Part Thirty-One
(Baliw Sa Kanya)
--
“Apo, buntis ka ba?” kamuntik na akong mabilaukan isang umagang tanong ni Lola habang nag-aalmusal kami.Katahimikan ang sumunod na bumalot sa’min, hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot o hindi.Dahil sa itsura ni Lola Me ngayon, mukhang alam niya na ang totoo tanungin man niya ako o hindi. “Ayaw ko sanang magtanong Apo kasi hinihintay kitang magsalita.Pero hanggang ngayon hindi ka pa nagsasalita, umamin ka nga Sabrina.Kaya ba umuwi dito dahil sa kalagayan mo?”
Napakagat-labi ako, may pag-aalinlangan sa mga kilos ko. “H-hindi ko po alam La..” sabi ko.Nasapo ni Lola ang noo niya, napakipit siya at ilang sandal pa ay tumayo na siya. “S-san po kayo pupunta La, hindi pa po kayo tapos kumain.” Pigil ko sa kanya.
“Pagkatapos mo diyan mag-ayos ka pupunta tayo ng center.” Pagkatapos iniwanan ako ni Lola sa hapag.Ano ba kasi ‘tong nangyayari sa buhay ko.Una nag-away kami ng bestfriend ko, pangalawa nagalit si Mama sa’kin panghuli iniwanan ko si Luis ng walang paalam.At ngayon..may posibilidad na buntis ako!
Napahawak ako sa tiyan ko, talaga bang may laman ito? Kung meron man napaka-bad timing niya wala si Luis dito sa tabi ko.Nandoon siya dahil pinili kong iwan siya at sundin ang magulang ko.Mas pinili kong maging masunuring anak.Malamang galit siya ngayon sa’kin, malamang hinahanap pa niya rin ako hanggang ngayon.Sana nga mahanap niya..sana mahanap namin ang isa’t-isa.Dahil alam ko sa sarili kung hindi ko siya makikita kung ako ang maghahanap sa amin dalawa.Ako nga ang lumayo diba?
Sa center kinomperma ng doktora na mahigit isang buwan na nga akong buntis.Akala ko pagagalitan ako ni Lola pero hindi, Masaya siya dahil magkaka-apo sa thod na daw siya.Pero ako? Iwan ko kung Masaya ba ako o hindi…paano ako magiging Masaya kung wala sa tabi ko si Luis?
“Teka nga Sabrina, ‘wag kang magkikilos diyan baka mabinat ako!” saway sa’kin ni Lola.
“Lola naman, parang nagtutupi lang ako ng mga damit eh.Mabibinat na agad?” sabi ko saka pinagpatuloy ang ginagawa.I need to keep myself busy, ayaw kong mag-isip.Baka kung saan pa humantong ang pag-iisip ko.Mamalayan ko nalang nakasakay na pala ako ng bus, pauwi..pauwi kay Luis!
“Kahit na, mapapagod ka pa rin.Buntis ka at dapat sa mga buntis walang ginagawa at nagpapahinga lang.” sa huli itinigil ko nalang ang pagtutupi. “Maiba nga tayo apo, kailan mo sasabihin sa Mama’t Papa mo ang kalagayan mo?” natigilan ako sa tanong ni Lola.Muling bumalik ang tinatagong kaba sa puso ko ng mabanggit niya si Mama.Kanina ng nalaman kung buntis ako, si Luis agad ang naisip ko.Ni hindi sumagi sa isip ko ang magulang ako.Ano kayang magiging reaksyon nila? Siguradong mas lalo lang magagalit si Mama sa’kin.
“H-hindi ko pa po napag-iisipan kung kailan eh..” simpleng sabi ko nalang.Tumango si Lola Melba at pinabayaan nalang ako.Hindi niya ako pinangungunahan sa magiging desisyon ko, at Masaya ako doon.
Unti-unting lumipas ang araw, ramdam na ramdam ko na ang sintumas ng pagbubuntis ko.Nandiyan ang pagiging antukin ko, malakas ang kain ko, pagiging mahiluin ko at ang pagduduwal ko tuwing umaga.Mahirap ang sitwasyon ko ngayon, wala si Ate Sav na pwede kung sabihan ng lahat ng nararamdaman ko.Pero ganoon pa man, unti-unti ko na rin natatanggap ang kalagayan ko.
Sa bawat araw na gigising ako isa lang ang palaging hiling ko.Keep me and my baby safe and healty..specially his dad na wala sa tabi namin.Yon lang naman ang hiling ko eh, ang kaligtasaan niya dahil sa trabahong meron siya.
“Ate Sabrina ba’t po mas lalo kayong gumaganda ngayon?” nandito ako sa labas ng bahay naming.Kausap ko ang ilang kapit-bahay na naging malapit na rin sa’kin sa nakalipas ng dalawang buwan na nandito ako.Si Delaine ang kausap ko, anak ni Gia isa sa mga bagong kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)