"Gabi na ah! Bakit andito ka pa?!" si Luis.
Mahigpit ang hawak nya sa braso ko, malalim at may kunting galit akong nakikita sa mga mata nya.Ganoon pa man di magkakailang ang gwapo nyang tingnan sa ayos nya ngayon.Wet look...basa ang puting kamisong suot nya.Kitang-kita ang katawan nya, pati ang nagtitigasan nyang muscle aninag ko.
Napalunok ako ng tatlong beses.Umiwas ako ng tingin sa katawan nya.When I finally look at his beautiful, I saw him smirked at me!
"L-luis..."
"Tapos ka na bang inspeksyunin ang katawan ko Sabrina? Pwede mo na ngayong sagutin ang tanong ko kung bakit hanggang ngayon hindi ka nakakauwi sa inyo?!" sabi nya.
I bit my lower and try to calm myself.Shh... nakakabaliw talaga siya kahit anong gawin o sabihin nya! Bumababa sya sa motorsiklo upang sumilong kasama ko.Parehas na kaming basang-basa dahil sa tagal naming naglagi doon sa gitna ng ulan.Ako kasi eh... ang tagal kong naka-recover mula sa pagtitig sa katawan nya.
"Ano?! magtitigan nalang ba tayo dito hanggang tumila ang ulan.Sagutin mo na 'yung tanong ko ng mauwi na kita sa iyo Sabrina." Sabrina... ang sarap pakinggan kapag sya ang bumibigkas ng pangalan ko Buong-buo ang boses nya, lalaking-lalaki.At para bang naging special ang name ko sa pagbigkas nya nito.
"Galing kasi ako ng Mall kasama ng mga theatermates ko.Hindi ko namalayang gabi na pala, naabutan ako ng ulan sa daan.." paliwanag ko.
"May sakit ka diba? Dapat umuwi.ka agad pagkatapos ng.klase mo! Hindi 'yang kung saan-saan ka naglalakwatsa at kung sinu-sinong sinasamahan mo!"
"Wala na naman akong sakut eh.Isa pa mga kaibigan.ko lang naman ang kasama ko..."
"Kahit na! Babae ka, at ang babae di dapat umuuwi ng madilim na." napatanga ako sa sinabi nya.Ganoon ba dapat 'yun?
Tinalikuran nya ako at mabilis na sumakay sa motor nya. "Halika na ka, ihahatid na kita sa inyo malamang nag-aalala na sila tatay Santiago at nanay Letty sayo.." sabi nya pagkaraan ng ilang sandali.
Ini-start nya ang mitor nya.Bagay na bagay talaga sa kanya kapag sakay sya ng kanyang motor.Mas lalo syang kumikisig tingnan...para syang action star sa isang pilikula.Yun nga lang, pang kontrabida ang role nya dahil sa sungit at iritadong mukha nya ngayon.
"Luis...pwede bang wag mo muna akong iuwi sa amin?" lumipad ang tingin nya sa akin dahil sa tanong ko.Mas lalong kumunot ang noo nya.
Huminga ako ng malalim at pinilit tapatan ang titig nya.Wala ako sa sarili nong sabihin ko yun.Ewan ko nga rin eh kung bakit nasabi ko yun...basta ang alam ko lang miss na miss ko na sya at gusto ko ulit syang makasama Total may nasimulan na kami.Ibinugay ko na ang lahat-lahat sa kanya.Hindi naman sigurong masama na humingi ng kapalit diba? Gusto ko lang na nanjan sya, kasama ko kahit sandali lang.Kahit kunting oras lang...Hanggang sa tuluyan na nyang marealize na ako ang nandito.Ako ang kasama nya at...hindi ang kapatid ko.
"Ano ang gusto mong mangyari Sabrina,bakit ayaw mong iuwi kita sa inyo?" sabi nya.
"Wala L-luis... wala aking gustong mangyari.Gusto ko lang...makasama ka kahit sandali."
"Tsk.Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ngayon ang mga lumalabas sa bibig Sabrina.Pagkatapos ng may nangyari sa atin...tuluyan ng nag-iba ang unang ko sayo.Pakiramdam ko sa bawat galaw mo...sa bawat tingin at sa bawat salitang sasabihin mo.Mga paraan para mahalin kita.Paraan para mawala ang nararamdaman ko sa kapatid mo.Sa totoo lang pinagsisihan ko ang nangyaricsa atin.Sising-sisi ako kung bakit ko pinatulan ang kahibangan mo..." ngumisi sya sa kawalan bago nagsalitang muli. "Pero ito sana ang tandaan mo.Unang beses akong nagmahal ng totoo.Unang beses kong masaktan ng todo...kaya hindi ko alam kung kaya ko bang magmahal muli ng ganito.Mahirap kalimutan ang kapatid mo Sabrina." mapait ko syang nginitian.Ang sakit...ang sakit palang ipamukha ng taong mahal na kahit kailan di matutupad ang pangarap mong mamahalin ka rin.

BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina