masama bang magka-gusto ako sa kanya? Alam ko, his older than me but DAMN! Walang pinipiling edad ang pag-ibig.Walang age requirements ang puso kung magmahal.

“Colline…I love your cousin noon pa.” simpleng sagot ko.Narinig kong may umungol na bata sa kabilang linya.Si Baby VJ siguro ‘yun.

“Hays.Okay halata naman sayo kung paani mo siya tingnan eh.Noong una gusto ko sanang ipagkibit-balikat ‘yun.But then…when I saw you kissing doon ko na-confirm na may something nga sa tingin mo sa kanya.” I feel my face turned red. “At siya..may kakaiba rin sa kanya lalo ng nakita mo siyang naka-boxers lang haha!” natuwa rin ako.Yeah, I remember that scene.Pati ‘yung tanungin ni Colline ang brief size niya.

“Yeah. So, ano matutulungan mo ba ako?” ilang sandali siyang tumahimik before she finally agree na samahan ako.

“Naku Sabrina mabuti nalang right timing ang pag-aya mo sa akin.Kami lang dalawa ni baby VJ sa bahay..” sabi ni Colline eng puntahan ko siya sa kanina.Karga-karga niya ang cute na cute na si baby VJ.Habang tinitingnan ko ng mabuti si baby VJ ngayon ko lang napagtanto.Vince is handsome..ang gwapo kasi ng anak niya kamukhang-kamukha niya.Dati kasi wala akong tiwala noon sa mukha noon, feeling ko sasaktan niya lang ang kaibigan ko.

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon