Part Thirty-Eight

8.3K 116 7
                                    

Part Thirty-Eight

(Baliw Sa Kanya)

-

“May mali ba sa ating dalawa Sabrina? Galit ka ba sa’kin? Just tell me, at aalis ako ngayon din.”

Marahas akong lumingon sa kanya, pero maling aksyon ang ginawa ko dahil nasa likod ko lang pala siya.Ang lapit ng katawan at mukha namin, to the point amoy na amoy ko na siya..ang mabangong amoy niya.Itinulak ko siya palayo sa’kin, distance please…ayaw kong ganito ka kalapit sa’kin!

“Hindi kita maiintindihan Race, pinsan ka ni Luis so bakit ako magagalit sa’yo? Walang mali sa’tin, ewan ko sa’yo.H’wag mong itanong sa’kin ang mga bagay na ‘yan dahil sa tingin ko ikaw lang ang may alam.” Sabi ko.

“Bakit ko itatanong ang bagay na hindi ko alam Sabrina? Alam kong may mali sa’tin, naasiwa ka sa’kin subrang lamig ng pakikitungo mo sa’kin.Hindi ka ba komportable sa’kin Sabrina.” Tuloy-tuloy na sabi nya.

Nakita ko ang pagkalito at detreminasyon sa mata niya.Hindi ko alam kong para saan ang determinasyon na ito.Determinasyon ban a malaman ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

Umiling ako .Bumunto9ng-hininga ako bago ako muling nagsalita. “H-hindi lang ako sanay ng may ibang tao na kasama namin ni Luis, Race.Sanay akong kami lang palaging dalawa dito sa bahay..kasama ni Louis James.Pasensiya na kong iniisip mong naasiwa ako sa’yo kasi ‘yon naman talaga ang totoo.” Nakita ko tumiim-bagang siya. “H’wag kang mag-aalala susubukan kong pakitunguhan ka ng mabuti, ng wala kang maramdamang lamig.”

Ilang minute lang siyang nakatingin sa mukha ko.Parang sinusubaybayan ang bawat galaw ng mata ko, ilong at labi ko.Nakaka-asiwa, muli ko na namang naramdaman ‘yon sa lagkit ng tingin niya sa’kin.

“Paki-usap, don’t look at me that way…naasiwa ako sa mga tingin mo.” I honestly said.

Umiwas siya ng tingin at bahagyang tumikhim.

“Sorry, susubukan kong ‘wag kang tingnan ng ganoon.Sa totoo lsang kasi hindi ko maiwasan, you’re one hell of a beautiful sight Sabrina. Masyado kang maganda para hindi tingnan ng tulad ko.” He said before turn his head on me.

Hindi ko alam kong paano ako magre-react ng sinabi niya.I feel my chicks turned red, my lips parted.Hindi ko alam kong paano napunta doon ang usapan namin.

Nakita ko siyang papasok na sa kwarto, pero bago siya tuluyang pumasok.Muli siyang tumingin sa’kin, nagtama ang mga mata namin.

“Tang-ina!” I heared him cursed before he totally entered the room.

-

Alas diyes ng umaga ng dumating si Ate Savannah sa bahay.Wala daw kasi siyang pasok kaya dumeretso siya dito para Makita si Lj.Nakita ko kung paano siya ka-attach sa anak ko.Pakiramdam ko nga, mas mahal na niya ‘yon keysa sa’kin eh!

Baliw Sa Kanya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon