Part Forty-One
-
Sabrina’s Pov
“Race, anong ginagawa mo dito?”
Tatlong linggo na rin ang nakalipas ng huli ko siyang nakita.Simula ng umalis siya three weeks ago, hindi na siya bumalik pa.Pero natatandaan kong sinabi niyang he’ll come back.Hindi ko akalain na babalik din siya agad.
“Na-surprisa ba kita, Sabrina?” naka-ngiting sabi niya.
Umiiling-iling ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa kabuuan niya.Tumaas ng bahagya ang buhok niya.Medyo tumatabing na ito sa mata niya.At may kunting bigote na rin na tumutubo sa baba niya.
“O-oo, medyo…ano ba kasing ginagawa mo dito?” tanong ko ulit.
Bahagyang kumunot ang noo niya.Pagkatapos lumingon-lingon sa paligid, oo nga pala hindi ko pa siya pinapapasok sa loob ng bahay.
Bahagya akong umatras at inalok siyang pumasok.Hindi naman siya nagdalawang-isip na pumasok sa loob. “Alam ba ni Luis na pupunta ka dito?”
Magkaharap kaming naka-upo ngayon, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaibang presensiya niya.
Hindi ko mapaliwanang kong bakit nararamdaman ko ‘yon.I know, sa isang linggo na kasama namin siya sa bahay.May presensiya talaga siyang hindi mo matatanggihan.
But, today is different.
Nakikita ko sa kilos at pananalita niya na hindi siya kumportable.Which is unsual.
“Hey, okay ka lang ba?” hindi ko mapigilang mag-tanong.Nakita kong bahagya siyang lumingon sa’kin bago muling umiwas.
Yon ang isa pang napansin kong kakaiba sa kanya.Hindi niya ako matingnan sa mata at parating lumilipad ang tingin niya sa kabuuan ng bahay.
“Ah! Sure, okay lang ako.At tungkol doon sa tanong mo, hindi niya alam na nandito ako.” Sabi niya. “Nandito ako kasi gusto lang kitang Makita..” bago pa ako maka-huma sa sinabi niya.Hawak-hawak niya na ang kaliwang kamay ko.
Ilang minutong napako ang tingin ko sa mga kamay namin.Mainit at magaspang ang kamay niya.At higit sa lahat nakakakilabot itong humawak.May kunting kilit akong nararamdaman kaya hindi ko alam kong pipiksi ba ako o hindi.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)